'tres
***
Kumikirot na tuhod ang nararamdaman ko. Idagdag mo pa ang duming nakadikit ngayon sa aking mukha maging sa aking damit. Pakiramdam ko'y lumipad ako kanina. Hindi ko alam kung sino ang gumawa noon ngunit natitiyak kung malalaman ko rin iyon.
Nagtatawanang mga estudyante ang nakita ko ng dahan-dahan akong tumayo. Trying to compose myself, but f*ck i can't even move my own knees.
This piece of shits! will pay for this!
Hindi ba nila pagsisisihan ang ginawa nila ngayon!
Napaismid ako ng makita ang lalaking sinuntok ko sa cafeteria. Sana'y pinurahan ko na at ng hindi na ito pakalat-kalat pa. Malakas na naman ang loob nito, siguro dahil marami sila kaya't napakayabang.
" Hey nerd, ang galing mong mag dive. Pang world class ang dating. Bagay na bagay." Turan nito at humalakhak.
Inismiran ko ito! Mabulunan ka sana!
Nanggigigil ako, ang sarap niyang balian ng leeg. Bakit palagi nalang bumabalik sa isipan ko ang pagpunta sa Spain!
Asar ka mommy! kung alam mo lang kung gaano ako nagpipigil ngayon. Pakiramdam ko tuloy ay minamaliit nila ako. No one ever tried to lay a single bit finger on me. Ngayon lamang nangyari ito, at ng dahil iyon sa kasunduan namin ni mommy.
Hindi ako natatakot sa kanila, ang mas ikinakatakot ko ay ang bunganga ng nanay at ate ko.
Pareho silang oa. Napaka over protictive, kulang nalang ay balutin nila ako huwag lamang magasgasan.
Tiningnan ko ang dalawang tuhod. Gasgas at visible ang sugat nito, unti-unti naring umiitim ang buong paligid sa sugat ko.
" Oops! sorry my bad. " Ng maramdaman ang lagkit at ang lansa. Kaagad na bumalot sa akin ang nakakahindik na amoy. Nakakarimarim! Bobo lang ang maniniwalang hindi niya ito sinasadya. Matalino ako kaya't hindi makakalusot sa akin ang sinabi niya. Amoy na amoy ko ang ibinuhos ng babae sa akin. Itlog! Nakakadiri.
Hindi kinakaya ng sikmura ko ang lansa kaya't pinilit kung igalaw ang mga paa upang makaalis sa kinaroroonan ko.
Tumakbo ako. Hindi ko pinansin ang tawanang naririnig ko, padarang kung binuksan ang pintuan ng cr. Kaagad na hinubad ko ang aking uniform at ang tanging naiwan lamang ay ang itim na bra ko.
Sumuka ako ng sumuka, kahit itinapon ko na sa trashbin ang uniform ko ay nanatili paring naaamoy ko ito.
Ang lansa!
Nagulat ako ng biglang bumukas ang isang cubicle, ngunit hindi ko pinansin kung sino man ang taong lumabas roon. Walang tigil ang pagsusuka ko, kahit anong gawin kung pagpipigil ay nanunoot parin sa sistema ko ang amoy nito.
" Are you okay?" Tiningnan ko ito mula sa repleksyon ng salamin. Nakita ko pa itong titig na titig sa akin. Nagulat pa ako ng himasin niya ang likod ko . Trying to comfort me, as if mawawala nito ang nararamdaman ko." Stay here i will get you my spare clothes."
Mabilis ang mga hakbang na lumabas ito ng pintuan. Pilit ko paring kinakalma ang sarili ko. Makaraan ang ilang sandali ay bumalik ito dala dala ang damit niya.
" Here ." Abot niya sa isang jersey shirt, hindi na ako nagdalawang isip na tanggapin ito. Nasa locker ko ang pamalit na damit at malayo layo ito rito sa kinaroroonan ko.
" What's going on here?" Pareho pa kaming nagulat ng makita namin si Akilah. Palipat lipat ang tingin nito sa amin. Nakita ko ang pagdaan ng lungkot sa kanyang mga mata, ngunit kaagad na umiwas ito at binuksan ang gripo.
YOU ARE READING
'tres'
RandomPrologue ' In this relationship we love, we bond, we fight, we cry but we make it through all, together. But how come that I need to let you go, just to protect you.' ---- Akilah Demeter Collins ' If you have to choose between me and her, choose he...