C"13

25 1 0
                                    

'tres

***

Isang pitik sa noo ang nakapagpagising sa akin. Sapo ko ito at pilit na iminulat ang aking mga mata.

Sumilay ang ngiti sa labi ko ng mabungaran ang nagmamalditang babae, naka crossed arms at kunot noong nakatingin sa akin. Ang hot naman nito!

" Now explain! bakit may mga pasa ka at kung bakit pumutok iyang kilay mo? kung bakit duguan ang damit mo? Now tell me Alexandria, nakipagpatayan ka ba sa labas kagabi?"

" Can i have my morning kiss instead?" Humikab  ako bago ako ngumuso. Ibang klase, ginising nito ako para lang mag explain. Naman, gusto ko pang matulog!

" Suntok gusto mo!" Itinaas pa nito ang kanyang kanang kamao. Kaagad na umiling ako, mahirap na baka madagdagan pa itong mga pasa ko. " Now explain bago kita pakainin."

" Come here love." Nanatiling nakatayo ito, ngunit kalaunan ay dahan-dahang lumapit sa akin. Ipinulupot ko ang mga kamay sa bewang niya at sumubsob sa kanyang tiyan. Ang lambot! parang marshmallow.

Naramdaman ko ang paghaplos ng kamay nito sa buhok ko. " I don't want to repeat myself Alexandria."

Napabuntonghininga ako, bago ito tiningala. Bakit ba napakaganda ng babaeng ito. Ang sarap niyang isako at iuwi sa bahay. I cleared my throat bago ako umayos ng upo. " Someone asked for my help love. Sila iyong pumunta sa university noong nagalit ka sa akin dahil hindi ako pumasok sa klase mo. Iyong sinabi mong malandi ako dahil may payakap-yakap pa sa likod. " Nakita ko ang pag-ikot ng kanyang mga mata. Hindi ko ito pinansin, hindi rin naman ito nagsasalita bagkus ay mataman itong nakikinig sa akin. " My friend Cataliya had an agreement, at nakasalalay dito ang buhay pag-ibig niya. Naging pustahan nila ito, kung sino ang mananalo tiyak na siya ang mag-uuwi ng isang daang libong piso at ng babaeng parehong minamahal nila."

" Isang kabaliwan lamang ang gagawing pamusta ang taong minamahal niya. Paano kung matatalo? Hindi ba niya ginagamit ang utak niya! Ang bobo kamo ng kaibigan mo Alexandria!" Napakamot ako sa aking sintido, halatang hindi nga nito gusto ang ginawa ni Cataliya.

" Anak ng may-ari ng paaralan nila ang naging karibal niya, isang hambog at mayabang ang lalaking iyon. Ginagamit niya ang kanyang yaman upang makuha ang kanyang gusto. Kaya't hindi naging madali para kay Cataliya ang naging desisyon niya, love."

" Pero bakit ka may pasa? binugbog ba siya ng lalaking iyon at naging shield ka niya? Bakit sa tingin ko'y ikaw yata ang napuruhan Alexandaria!"

Napangiti ako, ibang klaseng mag-isip talaga ito. " We played basketball love. Iyon ang larong napili ng lalaking karibal ni Cataliya, at sa tingin ko'y iniisip niyang malaki ang advantage niya dahil isa siyang team captain ng basketball team nila." Napangisi ako ng maalala ito, sigurado akong na e pull out na ni butler Ringo ang lahat ng shares namin sa kompanya nila. At natitiyak kung pinapalayas na ito ngayon ng mga magulang niya. " And Cataliya, begged me to help her. Dahil hindi siya pwedeng maglaro."

Inilayo nito ang kanyang katawan at tinitigan ako.
" At kaya ka may pasa dahil nadapa ka at nasubsob iyang mukha mo sa semento? My god Alexandria! bakit hindi ka tumanggi? dapat sinabi mo sa kanya at ng hindi ka nasaktan!" Ibang klase!

Muling hinapit ko ito at niyakap. " Hindi ko alam na maruming maglaro ang lalaking iyon, natamaan niya itong kilay ko sa kanyang siko. At kaya may mga pasa ako'y palagi niyang ginagamit ang katawan niya upang banggain kaya't tumatalsik ako. Ngunit hindi ko hinayaang malulungkot si Cataliya love, naipanalo ko iyong laban."

Nanlalaki ang mga matang tumingin ito sa akin.
" You know how to play? Tssk ang buong akala ko'y nagdive ka sa maruming semento." Palatak nito.

Hindi ko napigilang matawa." I was a varsity player, we back in states love."

                                    'tres'Where stories live. Discover now