Chapter 17

271 16 0
                                    


Care



It's been a month, wohoo! Time flies so fast.





Hindi ko na nakikita si Galen. Actually sinasadya ko talagang umiwas, makakatulong kasi 'yon sa pagmo-move-on ko ngayon na sana magtuloy-tuloy na.





Hindi na 'ko kinu-question pa tita, ang ina ni Galen. Patungkol sa pag-file ko ng divorce. Wala na din akong balita sa papers namin. Hinayaan ko nalang dahil siguro naman processed na yun sa mga oras na 'to, and finally wala ng naganap na kasal sa pagitan namin.






Inaalala ko nalang ngayon ang vacation namin. Ngayong linggo na 'yon. Wala talaga akong ideya kung saan kami daldalhin ng mga magulang ko. Suprise daw kasi e, nacurious na 'ko sobra!





"Did you already pack your things anak?" tumango ako.






Inilabas ko ang isang maleta ko. "Two weeks po diba?"






Mama nodded. "Yes, anak."




Kinuha ni papa ang malleta ko at siya na mismo ang nagbaba nun. "Where's your friend's anak? Sasabay ba sila sa atin?"




"Mauna na daw po sila sa field."




May private plane kasi na pagmamay-ari ang family ko at 'yon ang gagamitin namin patungo sa pupuntahan naming lugar.




Pagkadating namin roon sa field agad ko silang sinalubong ng yakap. "Omg! This is the day! I'm so excited!"





Tinakpan ni Marlon ang tenga. "Stacy, you're so loud, karindi!"




"Che!"



Nauna na 'to sa pagpasok ng plane dala ang sariling maleta. Hinarap ko naman si David na kasi si Mavien. His fiance.






"I'm glad you two came." ani ko.






Kinurot ni David ang ilong ni Mavi. "Nahihiya pa nga siya eh."




Napatingin ako kay Mavi at ngumiti. "Don't be, welcome ka sa'min."




Mavi is a shy type of girl. Mahinhin, and an introverted person. "Thank you, Erish." mahina lang ang oagkakasabi niya nun pero sapat na para marinig ko.







"So, let's get in."







Tumango sila. Inalalayan ni David ang kanyang fiance paakyat ng plane. Umakyat na din kaagad ako dahil nauna na sila mama, at papa sa loob.




Naupo ako sa pinakadulo. Magkaharapan ang seats ng plane na 'to. Ako lang siguro ang walang kasama sa seats. Pansin ko din wala pa ang pamilya ni Galen. Sila nalang ata ang hinihintay bago umaandar 'tong plane.





Isinuot ko ang aking shades at sumandal sa window ng plane upang matulog muna. Napaka-aga kong magising kanina kaya inaantok pa tuloy akp ngayon. Pinagkrus ko ang aking mga braso at umidlip na muna.






Nagising ako ng maalimpungatan sa ingay. Nagkakantahan pala sila David at Marlon. Si Marlon naggui-guitara habang kumakanta naman si David.






"Woah, buti't gising ka na sarap ba tulog ha?" nanga-ngasar na wika ni David.






Kinusot ko ang mata ko. Hindi ko sila naintindihan. Um, medyo masarap nga ang tulog ko. Ngunit nangunot ang noo ko ng i-nguso niya ang tabi ko. Gano'n nalang ang gulat ko ng mapagtanto kung kaninong balikat ako natutulog.





Kay Galen!






Nagising din siya dahil sa gulo namin. Agad akong lumayo sa kanya't lumipat ng upuan. Nasa harap na niya 'ko ngayon. Paanong nakasandal ako sa kanya? Wala naman siya kaninang natulog ako ha?





"Nice pre para-paraan!" natatawang ani ni Marlon habang tinatapik ang nagtatakang si Galen.






Sunod nilang binulabog ang nananahimik na si Stacy nakatulala ito sa bintana kaya kinantahan nila ito ng isang malungkot na kanta.






"Why are you here, Galen?" taas-kilay kong wika.








Umiling siya. "Wala. Naupo lang naman ako dito dahil wala ng iba pang bakante."





"Sa tabi ko pa?"






"Dahil malalaglag ka na."







"Eh, ano bang paki mo?" bakit ba ang sungit ko?





He sighed. "I said, take care of yourself muntik ka nang malaglag kaya pinatulog na kita sa balikat ko."








"Sana hinayaan mo nalang ako."







"Bakit ba ang kulit mo?"





"Kasi ang pakialamero mo."






"Nag-cacare lang ako sa'yo."






Napabuga ako ng hangin. "No, stop showing that so called care to me, Galen. Hindi tayo mag-asawa okay? Hindi mo 'ko kargo. Mabagok man ako diyan wala ka na doon."






Umirap ako sa kanya't isinuot ang headphones ko. Ayokong marinig ang boses niya. Naiirita lang ako sa hindi malamang dahilan.





━━━━━━━━
YOONFOREA

To Be With You ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon