' tres'
***
" Stay away Elisha!" Naiiritang turan ko rito, kanina ng masilayan nito akong papasok ng gate ay kaagad na dinamba ako nito ng yakap at pinugpog ng halik.
Hindi kami close! Nagpakilala lamang siya kahapon ngunit wala akong matandaang tinanggap ko ito.
Ang lakas ng loob ng batang ito!
" Ayoko! tanggapin mo munang maging kaibigan kami at papakawalan kita." Inismiran ko ito, ang lakas ng loob nitong diktahan ako.
Hindi siya nag-iisa, apat silang babae at isang binabae. Ang sabi niya'y kaklase namin sila ngunit wala akong pakialam!
" I don't need a friend, alin ba roon ang hindi mo maintindihan!" Hinihilot ko ang aking sintido. Ang aga pa, ngunit namimintig na sa sakit ang ulo ko.
" Edi, pareho tayong malalate. Sabagay ikaw lang naman ang may kakayahang suwayin si Professor Collins, kaya't sasama kami sa'yo." Nakangising turan nito.
" Fine! bitawan muna ako."
" Wala ng bawian iyan ha!" Paninigurado nito. Hindi ako sumagot bagkus ay bored ko lamang itong tiningnan. " Mga beks halina't magpakilala."
" Vanessa ang pangalan ko." Nagulat ako ng humalik na naman ito sa pisngi ko.
Itinaas ko ang aking kamao. " Try to steal another kiss from me! at sa pagmumukha na ninyo ito tatama."
" Ang damot! " Pinaikutan pa ako nito ng mata.
" Pauline ang pangalan ko, at ito namang isa'y si Sienna, at ang maharot na baklang ito ay si Mariano."" Maria!" Angil nito sa kasama niya." Babae ako bakla huwag mong kalilimutan."
" Pero junior ka ng tatay mo?"
" Huwag mong ipaalala ang masalimoot kung pinagmulan." Naiiyak na palatak nito.
Mabilis ang mga hakbang na iniwanan ko sila roon. Sumasakit na naman ang ulo ko.
Nag-uunahan silang tumakbo, kung hindi lang masakit ang ulo ko'y tumakbo narin sana ako. Nang maabotan nila'y dalawang kamay agad ang pumulupot sa magkabilang braso ko. Kahit anong gawin kung pagpumiglas ay hindi nila ako binibitawan. Asar na tiningnan ko si Elisha at Sienna. Ang sarap nilang pag-untugin at ng matauhan.
Ang totoo! may lahi ba silang mga tuko? ang higpit ba naman ng pagkakapit nila sa akin.
Pabalyang binuksan ko ang pintuan, gulat na gulat ang mga kaklase ko sa loob ng classroom maging ang professor namin, ngunit hindi ko ito binigyang pansin. Kaagad na umupo ako sa aking upuan at isinubsob ang aking mukha sa bag na hawak ko.
Namimintig sa sakit ang ulo ko. Hindi ko dala ang aking gamot kaya't sigurado akong buong maghapon ko itong iindahin. Kagat ang labing hinihilot ko ang aking sintido.
Hindi ko pinansin ang katahimikan, alam kung galit na naman si professor Akilah ngunit wala ako sa mood makipag matigasan sa kanya ngayon.
Inilabas ko ang aking cp. Nanginginig ang mga kamay kung nag dial ng numero.
" Alexandria! okay ka lang ba? " Niyugyog ako ni Elisha, alam kung siya iyon dahil kahit papaano'y kilala ko na ang boses niya.
Masyado siyang makulet!
" Not now please! "
" And what do you think your doing Miss Dela Cuesta!" Sigaw ni Akilah. Mas lalong natahimik ang lahat." Hindi kaba pinalaki ng maayos ng mga magulang mo at ganyan ka kabastos! Sa tingin mo ba'y palalagpasin ko pa itong ginawa mo! Detention now!"
YOU ARE READING
'tres'
RandomPrologue ' In this relationship we love, we bond, we fight, we cry but we make it through all, together. But how come that I need to let you go, just to protect you.' ---- Akilah Demeter Collins ' If you have to choose between me and her, choose he...