Chapter 22

275 12 0
                                    


Nagising ako ng mabigat ang aking buong katawan. Lalo na ang aking ulo. Gusto ko pa nga sanang matulog ulit ang kaso pinatawag na kami upang kumain ng umagahan.






Nasa loob pa rin kami ng cottage ng mapansin kong kanina pa nasa harap ng salamin si Galen. Pasimple ko siyang sinisilip ng hindi niya napapansin. Pinanliitan ko pa nga ng mata makita ko lang ang ginagawa niya.






Agad nanlaki ang mata ko't nag-iwas ng tingin ng makitang may tatlong namumulang bilog sa kanyang leeg. Sinuklay niya ang buhok at humarap sa'kin. Nagpanggap naman akong inaantok pa.







"Let's eat tinatawag na tayo sa labas."





Tumango ako. "Sige, mauna ka na." kunwari'y baliwala kong wika.





He nodded. "Sumunod ka ah."




Nang makalabas na siya ng cottage kulang nalang magpalamon ako sa lupa. He didn't even try to hide it! Para bang ibinabalandra niya pa 'yon. Alam kong ako ang may gawa nun kasi.. naaalala ko lahat kagabi. At nakakahiya!








Nagpapadiyak pa 'ko bago ako lumabas ng cottage. Naupo ako sa tabi ni David upang magsimula ng kumain. Habang kumakain kami naramdaman ko ang mahinang pagsiko sa'kin ni David.




Kinunotan ko siya ng noo. "Bakit?" bulong ko.








Ngumisi siya't nginuso si Galen na tahimik lang na kumakain. "Ano 'yon? Bakit may gano'n?"








Inirapan ko siya. "Malay ko ba." pagsusungit ko pero kusa atang namumula ang mukha ko dahil bumabalik ang alaala ng paghalik ko sa kanya.








He chuckled. "Namumula ka na."






Tinapakan ko ang paa niya sa ilalim, nakakainis! Nang-aasar pa eh! "Ah! Grabe ang tinik naman ng isda oh sinipsip ko kasi.." alam kong nanga-ngasar siya dahil nakangisi siya sa'kin.






"Bakit mo kasi sinipsip love?" malambing na wika ni Mavi sa tabi niya.






"Ahehe, biro lang love."




Napailing nalang ako't tinapos ang aking pagkain. Alam kong hindi lang siya ang nakapansin na may kiss marks si Galen sa leeg halos siguro lahat kaming nasa table. Kasi naman diba? Hindi man lang siya sinubukang itago.




Pagkatapos kumain dumiretso kaagad ako ng mag-isa sa ice cream shop. Bumili ako ng ice cream cup at tumambay roon. Siguro naman dito wala nang susunod sa'kin, medyo may kalayuan ito sa cottage namin.







I'm halfway finishing may ice cream ng may naupo sa harap ko. "Hi, Erish. It's nice to see you again."





"Hello, Duke."







Nahiya naman ako sa cup niya. Ang liit lang ng kinuha niya samantalang sa'kin parang pampamilya na.






"Having an alone time?"





Umiling ako. "Hindi naman."






"Ah, so pwede pala akong makijoin."





"Nakijoin ka na nga."



He chuckled. "Oo nga noh, well gusto ko lang naman i-ask if free ka mamaya? Let's surf together if pwede lang naman."






I slowly nodded. "Wala naman kaming ganap mamaya so yeah, I'm free later."








"Yes! Sige ah? My cousins want to see you again kaso hindi ka nga lang nila na ti-tiyempuhan."






Tipid akong ngumiti. "Baka nagkasalisihan lang kami."






"Yeah, I guess? Kapag kasi nasa dagat ang atensyon ng mga 'yon hindi na nila napapansin ang mga tao sa paligid nila."






I chuckled.







Natapos ko na ang kinakain kong ice cream kaya nagpaalam na 'ko sa kanya. Agad akong nagtungo sa cottage ng aking mga kaibigan upang yayain silang magsurfing.







"Please teach me, Erish ha? I don't know paano magsurf." tumango ako kay Stacy.






"Where's Galen?" tanong ni David sabay tingin sa'kin kaya nagtinginan silang lahat sa'kin.





"Bakit ganyan kayo tumingin?"





"Ikaw lang ang kasama niya kagabi." wika ni Marlon.





I shook my head. "Hindi ko alam, at wala akong pakialam. Tara, tayo na, magsurfing na tayo!"






━━━━━━━━
YOONFOREA

To Be With You ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon