Chapter 12

273 12 2
                                    



One Week




Hindi ako pumasok. Buong araw akong nagkulong kwarto. Hinihintay ko nalang ang mga papers na ibibigay sa akin nila mama. Aalis na 'ko. Babalik na 'ko sa dati kong condo. Sa dati kong buhay.





Kinuha ko ang frame na nasa itaas ng table. Nandoon ang picture namin ni Galen. Noong kasal namin. Mukha naman kaming masaya rito. Pero ang totoo hindi naman talaga. Peke, pekeng ngiti lang naman ang makikita roon.






Kusa tuloy tumulo ang mga luha ko dahil naiinis ako sarili ko. Pinaniwala ko ang sarili kong totoo ang mga fairytales. Na kapag gusto mo ang isang tao siya ang makakatuluyan mo sa ending. Hindi naman pala. Hanggang imagination ko nalang pala ang forever namin ni Galen.






Napapunas ako ng luha ng makarinig ako ng katok. Agad kong isinuot ang shades ko bago binuksan ang pinto. Wearing shades inside my room? Not bad.





"Why?"





"You didn't eat breakfast, and lunch may balak ka din bang hindi kumain ng hapunan? And why are you wearing shades?"






Tipid akong ngumiti. "Diet ako, saka may sore-eyes ako kaya nakasuot ako ng shades."







Ano pa bang ginagawa niya dito? Pilit lang ba 'to lahat? Para sa kumpanya?






He nodded. "Kumain ka na. I cooked."





Tipid akong ngumiti. "Sige."






Kung noon niya siguro sinabi 'yan baka nagtatatalon na 'ko sa kilig at tuwa. Pero ngayon kasi pakiramdam ko hindi na 'ko valid na kiligin sa mga ginagawa niya.







Dahil may iba nang nagmamay-ari sa kanya. At hindi ako 'yon.










Hindi din ako kumain ng dinner. Pinatiyagaan kong kainin ang tinapay at biscuits na nasa bag ko. Sa iba kapag na-i-stress sila dumadami ang kain, sa akin naman nawawalan ako ng gana.







Nakatanggap ako ng tawag mula kay mama. One week pa daw bago matapos ang pagprocess ng mga papers.







Wala namang mababago sa usapan nila. Magbibigay pa din ng share si Mama sa kumpanya ng mga magulang ni Galen ngunit hindi nga lang ganun kalaki sabi ni Mama sila na daw bahala room 'wag ko na daw isipin.






Isang linggo lang naman 'yon. Madali lang ang oras at araw nasisiguro kong mabilis lang 'yon. Magigising nalang ako kinabukasan hawak ko na ang divorce papers naming dalawa.







Inayos ko na ang aking mga gamit. Pinaglalagay ko na sa aking maleta ang iba kong mga damit para mabilis ko nang maiaayos ang aking mga gamit kapag umalis na 'ko.






Itinago ko sa isang box lahat ng bagay na nagpapaalala sa'kin kay Galen. Ngayon palang kailangan ko nang mag-move-on. Hindi bukas o sa mga susunod na araw, kundi ngayon.





Tinignan ko ang kumikinang na singsing sa aking daliri. Dahan-dahan ko 'yon tinaggal at pinakatitigan.






Isa ka sa naging simbolo ng pagkakamali ko.. at katangahan ko...






Ibinalik ko 'yon sa dati niyang lagayan na maliit na box. Inilagay ko na rin 'yon sa box.






Itinago ko ang box na 'yon sa ilalim ng aking kama. Napabuga ako ng hangin. Ngayon palang sasanayin ko na ang sarili ko. Hindi na kami mag-asawa, wala na.





Napatingin ako sa picture niyang in-sketch ko. Nakasabit 'yon sa likod ng pinto ko. Nakangiti siya nito dahil nakapuntos siya noong panahong naglalaro pa siya ng volleyball.






Kinuha ko 'yon at pinakatitigan. It was a stolen shot. I draw it kasi ang cute niya roon. Malungkot nalang akong napapangiti sa tuwing inaalala kung paano ko siya nagustuhan noon.





Pero ngayon? Isang linggo nalang.





Isang linggo nalang palalayain ko na yung taong mahal ko. Makakalaya ka na sa akin, Galen.





━━━━━━━━
YOONFOREA

To Be With You ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon