Chapter 10

325 11 3
                                    


Contract


Now, it's been a week since umuwi kami mula sa Cebu. Bumalik na naman kami sa dati. Tila pinagbigyan lang ako ng tadhana na sumaya sa pitong araw na 'yon. Hindi man lang umabot hanggang sa makauwi kami.




As usual aalis palagi ng walang paalam si Galen. I'm still glad dahil palagi naman niyang kinakain ang mga niluluto ko bago pa man siya umalis, ikinagagalak na 'yon ng umaasa kong puso.






Dis-oras na din siya ng gabi palaging nakakauwi like before. I wonder. Ano kayang pinagkakaabahalan niya? Kahit na working student siya hindi naman siguro siya pababayaan ng Dad niyang abutin ng madaling araw sa office.






They say curiosity kills cats, but I can't help to overthink. Agad akong lumabas ng aking kwarto't naglakad patungo sa kwarto ni Galen. It was locked.







Napangiti ako ng naalalang may duplicate key nga pala kami ng kwarto ng isa't-isa. Agad akong nagtungo sa sarili kong kwarto at kinuha ang duplicate key roon.







Ngayon lang ako naging kriminal. Invasion of privacy. Pero kasi malihim na tao si Gelan. Hindi ko maiwasang ma-curious. Baka kasi.. nay tinatago talaga siya sa akin. Nabuksan ko kaagad ang kanyang kwarto at sumalubong kaagad sa'kin ang panlalaking amoy ng kanyang kwarto.







Nagtungo kaagad ako sa drawer niya. Halos halughugin ko ang lahat ng gamit niya. Hanggang sa mapadpad ako sa ilalim ng kama niya. May napansin akong box roon. Kinuha ko 'yon.






Napabuntong-hinga muna ako bago ko ito binuksan. Bumungad sa akin ang mga litrato sa loob ng box, karamihan sa kanya tapos yung iba—napaawang ang labi ko sa nakita. Sinong 'tong kasama niya? Kaya ba palagi siyang wala? Ito ang dahilan niya.







Agad kong sinara ang box at ibinalik sa pwesto nito. Pinunasan ko ang mga nagbabadyang luha sa aking mga mata.





Kaya ba gano'n niya 'ko kahirap mahalin? Dahil simula palang iba na pala ang mahal niya?






Napasandal ako pinto ng aking kwarto't napaiyak na lamang. Napakahirap ipilit ang sarili sa taong hindi ka gusto. Lalo na sa taong may mahal ng iba. Hindi ko alam. Hindi ko alam na may nauna na pala sa'kin.






Ako pala ang kabit.







I immediately called David, wala na 'kong ibang maisip na tawagan sa mga oras na ito. "Yes, Erish?"







"David, usap tayo."







"Are you crying? Is it because of Gelan?"






Umiling ako. "Hindi naman.." liar "...pwede ka ba ngayon?"





"Oo naman, saan ba?" magana niyang sabi.





"Coffee shop near train station."






"Sige."





Pinatay ko na ang tawag. Agad akong nabihis at nagtungo sa pagkikitaan namin ni David. Nauna ako sa kanya kaya naghanap kaagad ako ng bakanteng table. Near window ang napili kong upuan para naman maaliw ang mata ko.







Napangiti ako ng makita siya. Sinalubong niya 'ko ng yakap at naupo sa aking harap. "How are you?"






"Fine."






"Ano nga pala ang gusto mong pag-usapan natin?" nag-aalala niyang wika.






I sighed. "Maniniwala kung sasabihin ko sa'yong kabit ako?"






Napakunot ang noo niya. "What? How so?"





"May boyfriend si Galen. Almost one year na sila." isa-isang tumulo ang mga luha.






"No.. no.. no.." agad siyang kumuha ng tissue at pinunas sa luha ko. "Bakit hindi niya sinabi sa'yo?"







I shook my head. "Hindi ko alam. Umasa ako, David. Asang-asa. Tapos ako pala ang maaaring maging cause ng pagkasira ng relasyon nila." I sniffed, ang sakit na malaman na wala talaga siyang nararamdaman sa akin pero mas masakit na malaman na may nauna na pala, at ako ang kontrabida.









He sighed. "Wala kang kasalanan. Hindi mo alam. Wala kang alam."





Oo, wala pero it doesn't change the fact na ako pa rin ang kabit. "Tatapusin ko na yung contract."






He nodded and worriedly sighed. "Yeah, it's up to you."








Natahimik kami saglit. Naudlot ang pananahimik na 'yon ng makarinig kami ng ingay. Hindi nagtagal biglang may humahangos lalaking lumapit sa table namin.







"Ikaw ba si Erish?"







Without looking at his face I slowly nodded. Hindi ko inaasahan ang susunod niyang ginawa. Sinampal niya 'ko.





━━━━━━━━
YOONFOREA

To Be With You ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon