'tres'***
" That's too much." Galit na sigaw ni ate. Nasa garden kami. Bonding dahil mamayang gabi ay babalik na ang parents namin sa states.
" Huminahon ka nga Alexandra." Saway ni Mom sa kanya.
" Pero Mom---"
" Then babalik ako ng states, sasama ako nina Mom mamayang gabi." Putol ko sa sinasabi niya.
" Fine! ang galing mang blackmail ha." Pinaikutan ako nito ng mata.
Ayaw niya sa ideyang, hindi kami magpapansinan sa school. Galit na galit ito, excited raw siyang ipakilala ako sa kanyang mga kaibigan ngunit hindi ko maipinta ang kanyang mukha ng marinig ang kasunduan namin ng nanay ko.
" Take good care of your sister guys, bantayan ninyo at ng tumino. Kung may gagawing kalokohan, isang tawag ninyo lang at ipapadala natin ito sa Spain, maliwanag ba!"
Sabay na tumango silang dalawa at ngumisi sa akin.
" Mom! i'm not a kid. Kayang-kaya kona po ang sarili ko, at ayokong pumunta roon, iyan ang huwag na huwag mong gagawin Mom. Maglalayas ako." Maktol ko.
Kaming tatlong magkakapatid, ay hindi papangaraping mapunta roon. Napaka taray ng lola namin, isama mo pang kailangan mong makinig sa araw-araw na pangaral niya.
Kaya't ng lumaki kami ay wala ng may gustong pumunta o magbakasyon manlang doon. Sapilitan pang maisasama kami ng mga magulang namin sa tuwing may okasyon na gaganapin.
Sasama kami, ngunit may kapalit.
" Kaya nga umayos ka, hindi ako magdadalawang isip na itapon ka roon at ng tumino ka."
" Matino naman po ako Mom, hindi niyo lang naaapreciate."
Natatawang ginulo ni kuya ang buhok ko. Gwapong gwapo na naman ito sa kanyang sarili, kaya't inambahan ko ito ng suntok sa balikat niya.
" Kuya! stop messing my hair. Nakakainis ka!"
" Namiss kita bunso." At mas lalo pang ginulo ang buhok ko. Pinaikutan ko ito ng mata at lumipat ng upoan. Malayo sa kanya at sa ate ko.
" I already called Dean Crisologo." Ibinaba ni dad, ang tasa ng tsaa at kinuha ang newspaper na hawak niya kanina. " Gaya ng sinabi mo'y apelyido ng Mommy mo ang iyong gagamitin. Only the dean knows you, kaya't safe ang sekreto mo. Make sure Alexandria na tama itong naging desisyon mo, ayokong mapahamak ka. We gave you everything, i hope you will never dissapoint us again. Bukas ay papasok ka na."
Tumango ako. Heto na't wala na talaga akong kawala. Napabuntonghininga ako. Inilibot ko ang aking paningin sa mga orchids na nakapalibot sa amin rito, somehow i felt relaxed at ipinikit ko ang aking mga mata.
" Look who's here." Kasunod noon ang pagdilat ko ng marinig si Mom.
Mabilis na tumayo ako at inambahan ito ng yakap.
" Yaya gina." Bigkas ko, tuwang-tuwa naman itong yumakap sa akin pabalik. " I missed you po."" Ikaw na ba iyan tres?" Tumango lamang ako at ngumiti sa kanya. " Sobrang namiss rin kita. Uhugin ka pa ng iniwan kita sa states."
" Yaya!" Malakas na sigaw ko. Napuno ng tawanan ang garden namin ng mga sandaling iyon, pinagkaisahan nila ako kaya't heto at humalukipkip na lamang ako sa aking upuan.
Ang lakas ng loob nilang pagtawanan ako. Nakakahiya!
***
Limang minuto ang nakalipas, mula ng lisanin ko ang opisina ng dean. Sa kanya ko kinuha ang schedule at heto nga't tumatakbo ako sa hallway marating lang ang building kung saan ang una kong klase.
YOU ARE READING
'tres'
AcakPrologue ' In this relationship we love, we bond, we fight, we cry but we make it through all, together. But how come that I need to let you go, just to protect you.' ---- Akilah Demeter Collins ' If you have to choose between me and her, choose he...