C"14

22 1 0
                                    


'tres

***

" Madlang peps nand'yan na si prof!" Ang sigaw na iyon ni Oscar ang nagbigay hudyat upang magsibalikan sa kanya-kanyang upuan ang mga kaklase namin. Naroon iyong biglaang binunot ang plantsa ng buhok. Biglang tumigil ang paglalagay ng gel, at ang pagkatigil ng animo'y salon rito sa silid namin.

Kanya-kanyang ayos ng pagkakaupo. Aligaga. Mahirap na at baka mangyari na naman iyong nangyari noong nakaraan.

Hindi lang isang heels ang narinig naming pumailanlang sa doorway, kasabay ng pagbukas ng pintuan ay dalawang magagandang babae ang ngayo'y pumasok sa loob.

Ngunit natigilan ako ng makitang hawak-hawak nito ang isang kamay ni Akilah habang iyong isa'y bitbit ang kanyang mga libro. Parehong tahimik ang lahat, nakamasid lamang.

" I am Azalea Morisson, a new professor and--" Muling hinawakan nito ang kamay ni Akilah.
" professor Collins fiancee." Napasinghap ang lahat.

Maliban sa akin na madiin ang ngayo'y pagkakakagat sa aking labi. Kanina ko pa nararamdaman ang pagsiko sa akin ni Mariano. Alam kung nag-aalala sila pero hindi-- malabo, ang alam ko'y makikichismiss lamang ang baklang ito, ngunit hindi ako pwedeng magpakita ng kahit anong emosyon lalo na't nasa harapan namin ngayon ang fiancee ni Akilah.

Mapaklang ngumiti ako ng makitang nagbubulongan silang dalawa. Akilah is happy, abot ang ngiti nito sa kanyang mga mata. At ano ang ibig sabihin nitong kailangan kung manatili at mahal niya ako? Isang kalukuhan! Muli na namang gumuhit ang sakit na ngayon ko lamang muling naramdaman.

Itinaas ko ang aking kamay.

" Yes miss." Nakangiti nitong turan sa akin. Ngunit sa nakikita ko'y taliwas ito sa kanyang mga mata.

" I need to go to the restroom."

Tumango ito at nagpatuloy sa kanilang ginagawa. Umalis ako ng hindi tinatapunan ng tingin si Akilah.
Mabilis ang naging paghakbang ko, kaagad na tinungo ko ang penthouse. Kailangan kung mag-isip ng tama at alam kung doon ko lamang iyon magagawa.

Pagkarating ko'y naabutan ko ang dalawang platong hugasin, nagmamadali na siguro ang ate ko kaya't hindi na niya ito nahugasan. Kinuha ko ito at dinala sa lababo, matagal ko itong tinitigan bago ko ito sinimulang hugasan.

' kahit ngayon lang ay makisama ka' inis na bulong ko rito. Sobrang higpit ng hawak ko ngayon sa plato. Kailangan kung magawa ito ngunit bakit ang dulas? Nabitawan ko ito at bumagsak sa sahig, kaagad na nagkalat ang mga bubog sa sahig. Hindi ko ito pinansin bagkus ay sinunod ko iyong isa.

Ang pagbagsak ng pangalawang plato ang kasalukuyang pumailanlang sa buong silid. Pakiramdam ko'y napakawalang kwenta kung tao. Naisip kung ito ang dahilan kung bakit ang lakas ng loob ni Akilah na ipakilala ang fiancee niya sa amin. Culinary teacher ito, iyan ang huling narinig ko bago ako lumabas ng silid kanina.

Walang pag-aalinlangang pinulot ko iyong mga bubog sa sahig. Naiinis kung dinakot ito isa-isa, hindi ko inalintana at mas lalong nawala sa isip kung gumamit ng walis ang gusto ko lamang ay kaagad na malinisan ito bago pa dumating ang ate ko.

Ang malakas na pagbalandra ng pintuan ang nakapagpapitlag sa akin. Hawak ko ang aking dibdib. Nagulat pa ito ng makita ako sa loob.

" What are you doing there Alexandria?" Lumapit ito sa akin at hinalikan ang aking noo. " What happen? did you broke the plates--oh god there's so much blood on the floor." Nanlalaki ang mga matang tumingin ito sa akin.

Nang tingnan ko ang aking mga daliri ay umaagos rito ang preskong mga dugo. Ngayon ko lang rin napansin ang paghapdi nito.

" What happened to you baby?" Bumalatay kaagad sa mga mata nito ang pag-aalala. Hinawakan nito ang kamay ko at iginiya patungo sa couch. Kaagad na bumalik ito sa kusina at nilinisan ang mga natitirang basag na plato doon.

                                    'tres'Where stories live. Discover now