Chapter 06

255 10 0
                                    


Day 4 in Cebu City - Surfing


"Saan ka pupunta?"




Liningon niya 'ko. "Sa bayan, saglit lang naman." Sa bayan nanaman? Ano bang meron sa bayan?




Tapos saglit daw pero ginagabi na ng uwi. Wala naman akong magagaw hindi ba? Kaya tumango nalang ako. "Sige, ingat." nang mawala siya sa paningin ko napanguso ako.





Nandito kami para magkaroon ng time together pero palagi siyang umaalis. Ano 'to alone time? Hindi kami together e.






Lumabas na 'ko ng cottage at napagpasiyahang magsurf nang, ng mag-isa. I wore a blue one piece of bikini. Agad akong lumapit sa maalon na  dagat habang hawak ang malaking board.





Napatingin ako sa grupo ng mga kalalakihang may mga hawak din na surfboard. Matatangkad sila't kulay morena ang kanilang mga balat halatang mga taong beach ang mga 'to. Mukhang papalapit ata sila sa pwesto ko? O talagang dito lang ang daan nila? Well, nevermind. Tumakbo na 'ko sa dagat upang masalubong ang alon na paparating.




Nakikisabay ako sa mataas na alon na para bang magkadikit kami dahil hindi ako nito hinihiwalayan. Napairap ako ng maghiyawan ang mga kalalakihang kanina lamang ay papalapit lang sa pwesto ko. Hindi naman siguro ako yung dahilan ng pasigaw nila?






Nang makabalik na 'ko muli sa mababaw na bahagi ng dagat nasalubong ko ang nagkikintaban nilang mga ngiti. Tapos minsan may papuri silang sinasabi na tipid ko lang nginingitian.




"You're so good."





"That was awesome!"







"Salamat," tipid ko silang nginitian. Lalagpasan ko na sana sila ng harangin ako ng isa. "Bakit?" I asked, anong kailangan niya?






Inilahad nito ang palad. "I'm Duke."






Hindi ko tinanggap ang kamay niya ngunit sarkastiko akong ngumiti. "Hello, Duke. I'm married." itinaas ko ang mga daliri ko't ipinakita sa kanila ang singsing.







Napa-ohh ang mga kasamahan niya. Halos apat din silang nasa harapan ko na magkakamukha.




"Well, okay you're married. Pero pwede bang makasama ka sa.." nginuso niya ang hawak kong surfboard.





Tinaasan ko siya ng kilay. "Ah, bakit para saan?"






"I'm just being friendly here." matamis siyang ngumiti, at ang puputi talaga ng ngipin niya ah? In fairness.




Tumango ako. "Okay, sige."





"Yeah, thank you, Miss."





Naglakad na kami palapit sa maaalon na dagat. Hindi naman siguro masamang may makilala akong ibang tao dito dahil hindi na din ko naman na ulit sila makikita pang muli. Isang linggo lang naman akong nandito. Mas mabuti na 'to kaysa lagi akong nasa cottage na mag-isa.




"Go miss Married!"





Napailing ako sa kantyawan ng mga kaibigan niya. "Wow, parang others lang ako rito ah." natatawang wika ni Duke.





Nagsimula na din kami ng pagsusurf. Nakakahanga din ang galing ni Duke. Kayang-kaya din niyang makipagsabayan sa malalaking alon na ikinamangha ko. Bumaliktad kasi 'ko sa kalangitnaan kaya ang ending lumangoy na lamang ako pabalik sa mababaw na bahagi tapos surf ulit!







"You're so cool!" sigaw niya.







Napangiti nalang ako't napailing habang ibinabalanse ang sarili. Nagpaikot-ikot pa kami sa dagat hanggang sa naupo nalang ako sa surfboard dahil sa pangangalay ng paa. Itinabi siya sa'kin ang kanyang surfboard na kusang pinapagalaw ng alon habang papalapit kami sa kanyang mga kaibigan.





Nakipag-apir siya sa'kin—um, no kasi fist ko yung pinang tama ko sa palad niya. "Nice! Ang galing." ngiting-ngiti niyang wika.





"Salamat."






Binuhat ko na ang surfboard ng makalapit na kami sa naghihiyawan niyang mga kaibigan. "Grabe ka naman miss Married. So fantastic!" ani ng isa.





Napatawa nalang ako. "Mauna na pala ako ah? Tanghali na din kasi." paalam ko.




Duke nodded. "Thank you again, Miss Married. See you again." alanganin akong ngumiti. Bakit may pa see you again pa?






Kinawayan ko na silang apat ng magsimula na silang magsurfing ng magkakasama. Ang saya siguro niyan 'no? Sa susunod nga isasama ko mga friends ko sa ganito para naman ma-enjoy ko talaga.





"Did you enjoy it?"





Napaharap ako sa aking likod. Gano'n nalang ang paglaki ng ngiti ko ng makitang nandito na si Galen na matamang nakatingin sa akin.





"Nakabalik ka na pala."





He nodded. "Oo, nakita ko nga e."





Tipid akong ngumiti. "Pakikisama lang, boring naman kung nasa cottage ako buong araw."




"You can't surf alone?"






Inismiran ko siya. "Syempre, I can."






"Then do it, surf alone. Hindi yung kung sino-sino pa ang kinakasama mo."





Napanguso ako ng talikuran niya 'ko. Kararating lang nagagalit na kaagad? Wala man lang welcome kiss?



━━━━━━━━
YOONFOREA

To Be With You ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon