C'20

39 1 0
                                    

'tres

***

" Alam mo beks, pwede ng sabitan iyang nguso mo ng isang kilong karne." Hindi ko ito pinansin bagkus ay isinubsob ko lamang ang aking mukha sa mesa.

Naiinis ako at the same time nagseselos. Oo na! inaamin kung parang binibiyak itong puso ko. Sino ba namang matutuwa kung makikita mong may ibang kahawak ng kamay ang asawa mo. Gagi! sana manlang iyong maganda ang kahawak kamay niya ngunit mukha itong bulate. Panay pa ang paghawak nito sa bewang niya at kunwaring bubulong habang humahagikhik.

Ang pangit ng taste ni Akilah! Sana manlang iyong  kasing ganda ko!

" Ayaw mo bang kainin iyang sandwich mo?" Umiling ako bago muling humalumbaba.

" Kunin mo na Mariano, alam ko namang kanina pa masama iyang tingin mo sa sandwich ko."

Ngumiti ito bago mabilis na pinulot ang sandwich. Ngunit ganoon na lamang ang gulat ko ng biglang ngumawa si Mariano. Awang ang labi at gulat na gulat ng makitang malapit ng maubos ang sandwich na hawak-hawak na ngayon ni Elisha.

" Hayop ka Elishang! may lahi kabang shop lifter? Ang bilis ng kamay ha! Dinaig mo pa iyong kidlat." Singhal sa kanya ni Mariano. Ngunit tinawanan lamang siya no'ng isa at tuluyan ng inubos ang natirang sandwich na hawak niya." Ang sarap mong sikmurahan at ng mailuwa mo ang buong sandwich na henarbat mo. Hindi mo ba naisip na ako ang humingi non kay Alexandria?"

" Ang bagal mo kasi, alam mo namang ayokong pinaghihintay iyong grasya."

" Ang sabihin mo patay gutom ka. Ahas, magnanakaw!"

Napangiwi ako ng marinig ang pagbabangayan nila. Pakiramdam ko nga'y tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan ng marinig ang mga nakakangilong hayop na sinasambit nila.

" Literal na isa kang shokoy!"

" Uod na may pakpak." Bwelta ni Mariano. Ngunit pare-pareho kaming natigilan at napaisip sa sinabi niya.

" May uod bang may pakpak?" Sabay-sabay na turan naming lahat.

" Meron."

" May patunay ka?" Tanong ni Pauline. Katulad ko'y nakuha rin nito ang atensyon niya, parang gusto ko ring malaman kung mayroon nga.

" Oo kaya." Malditang turan nito at humarap sa aming lahat. " Hay, ang hirap maging genius ha." Mayabang na turan nito, at tiningnan pa kami na parang hindi kami mga tunay na tao. " Palagi niyo ngang nakikita itong lumilipad sa mga garden ninyo pero bakit hindi niyo manlang alam ito?"

" Ano nga kasi!" Naiinis na turan ni Vanessa.

" My ghad! Bakit hindi manlang kayo nabiyayaan ng kahit kaunting katalinuhan manlang."

Tumayo si Vanessa at padarag na hinawakan ang kwelyo ni Mariano. " Siguraduhin mo lang na magugustuhan namin ang magiging sagot mo."

" Oo na, bitawan mo ako. Gaga to ang baho pa naman ng kamay mo." Pinaikutan muna nito ng mata si Vanessa bago huminga ng malalim. " Alam niyo naman siguro ang butterfly hindi ba?"

Pareho pa kaming natigilan ngunit sabay-sabay rin kaming nakahuma at isa-isang binigyan ng batok si Mariano. Ang akala ko pa naman ay mayroon talagang uod na lumilipad. Gagi butterfly! Pinatagal pa niya.

" Mga hayop kayo! Idedemanda ko kayong lahat." Dinuro-duro pa kami nito habang hawak niya ang nasaktang parte ng kanyang ulo.

" Will, see you in court. Humanap ka ng magiling mong abogado Mariano." Nakangising humarap sa kanya si Sienna. " At sa tingin mo ba'y hindi ka rin namin idedemanda?"

" At ano ang kasong isasampa ninyo mga hampaslupa?"

" Libel." Mas lalong kumono't ang noo ni Mariano ng sagutin itong muli ni Sienna.

                                    'tres'Where stories live. Discover now