C"4

38 1 0
                                    


'tres

***

Nawala na iyong lagnat ng magising ako. Pakiramdam ko'y gumaan narin ang aking katawan, hindi katulad kagabi na para bang binugbog ako dahil sa sobrang pananakit nito.

Ngunit ng mapadako ang paningin ko sa labas ay ganoon na lamang ang gulat ko ng masilayan ang mga punong kahoy na nagkalat sa kalsada. Nanatiling malakas ang ulan at idagdag mo pa ang malakas na hangin.

" Feeling better." Nilingon ko ito, at hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang lumunok ng ilang beses ng masilayan si Akilah.

Bagong paligo ito, hinayaan lamang nitong nakalugay ang hanggang balikat niyang buhok. May hawak itong dalawang mug at iniabot sa akin iyong isa.

Tumango ako, bago ko kuhanin ang isang mug na hawak niya. " May bagyo ba prof?"

" Yeah. Cancel ang lahat ng pasok ngayon."

Kinuha ko ang cp, napatampal ako sa aking noo ng hindi ko pala ito na e charge kagabi. Nawala sa isip ko dahil sobrang sama ng pakiramdam ko.

" Can i borrow your phone again, Akilah." Kaagad na iniabot ang cp nito sa akin at umupo.

" Respect kid, nasa pamamahay kita." Hindi ko ito pinansin. Bagkus ay inismiran ko ito. Mas gusto kung tawagin siya sa kanyang pangalan dahil sa tingin ko'y iyon ang nararapat.

Nakailang beses ko ng dinial ang number ni ate ngunit hindi ko ito ma contact. Nag aalala ako, kung kaya't ng maalala ang number ni kuya ay kaagad ko itong tinawagan.

Tatlong ring, ng sagutin nito ang tawag ko.

' hello.'

' baby.' Napangiwi ako, nakita ko pa ang pagtaas ng isang kilay ni Akilah. ' where are you?

' i'm somewhere safe. No need to worry, kapag nawala na itong bagyo ay uuwi kaagad ako.'

' Just be safe, i love you. I will tell Alexandra na tumawag ka upang hindi na iyon mag-alala.'

' Okay. I love you too, bye.'

" Pakakasalan ha!" Pinaikutan pa ako nito ng mata bago tanggapin ang cp niya.

" Iyon ang plano ko prof. Nothing change." Nakangiting saad ko, kunti nalang at iisipin kung nagseselos ito.

" Hindi ko pinangarap ang maging isang kabet tres, umayos ka baka tadyakan kita at hahayaang mabasa sa labas."

" You remember?" Ang buong akala ko'y nakalimutan niya ang sinabi ko sa kanya kagabi.
" Mistress. Hindi bagay sa'yo professor. Ang nararapat lamang sayo'y maging isang butihing asawa at nanay ng magiging mga anak natin."

" You and your mouth tres." Naiiling na bigkas nito. Lumapit ito sa akin at sinalat ang aking noo. Napaigtad pa ako ng maramdaman ang mainit na palad na dumaiti sa balat ko. " Akala ko'y may sakit ka parin! kung ano-ano na naman kasi ang lumalabas diyan sa bunganga mo."

" Pumayag ka na Akilah." Nagsimula na akong humakbang patungo sa kwarto niya. Alam kung may nakahanda ng damit doon kaya't maliligo ako.
" Accept my offer and i will gave you the world."

Nilingon ko pa ito, nakita kung ang sama ng tingin nito sa akin kung kaya't napahalakhak ako.

Humalumbaba ako kung saan pinagmamasdan ko si Akilah, pagkatapos kung maligo ay dumeritso ako sa kusina dahil alam kung dito ko siya matatagpuan.

Itinali nito ang kanyang buhok, may suot na apron at nakatalikod sa akin, naghuhugas ito ng mga sangkap para sa gagamitin niya sa kanyang pagluluto.

" Stop staring will you!" Napaiwas ako ng tingin. How did she know? May mata ba siya sa likod at nakikita niya ako?

                                    'tres'Where stories live. Discover now