Chapter 6 Date

9.2K 148 53
                                    

(Eto na. Habang pababa ako sa sosyal na hagdanan ng bahay nila Shayne, nakita ko naman syang nakatingin saking nakangiti at hinihintay na makababa ako. Pagkababa ko, napapatingin pa rin sya sakin mula ulo hanggang paa.)

SOPHIE: Alam kong di bagay sakin yung damit ni Hayley kaya please lang wag mo na akong asarin.

(Napangiti sya.)

SHAYNE: Well, actually bagay sayo.

SOPHIE: Tss. Oy, inuuto mo lang ako.... Alam ko...

SHAYNE: Of course not. Now that I'm looking at you, I thought you're someone else... Damn. You're so beautiful... really...

SOPHIE: Oo nga. Inuuto mo na nga ako.

(Ngumiti lang siya. Napansin ko namang pormang-porma siya ngayon. Kung dati e nakakasilaw na siya sa sobrang gwapo niya, ngayon mas nakakasilaw siyang tignan. Lalong nag level-up ang kagwapuhan niya. Pero syempre, di ako dapat magpadala.)

♥♥♥

Sumakay na kami ng kotse niya. Habang nagbibyahe kami papuntang mall. Napapaisip pa rin ako kung ano ba talagang balak niyang gawin namin.

SOPHIE: Oy, Shayne.

SHAYNE: Hm?

SOPHIE: Ano ba talagang gagawin natin? Pang-ilang tanong ko na sa'yo neto. Hanggang ngayon di mo pa rin ako sinasagot nang matino.

SHAYNE: Yeah. Sorry I forgot. Remember last time, for this project, we agreed to pretend like we're dating, right?

SOPHIE: Oh, ngayon?

SHAYNE: So here's the thing. Since pumayag ka sa request kong magdate tayo for our project, I will treat you like a princess today. So, I will do whatever you want me to do.

SOPHIE: Sure ka ba dyan? Gagawin mo talaga yan??

SHAYNE: Yeah. You see, I've never done such a thing in my life, so you're pretty lucky to have such a privilege today. What do you say?

SOPHIE: Hmm, okay lang sakin. Make sure lang na 'di ka magsisisi sa huli.

SHAYNE: What? Are you threatening me now?

SOPHIE: Haha. Baket? Natatakot ka na ba?

SHAYNE: Of course not. There's nothing to be afraid of.

SOPHIE: Talaga ba?

(Napangiti lang siya.)

SOPHIE: Anyway, okay din itong naisip mo, first time ko lang ding itatrato nang ganito kaya... sige, game. Ma-feel ko man lang yung pangalan kong 'Princess' kahit minsan lang noh.

(Ahahah, sa isip-isip ko lang. Yare ka sa'kin ngayon, Shayne. Mwhahahahahahaa!! Pagkakataon ko nang makagante sa'yo.)

♥♥♥

[MS SUPERMALL]

Nang makarating na kami sa mall na pupuntahan namin. Nag-park na kami sa vacant lot sa parking area. Lalabas na sana ako ng kotse niya nang bigla siyang nagsalita:

SHAYNE: Wait.

(Napatigil ako at napatingin ako sa kanya.)

SOPHIE: O, baket?

SHAYNE: I'll get off first.

(Bumaba na siya ng kotse. Nakita kong pumunta siya sa tapat ng pintuan na nasa side ko at binuksan niya na niya yung pinto.)

SHAYNE: You may get off now.

SOPHIE: Ano na namang pakulo yan?

SHAYNE: The time starts now, right? My Princess?

DEAR MR. KUPIDO: A Tug-of-War Edition (Tagalog Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon