Chapter 02

349 12 5
                                    

Honeymoon





Masiglang sinalubong ko ng ngiti si Galen pagkalabas ko ng aking kwarto. Masaya ako ngayon dahil ito ang araw na aalis kami't pupunta ng Hawaii upang maghoney-moon.







Prente siyang nakapandekwatro habang pinapanood ang aso naming si Pitchi, isang golden retriever na hinahabol at ibinabalik ang bolang inihahagis niya.







"Galen, goodmorning." bati ko.









Tinanguan niya lang ako. Naupo ako sa may grass at nag-pinagkrus ang aking dalawang binti. Agad namang tumakbo sa'kin si Pitchi kaya napahiga ako ng grass ng dambahin ako nito.







"Pitchi! Ano ba haha!" nakikiliti na 'ko sa balahibo niya.







Agad naman siyang lumayo sa'kin ng tawagin siya ni Galen. "Pitchi, catch!" binato niya ang iba pang bola na hawak na agad namang hinabol ng aso.








Nakangiting lumapit ako sakanya. "Galen siguro naman pwede na tayong pumunta ng Hawaii? One week ka  naman sigurong bakante?"









He sighed. "Hawaii ba talaga? Hindi ba pwedeng dito nalang sa Pinas?" naupo ako sa tabi niya.








"Planado na kasi lahat e, pero if want, dito nalang sa Pinas." pagmahal mo susundin mo. "Hindi nga lang natin ipapaalam kila mama, magagalit 'yon eh."







He nodded and amile slightly. "Sa Cebu, I know some places there."





Ngumiti ako't tumango. "Sige, pwedeng malaman kung saan? Para mai-book ko na din kaagad." mukhang maganda na lugar 'yon ah?







"Ako na magbo-book. Aalis tayo tomorrow in the morning." agad niyang saad.






I nodded at him. "Sige,"






Pinanood namin si Pitchi na pangigilan ang mga bolang nakakalat sa madamong hardin. Ikinatawa ko na lamang ng masubsob siya sa damuhan kahahabol ng bola. Pumasok na rin kami kaagad sa loob upang kumain ng tanghalian.






Pagkatapos ay nagtungo ako sa itaas upang tumambay sa may veranda. Binuksan ko ang aking ipad upang magbasa-basa ng notes habang nakatanaw sa magandang tanawin.







Napapalibutan ng puno ang aming mansiyon kaya sariwa ang hangin sa paligid tapos maganda pa tanawin ang buong paligid.








Isinuot ko ang aking earpods at nakinig ng music habang nagrereview. Hindi ko alam kung bakit pero mas effective sa'kin yung ganitong way ng pagrereview. Mas natatandaan ko ang mga inaaral ko kapag may tumutugtog na musika sa tenga ko.






Tuwing nasa kalagitnaan kasi ng examination aalalahanin ko lang yung kanta tapos maaalala ko na yung mga nireview ko habang tumutugtog yung kanta na 'yon.









Nasanay na 'ko na ganun simula noong tumuntong ako ng high school. Tumaas lalo ang mga nakukuha kong grado kaya ipinagpatuloy ko na din.





(Song Title: Crush by David Archuleta)









"Do you catch your breath when I look at you? Are you holding back, like the way I do.."








Mariin akong napapikit.







Isa ito sa pinakapaborito kong kanta dahil relate na relate ako. Makaluma pero ang nostalgic ng feeling. Bumabalik ang alaala ko noong mga bata pa kami. Noong mga panahong kayang idaan sa laro ang lahat.







Nakakamiss pero ngayon nasa realidad na kami. Walang nang laro. Hindi na laro 'tong kasal-kasalan namin. Totoo na ito. Totoong kahit na gawin ko man ang lahat walang nagbago simula noon. Walang nagbago sa nararamdaman ni Galen.





He didn't experience catching his breath when looking at me. Because I know he's disgusted with me. He's a gay man married to a freaking woman. Napaka-unfair ng mundo. Mahuhulog nalang ako sa taong hindi pa 'ko gusto.






But that's how destiny works. You just need to accept your faith. He's right. Fairytales aren't real. Reality is.





━━━━━━━━
YOONFOREA

To Be With You ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon