'tres***
" E Dawn Zulueta mo ako Jarred." Ang malanding tili ni Mariano ang pumailanlang sa buong lugar. Napangiwi ako, kung nagkataong nasa malapit niya ako'y kailanman ay hindi ko siya aangkining kaibigan ko. Nakakahiya ang mga pinaggagawa ng baklang ito!
Kasalukuyang nasa private resort kami na pag-aari nina Mariano, birthday ng nakakatanda niyang kapatid at dito sa resort nila gaganapin ito. Ang buong akala ko'y makakapagpahinga ako ng tatlong araw dahil wala kaming pasok ngayon. Byernes, at dapat ay nasa bahay lamang ako at nanonood ng Netflix. Ang plano ko sanang humilata sa kama ko'y hindi ko magawa dahil hindi ako tinigilan ni Mariano hanggat hindi ako sasama sa kanila rito. Pinagbantaan niya akong tatanda akong dalaga at magkakaroon ng maraming tigyawat kapag tumanggi ako sa kanya! Ang hilig niyang gumawa ng mga kwentong nakakangilo.
" Mga bakla halina kayo't tayo'y maligo. Ang sarap ng tubig, napakaalat." Tawang-tawa ang mga bisitang naririto ngayon at nakikinig sa kanya. Kahit kailan ay wala yatang matinong ginawa itong si Mariano. Hapon sisimulan ang party ngunit ang sabi ni Mariano ay bukas pa ang totoong birthday ng kapatid niya. Kaya't mananatili kami rito ng dalawa at kalahating araw dahil sa linggo pa kami uuwi.
Pumasok ako sa silid kung saan dito ako mananatili, kasama ko sa kwarto si Elisha. Inayos ko ang aking gamit at ganoon narin ang kay Elisha. Nauna itong lumabas dahil ang sabi niya'y lulunurin niya si Mariano dahil sa kahihiyang ginagawa nito kanina.
" Beks halika na. Hihintayin ka namin, sabay tayong maliligo ha." Nakadungaw ito ngayon mula sa pintuan ng kwarto ko. Nakangiti itong nakatingin sa akin.
" Susunod ako pagkatapos ko rito Sienna."
" Basta, hindi kami lulusong sa tubig hangga't wala ka. Sabay-sabay nating lunurin si Mariano beks. Nakakahiya ang kabaklaan niya kanina. Nakakangilo!"
Natatawa ako sa sinabi niya. Ang buong akala ko'y ako lang ang nakakaramdam noon. Kinuha ko ang two piece na kulay itim mula sa aking bag. Pumasok sa cr at kaagad na isinuot ito. Nagsuot rin ako ng maikling short dahil pakiramdam ko'y labas na pati kaluluwa ko. Tiningnan ko saglit ang kabuoan ko sa harap ng salamin. I didn't tied my hair. Hinayaan ko lamang na nakalugay ang mahaba kung buhok.
" Mahabaging langit." Palatak ni Sienna pagkabukas ko sa pintuan. Ang buong akala ko'y nauna na ito kanina. Pinasadahan nito ako ng tingin." You are a masterpiece Alexandria. Naman! napakaganda at napakasexy mo."
" Pero maganda ka rin Sienna at sexy rin." Nakangiti ito at hinawakan ang kamay ko.
" Lamang na lamang ka ng sampung paligo sa akin Alexandria. Natotomboy na yata ako sa'yo."
" Gago! hindi tayo talo beks." Nginitian ko ito bago umiling. I can't imagine para na kaming magkakapatid nila at ayokong masira iyon kung sakali.
Narinig ko ang pagtawa nito, magkasabay kaming naglalakad patungo sa kinaroroonan nina Mariano. Parang gusto ko tuloy bumalik sa loob, ang kaninang nagtatawanan at nagkakasiyahang mga tao ay napatigil. Kasunod no'n ang mga matang nakatingin ngayon sa akin. Paghanga mula sa mga kalalakihan, may mga babaeng ganoon rin ngunit may ibang hindi yata ito nagustuhan.
Hindi ko ito pinansin bagkus ay nagpatuloy kami hanggang sa marating namin ang kinaroroonan nina Mariano, ngunit labis ang pagkagulat ko ng makita si Akilah at ang dalawang babaeng katabi nito.
" Bakla! ayan kana naman." Maktol nito at umasim pa ang kanyang mukha." Palagi mo nalang akong ninanakawan ng masasayang sandali. Bakit ba ang ganda-ganda mong bata ka!"
" Hi, i'm Marian. Mariano's older sister." Tinanggap ko ang nakalahad nitong kamay. " This is Akilah, one of my bestfriends. I am sure na kilala mo siya dahil isa siyang professor sa P.I.A." Tipid na tumango ako bilang tugon rito. " And also this is Danica my long time business partner."
YOU ARE READING
'tres'
RandomPrologue ' In this relationship we love, we bond, we fight, we cry but we make it through all, together. But how come that I need to let you go, just to protect you.' ---- Akilah Demeter Collins ' If you have to choose between me and her, choose he...