'tres***
" Pakshet ka! bakit nakapasok ka? hindi mo naman dala ang mga magulang mo." Bulong sa akin ni Mariano. Nagkibit balikat ako, hindi ko rin alam at wala akong balak na alamin pa. Lunes ngayon at kagaya nga ng sinabi ni Akilah noong nakaraang linggo hindi ka pwedeng pumasok hangga't hindi mo dala ang mga magulang mo, kaya't heto at para kaming nasa nursery room dahil bitbit ang magulang ng bawat isa maliban sa akin!
Pagkatapos ng masinsinang pag-uusap nila ay kaagad na nagsimula ang aming klase. Kalat narin sa buong campus na engaged na nga si Akilah, still it gives a pang in my chest, but i'm hoping that i will overcome this.
Naramdaman ko ang pagsiko ni Sienna, bored na tiningnan ko ito. Tinanggal ko ang nakapasak na earphone sa kanang tenga ko bago ito hinarap na nakakuno't ang noo." What?"
" Kanina ka pa tinatawag ni prof Collins."
Nang marinig ito'y doon ko lamang inangat ang aking ulo. Ang gusto ko'y huwag na sanang tingnan pa ito, mas pabor pa nga ako sa pambabaliwalang ginagawa nito sa akin.
" If you are not listening Miss Dela Cuesta you can leave! " Galit na galit na turan nito sa akin.
Padarag na tumayo ako mula sa aking upuan. Kamuntikan pang matumba ito, hinablot ko ang aking bag at mabilis ang mga hakbang na tinungo ko ang pintuan.
" Bring your parents---" Iyon ang huling narinig ko bago ko pabalyang sinara ang pintuan.
Isinukbit ko ang bag sa aking likuran, kanina pa ako naglalakad ngunit hindi ko alam kung saan ako pupunta. Mas gusto kung mapag-isa kaya't ini off ko ang aking cp at nagpatuloy sa paglalakad.
Hanggang sa mapansin ko ang isang eskinita. Nasa malapit na ako ng marinig kung may nagsisigawan, curiosity eats me kaya't walang pag-aalinlangang tinahak ko ang daan patungo sa loob.
Anim na kababaihan ang nakita ko sa loob ng court, ang isa'y may hawak na bola. Habang ang iba'y nakatingin sa kanya at binabantayan siya.
Nakita ko kung paano ito mag drible, kung gaano ito kagaling humawak ng bola. She keeps on dribbling it, waiting for the right time to make a move and score. Mataman ko itong tiningnan, hinihintay kung ano ang kanyang susunod na gagawin.
Tumigil ako kung saan isang dipa ang layo nito mula sa court.
Isinilid ko ang dalawang kamay sa magkabilaang bulsa ko, ngunit hindi ko iwinaglit ang mga matang nanatili paring nakatingin sa babaeng may hawak ng bola.
Siguro'y pareho kami ng reaksyon ng mga kasamahan niya, gulat na gulat kami kung paano ito lumusot at sa isang iglap lang ay naipasok nito sa ring iyong bola ng walang kahirap-hirap.
Tumalikod ako at nagsimulang maglakad. " Hey, you!" Napatigil ako, ngunit nanatiling nakatalikod.
" Do you wanna play?"Mabilis ang mga hakbang na tinahak ko ang daan papasok sa loob ng court. " Can i tag along?"
" Obcourse, it's our pleasure." Iniabot nito ang kanyang kanang kamay. " I'm Cataliya. "
Kaagad na tinanggap ko ito. " Alexandria." Pagkasabi ko no'n ay binigyan ko ito ng isang tipid na ngiti.
" Napakagandang pangalan, bagay sa'yo." Hinawakan nito ang aking kamay at dinala sa kanyang labi. Ginawaran ng isang halik bago ito binitawan." I'm Valerrie, this girls beside me is Sam, Veda, Hailey and lastly Amarah."
Nginitian ko sila at kinamayan isa-isa. " Let's begin." Kaagad na sinang ayunan naming lahat. Tumingin ito sa akin. " Have you heard a 3x3 basketball game?"
YOU ARE READING
'tres'
RandomPrologue ' In this relationship we love, we bond, we fight, we cry but we make it through all, together. But how come that I need to let you go, just to protect you.' ---- Akilah Demeter Collins ' If you have to choose between me and her, choose he...