'tres***
" Sigurado ka bang iiwanan kita rito?" Hindi ko na mabilang kung pang ilang tanong na niya ito, mas lalong sumasakit ang ulo ko.
Sa kakulitan na mayroon siya, natitiyak kung mas lalong lalala itong nararamdaman ko.
" I will be fine, don't worry." Napabahing ako. Mas ramdam ko ang lamig kaya't mas hinigpitan ko ang hawak sa kumot ko at hanggang leeg na itong pagkakalagay ko. Nanghihina ako. Wala akong ganang bumangon, ang gusto ko'y humiga lamang sa kama ko.
" Kung hindi muna kaya, tawagan mo ako kaagad. Dadalhin kita sa hospi---"
" Ate, please umalis kana." Pagtataboy ko rito. " I wanna sleep."
" Fine! ngunit hindi mo maiaalis sa akin ang mag-alala. Tandaan mong naiinis parin ako sa'yo."
" I know." Mahinang bulong ko.
Padabog na humalik ito sa aking noo. Bagsak ang balikat na naglakad ito patungong pinto. Matagal nito akong tinitigan bago tuluyang umalis.
Alam kung ayaw niya akong iwanan ngunit may meeting siyang kailangang puntuhan.
Dalawang araw na akong absent. Marahil sa mga natamo kung sugat at sakit ng katawan ay dinapuan ako ng lagnat. Nang makauwi ako sa bahay ay ganoon na lamang ang galit nito ng makita ang kalagayan ko. She wanted me to tell her about what exactly happen, ngunit minabuti kung huwag munang sabihin iyon sa kanya.
Mas lalo tuloy itong nagalit. Balak niyang dalhin ako sa hospital, ngunit pinigilan ko ito. Ang rason niya'y baka maimpeksyon at matitano raw ang mga sugat ko. Napaikot pa ako ng mata ng marinig ko ito mula sa kanya.
Ang oa niya! Nakalimutan siguro niyang may sa pusa ako. May siyam na buhay.
Hihintayin ko ang paghilom ng mga sugat ko, tsaka ko na gagawin ang hakbang para sa mga salbahing batang iyon!
I am not a Petersen for nothing! iyan ang patutunayan ko sa kanila.
They will taste my revenge. At sisiguraduhin kung pati sila'y mag eenjoy sa gagawin ko.
Naalimpungatan ako ng marinig ang tunog na nagmumula sa cp ko. Aba't kailan pa naging careless whisper ang ringtone ko. Si Mariano! siya lang ang nanghiram nito. Punong-puno ng pagmumukha niya ang gallery ko. Mapakulam nga pagkagaling ko sa lagnat na ito!
Kung hindi lang nakakahindik ang tunog na ito'y wala sana akong balak na sagutin ito, ngunit kahit anong pikit ko'y ang malaswang tugtugin ang pumapailanlang sa buong kwarto ko.
" Hello." Paos ang boses na turan ko. Inabot ko ang remote ng aircon at hininaan ito.
" Bakit hindi ka pumapasok Alexandria?" Nagulat pa ako ng marinig ang boses nito. Tiningnan ko ang cp, kinusot ang mga mata. Sinigurado kung hindi ako nananaginip, baka dinadaya lamang ako ng aking imahinasyon dahil sa kagustuhang makita siya.
" Namimiss mo ba ako Akilah?" Kahit masakit ang katawan ay pinilit kung bumangon, kumuha ako ng jacket at naglakad patungo sa veranda. " How did you know my number?"
" Wala akong sinabi, huwag kang gagawa ng kwento. Dalawang araw kanang lumiban sa klase ko, kaya't tatanungin sana kita kung may balak kapang pumasok?"
Napangiti ako. Ibang klase! Ni wala akong nakuhang sagot sa tanong ko." Sigurado ka prof?"
Napa hum ito. " Nasaan ka?"
" Kaya mo ako hinahanap dahil namimiss mo ako Akilah, huwag ka ng mahiya tayong dalawa lang naman ang makakaalam."
" Ang lakas ng loob mong gumawa ng kwento Alexandria! Nasaan ka nga?"
" Nagsesenti." Natawa ako. " Ayaw mo kasing sagutin ako prof."
YOU ARE READING
'tres'
RandomPrologue ' In this relationship we love, we bond, we fight, we cry but we make it through all, together. But how come that I need to let you go, just to protect you.' ---- Akilah Demeter Collins ' If you have to choose between me and her, choose he...