'tres
***
Pikit ang mga matang tinungo ko ang cr, ang kagustuhan kung matulog ng mas mahaba ay hindi ko na magawa. Kahit anong gawin kung pagpikit, nanunoot parin sa sistema ko ang malanding boses ni Mariano. Ang nakakahilakbot niyang mga impit na tili ay labis na nakakapang-init ng ulo ko!
Tiningnan ko ang orasan, mag aalasais y media pa lamang ng umaga ngunit heto at para na namang mga baliwng nagtatawanan ang mga kaibigan ko. Pakiramdam ko'y hindi sila tinablan ng tinatawag nilang 'hang over!
I tied my hair into a messy bun, simpleng puting t- shirt at itim na jogging pants lamang ang suot ko. Hindi ko suot ang aking salamin, nag iinarte parin si Mariano at ayaw niyang ibalik ito sa akin.
Kahapon pa ako nawiwiling hambalusin siya. At nagawa ko na sana iyon kung hindi lamang siya nakapagtago sa likod ni Elisha. Kunwaring umiiyak pa ang bruha animo'y aping-api.
Padarag kung binuksan ang pintuan. Nakayuko ako dahil tinitingnan ko ang tsinelas na suot ko. Biglang natahimik, kaya't dahan-dahang iniangat ko ang aking ulo.
I was totally shocked. All eyes are on me, napakagat pa ako ng labi. Ito ba ang dahilan kung bakit napaka ingay nila? Ang mga magbabarkadang kasama namin kagabi ay naririto. Ngunit mas lalong nagulat ako ng makita si Akilah. Nakaupo ito sa isang single sofa, animo'y isang reyna. Nag-uumapaw ang kagandahang taglay nito at isama mo narin ang napakaseryosong aura na mayroon ito.
" Magandang umaga, binibini." Nakangiting turan ni Almira, ang kagabing mahiyaing bata ay napalitan ng determinasyon sa kanyang mukha. Tumayo ito at ibinigay ang isang pumpon ng bulaklak.
Bakit ngayon ko lang napansin ito?
" Alam mo bakla." Lumapit si Mariano sa akin, siya narin ang kumuha ng bulaklak na hawak ni Almira. "Nakakatomboy iyang taglay mong kagandahan, parang gusto narin kitang ligawan." Napangiwi ako, si Mariano manliligaw? Duda ako, baka ipagpapalit lamang ako sa kalahi ni Adan. Knowing him mas malandi pa ito sa malandi.
Hindi ko pinansin si Mariano, bagkus ay nilingon ko si Akilah. Seryoso parin itong nakamasid sa amin, ngunit alam kung hindi ito natutuwa sa mga nakikita niya.
" I really liked your eyes." Muling hirit ni Almira.
Nilingon ko ito. " Contact lense." Tipid na turan ko.
" What's this?" Turo ko sa mga bulaklak na ngayo'y hawak-hawak ni Mariano." I really liked you Alexandria since the first time i laid my eyes on you." Hinawakan nito ang kanyang batok, bumalik na naman ang ngiti nitong nahihiya.
" You already captured my attention."Isang tikhim ang nakapagpatahimik sa aming lahat. Padarag na tumayo ito at lumapit sa akin. " I am here to pick you up Alexandria! siguro nama'y tapos na ang project ninyo?"
Kagat labing tumango ako, hindi ko mabasa kung ano man ang iniisip niya. Masyadong magaling magtago ang babaeng ito sa kanyang nararamdaman.
" Pero prof, sa darating na linggo pa po kami uuwi." Turan ni Sienna, nakita ko kung paano nagulat ang mga kasamahan namin rito. Isang professor nga naman ang kasama nila ngunit hindi nila iyon alam. Maging ako'y hindi rin makapaniwalang isang professor na ito noong una ko itong makita.
" Pack your things Alexandria, I had something to do kaya't kailangan na nating umalis." Binalingan nito si Sienna. " I will bring Alexandria with me." Pinal na wika nito. " Maaari ninyo paring gawin ang mga lakad ninyo Miss Mercado." Walang nagawang tumango si Sienna. Ni hindi na nga ito nagsalita pa.
" Pakiingatan na lang po si Alexandria prof." Matamlay na saad ni Mariano, nag-iinarte ngunit duda ako! Pasimpleng yumakap ito sa braso ng katabi niyang lalaki. Napakaharot!
YOU ARE READING
'tres'
RandomPrologue ' In this relationship we love, we bond, we fight, we cry but we make it through all, together. But how come that I need to let you go, just to protect you.' ---- Akilah Demeter Collins ' If you have to choose between me and her, choose he...