C"8

30 1 0
                                    


'tres

***

" Alam mo bakla, malala na iyang si professor Collins." Nakasimangot na turan ni Mariano. Nasa field na naman kami. Heto at para na namang mga sinto-sinto itong mga kasama ko.

May dalang kulambo, off lotion, katol at kung ano-ano pang mga pamatay ng lamok. Mga gago! para silang mga mamamatay tao. Naka all black at nakashades na naman ang mga loko.

" Pero sa tingin ko'y mas malala na ka'yo." Naiinis na turan ko, nakakahiya! pinagtitinginan na kami rito ngunit sila wala, keber. Malala na nga ang sapak nila sa utak.

Tatlong linggo ang naging pagliban ko sa klase, hindi ako pinayagan ng doctor na kaagad bumalik sa eskwela, may follow up check up pa ako, kaya't kailangan kung magpahinga. Lunes ngayon at ng malaman ng mga baliw kung kaibigan, na papasok na ako'y labis ang tuwa nila, hindi raw nila hahayaang makagat pa ako ng kahit anong insekto. Magiging pamangmatyag raw sila. Matang lawin. Iyan ang hirit ni Vanessa! dinaig pa si Mariano sa kabaliwan nito.

" Pa'no mo nasabi?" Ang pagkakasabi noon ni Vanessa ay kagaya roon sa lalaki sa memes.

" Ang laki ng galit niya sa mundo, sinong matino ang magbibigay ng pasulit na hanggang one fifty items. Jusko siya! muntik ko ng ikabaliw ang kalabisan sa paggamit ng utak ko."

" Pero hindi ba't matagal ka ng baliw?" Kibit balikat na turan ko rito. " At tsaka huwag ka nga'ng magsalita ng joke Mariano, wala kang utak. Ang kalandian mo lang ang ginagamit mo."

Napasinghap ito. Naiiyak, at kunyaring nasasaktan. Kasing tulis ng kutsilyo ang mga tingi'ng ipinupukol nito sa akin. " Sabihin mo nga sa amin. Iyong totoo! bakit naroon si Professor Collins sa hospital?"

Ng dahil sa sinabi niya'y tumigil ang ginagawa ng mga kasama namin. Seryoso, nagkukunwari. Nag-iisip, pero duda ako. Walang salitang seryoso kapag magkasama silang lima.

" Binisita niya ako." Tipid na sagot ko. Parang bigla ko tuloy namiss ang masungit na iyon.

" Sinungaling." Palatak ni Mariano. Naka crossed arms at nilapitan pa ako. " Alam mo bakla, parang nararamdam kung ka federasyon kita."

Napangiwi ako. Napairap at inambahan ito ng suntok. " Ang galing mong humabi ng kwento Mariano. Nanggigigil tuloy akong balian ka."

" Mamaya na kayo magpatayan. Masamang gumawa ng masama lalo na't nagugutom tayo. Punta nalang tayong cafeteria." Inisa-isang hinila kami ni Elisha.

Nakasunod lamang ako sa kanila. Isang dipa ang layo. Binagalan ko ang aking paglalakad, ayokong makasabay sila. Daig pa ang mga nagwiwilga sa Edsa. Napakaingay! walang silbi ang masasamang tingin'ng ibinibigay ng mga estudyante sa kanila. Walang pakialam at napakamanhid ng mga loko.

Kaagad na nakahanap kami ng pwesto. Si Mariano, Sienna at Elisha ang nagpresintang bumili ng makakain. Samantalang kasama ko sa mesa sina Pauline at Vanessa, walang humpay at kapaguran ang mga bunganga, nagtatawanan na parang si sisa. Nagbabatukan sa tuwing hindi nagkakaintindihan. Hinahayaan ko lamang sila, diba't ang sabi ay hayaan ang mga baliw. Kaya't inilibot ko ang aking tingin at kaagad nahagip noon ang professor naming tahimik na kumakain.

Panaka-nakang nag-uusap sila ng mga kasamahan niya. Ngunit ilang sandali ay may isang lalaki ang may hawak ng isang tray ang lumapit sa kanila. Kasing tamis ng asukal ang tinging ipinupukol nito kay Akilah. Sa tingin ko'y nagpapaalam itong gustong maupo kasama nila. Ngayon ko lang ito nakita, at base sa suot nito'y isa rin itong professor.

Hindi ko na ito pinansin bagkus ay yumuko ako at binigyang pansin itong mga kuko ko.

" Pwedeng makiupo?" Napatigil ang pagtatawanan ng mga kasamahan ko. Ganoon na lamang ang gulat ko ng may tumabi sa akin. Doon lamang ako nag-angat ng tingin, isang magandang babae ang nasilayan ko. Nakangiti, at ang mga sinto-sinto kung kaibigan ay parang nabato na yata sa kanilang kinauupuan.

                                    'tres'Where stories live. Discover now