'tres***
" Himala yatang hindi mo kasama ang asawa mo Alexandria?" Turan ni Elisha. Lumapit ito kung saan ako nakaupo at tumabi sa akin.
Nasa field kami at wala pang prof kaya't dito namin naisipang tumambay muna.
I cleared my throat at binalingan ito, kaming dalawa palang ang nauna rito dahil bumili pa ng makakain sina Mariano sa cafeteria.
" She's with the other professor, may meeting sila dahil ipinatawag sila ni Dean Crisologo."
Matagal bago ito nagsalitang muli." Is that okay na hindi pa alam ng iba na kasal na kayo Alexandria?"
Tipid na napangiti ako sa kanya. " I don't have a choice Elisha, you know it's forbidden. Ang mahalaga ay alam ito ng mga malalapit sa amin."
" How about her parents? have you seen them? Perhaps know them either?" Napailing ako bago ko ibinaling ang tingin sa mga estudyanteng masayang naglalaro ngayon sa field.
Hindi ko alam kung bakit ganito ang mga tanong ni Elisha sa akin, ngayon ko lang kasi nakitang nagseryoso ito. Lately i've been wondering why she's acting that way, mas sanay akong nakikipagbiruan ito nina Mariano.
" I never seen them, at mas lalong hindi ko sila kilala." Napatawa ako ng pagak sa isiping pumasok ngayon sa isipan ko. How come that I am so careless? Ni hindi ko nga pala sila kilala, ang tanging alam ko lang ay pamangkin siya ni Dean Crisologo ngunit nagpakasal parin ako kay Akilah.
Kaagad na napabuntonghininga ako kalaunan. Iisa lang naman ang rason kung bakit ko iyon ginawa. Mahal ko ito at iyon ang pinanghahawakan ko.
" Wala manlang ba siya'ng nababanggit sa'yo Alexandria?"
Mabilis ang naging pag-iling ko." Nothing. Perhaps ayokong pangunahan siya sa mga bagay na ayaw pa niya. Alam kung darating rin kami sa pagkakataong siya na mismo ang magsasabi sa akin ng totoo Elisha."
Napailing ito, bago hinawakan ang balikat ko.
" Paparating na naman ang masugid mong manliligaw." Pag-iiba nito sa usapan. Kuno't ang noong tiningnan ko ang taong tinutukoy niya na kasalukuyang papalapit ngayon sa amin. Bitbit ang bulaklak at isang box ng isang sikat na daughnut kasabay nito iyong ngiti niyang kaytamis habang nakatingin sa akin." Goodmorning Dri." Bungad na bati nito sa akin, ganoon rin ang ginawa nito kay Elisha. Umupo ito sa tabi ko at ibinigay ang bulaklak na hawak niya maging ang isang box na naglalaman ng daughnut.
" Hindi kana sana nag-abala pa Ava."
Ngumiti ito bago ako hinawakan. Napangiwi ako, samantalang tahimik lamang na nakikinig sa amin si Elisha na ngayo'y kumakain na. Ang babaeta basta't pagkain ang pag-uusapan ay kayang-kaya nito akong ipagkakanulo." Hayaan mo sanang iparamdam ko sa'yo kung gaano kita kagusto Alexandria. At kung iyong mamarapatin maaari ba kitang ma e date mamayang gabi?"
" Ha! " Hindi ko alam kung ngiti o ngiwi ba iyong naibigay ko sa kanya, kagat ang ibabang labi ng muling lingunin ko ito. " Pasensya kana Ava pero hindi ako pwede mamaya." Pang ilang tanggi ko na ba ito sa kanya, ni hindi ko na nga mabilang ngunit hindi yata alam ng babaeng ito ang salitang pagsuko. Masyadong persistent ito sa kanyang ginagawa.
" Ava, pwede namang ako nalang ang e date mo mamaya. Alam mo na free ako anytime para sa'yo." Dumighay pa ito pagkatapos niyang sabihin iyon. Nakakahiya! napakabalahura talaga ng babaeng ito kahit kailan.
" But I only want you Dri. Ayoko sa iba gusto ko ikaw lang." Pagpupumilit na naman nito.
Kung pwede ko lang sanang sabihin sa kanya na kasal na ako at sa isang propesora pa ay natitiyak kung titigil na siya, ngunit hindi pwede kailangan ko pang ayusin ang lahat upang hindi malagay sa alanganin ang lisensya ni Akilah. Hindi pa ito natatapos ayusin ng family lawyer namin.
YOU ARE READING
'tres'
RandomPrologue ' In this relationship we love, we bond, we fight, we cry but we make it through all, together. But how come that I need to let you go, just to protect you.' ---- Akilah Demeter Collins ' If you have to choose between me and her, choose he...