'tres
***
" Beks, galit ka parin ba?" Kinukulit na naman nila ako. Pinapalibutan nila akong lima, parang mga baliwng humihingi ng tawad. Isa-isang may bitbit na tinapay.
Nasa klasrom kami, hinihintay ang pagdating ni professor Akilah. Maaga pa kaya ang lalakas ng loob ng mga kaklase kung mag-ingay at maghabulan sa loob ng klasrom.
Mga isip bata!
Kinalabit ako ni Mariano. Pinaikutan ko ito ng mata dahil naiinis na naman ako sa kanya. " Oo na! kaya please lang tantanan ninyo ako."
" Pero galit ka parin?" Kasabay noon ang pagkunot ng noo ko ng lingunin ko si Sienna.
" Gusto mo bawiin ko?"
" Oy! wala ng bawian ha. Masama iyon."
" Pero Alexandria, alam mo bang hanggang ngayon ay hindi pa nakakalabas sa hospital si Nathan. Napurohan mo siguro ang kumag na iyon." Turan ni Pauline.
" Serves him right bakla! Tagos hanggang buto ang hangin ng lalaking iyon. Akala nila'y madaling makuha ang katulad nating magagandang binibini."
" Kami lang ang may karapatang tawaging binibini Mariano. Isa ka lamang impostor. Nagbabalat kayo."
Nasasaktang hinawakan ni Mariano ang dibdib niya. Aping-api. Dahan-dahan itong nagpunta sa katabing upuan ko. " Ikaw." Turo niya kay Pauline. " Ikaw ang dadalhin ko sa libingan kapag ikinamatay ko ang sakit sa puso. Napakasakit mong magsalita bakla. Tagos na tagos."
" Oo na! ngunit hindi ko iyon babawiin." Napasinghap ito. Ngunit nawala ang pagdadrama ni Mariano ng maghulasan ang ibang mga kaklase namin.
Lagitik ng heels ang narinig namin bago ito tumigil sa harap. Narinig ko pa ang paglagay ng mga gamit nito sa kanyang mesa.
Nanatiling nakayuko ako. Ayoko siyang tingnan, naiinis parin ako, hindi ko nagugustuhan ang pagtatapon niya sa mga bulaklak sa basurahan.
Kaninang umaga, ninakaw ko na naman ang isang kakaibang tanim na bulaklak ni Mommy. Galing pa ito sa Spain noong huling magbakasyon sila ni dad roon.
Ngunit, ganoon na lamang ang inis ko ng makita ko ito sa isang basurahan.
Hindi ba niya alam na pinagpawisan pati kili-kili ko huwag lamang makita ni yaya gina ang ginagawa ko.
Dahil natitiyak kung kapag nahuli nito ako'y isusumbong kaagad ako ni Mommy. Siya ang pinabantay at pinaalaga ng mga bulaklak ni Mom bago ito bumalik sa states.
Kinalabit ako ni Mariano. Tiningnan ko ito ng nagtataka. " Kanina ka pa tinatawag ni prof bakla."
Doon lang ako nagtaas ng tingin. Mataman na tiningnan nito ako ngunit inismiran ko siya.
Hindi parin ako natutuwa sa ginawa niya.
" Solve this problem." Turo niya sa white board. Matagal ko itong tinitigan. Bored na tumayo ako at naglakad kung nasaan siya, kinuha ko rito ang marker at sinimulang e solve ang problema niya.
Wala pang dalawang minuto ng matapos ko ito. Masigabong palakpakan ang iginawad sa akin ng mga kaklase ko ngunit hindi ko ito binigyang pansin.
"Stay." Tatalikod na sana ako ng marinig ang sinabi ni Akilah. May panibagong isinulat ito. Isang equation na alam kung mahihirapan ako. " Solve this again."
Kinuha ko ulit ang marker at sinimulang e solve. I love numbers iyon ang dahilan kung bakit engeneering ang napili kung kurso.
Limang minuto ng matapos ko ang pangalawang ibinigay ni Akilah. Nagulat pa siya ng ibinigay ko kaagad sa kanya ang marker at bumalik sa upuan ko.
YOU ARE READING
'tres'
RandomPrologue ' In this relationship we love, we bond, we fight, we cry but we make it through all, together. But how come that I need to let you go, just to protect you.' ---- Akilah Demeter Collins ' If you have to choose between me and her, choose he...