'tres***
" Sino rito si Alexandria Dela Cuesta?" Isang kapwa rin naming estudyante ang ngayo'y nakasilip sa aming pintuan.
" Heto siya, pogi." Ang walang kagatol-gatol na turo sa akin ni Mariano. Ibang klase kapag magandang lalaki ang kausap, nakakalimutan niya yata kung saan dapat ang loyalty niya.
" Pakisabi wala rito, absent." Hindi ko alam kung anong trip ng batang ito, hindi rin naman niya sinasabi kung ano ang pakay niya, kaya't bahala siyang tumayo riyan sa labas maghapon.
" Ano! tuturuan mo pa talagang magsinungaling iyang bata?"
Nakita kung napakamot ito sa kanyang noo. Alanganing ngumiti. " May naghahanap sa'yo. Hinihintay ka nila sa labas ng gate." Pagkatapos nitong sabihin iyon ay umalis nalang ito bigla, walang pasabing tinalikuran na lamang kami nito.
" Ay ang bastos ng batang iyon, hindi bagay sa akin."
" Walang babagay sa'yo! haliparot ka kasi." Sagot sa kanya ni Vanessa. Hindi tuloy maipinta ang pagmumukha niya. Madramang umupo ito sa kanyang upuan, kumuha ng wipes at ipinunas sa kanyang sapatos. Gago talaga!
" Pero beks, sino ba iyong naghahanap sa'yo?"
Nagkibit balikat ako bago tumayo. " Titingnan ko lang kung sino ang mga taong gustong dumukot sa akin."
" Ano! " Nanlalaki ang mga matang turan ni Elisha.
" Tatawag na ba kami ng mga pulis?"" Huwag na, mamaya nalang siguro." Nagsimula na akong humakbang patungo sa pintuan. Curious ako kung sino ba iyong naghahanap sa akin, wala rin naman akong gaanong kakilala rito. Wala rin akong naalalang umorder ako ng pagkain.
" Baka pagkain iyon bakla, o di kaya'y terorista. Naku! huwag kang sasama sa kanila ha, bad 'yon."
" Pero gusto ko iyon Mariano." Muli ko itong nilingon. " Matagal ko ng pangarap ang ganoong trabaho."
" Huwag iyon, masyadong madali, hindi manlang tayo pagpapawisan sa ganoong bagay. Bakit hindi nalang tayo mang hold up, o di kaya'y mangidnap, tiyak na mas mahirap ang ganoong trabaho?"
" Utang na loob! itigil niyo muna ang mga pangarap niyong nakakagimbal. Umalis kana Alexandria, at baka papangarapin niyo ring pumatay na dalawa." Namroroblemang turan ni Sienna.
" At paano kung hahanapin ka ni prof Collins Alexandria?" Saad ni Pauline na nag-unat pa. Parang kakagising lang nito, ngayon ko lang kasi ito narinig magsalita. Halatang pagod ito, nanlalalim rin ang kanyang mga mata.
" Pakisabi may pinuntahan lamang ako saglit." Hindi ko na hinintay pa ang kanilang sagot. Kaagad na umalis ako at mabilis ang mga hakbang na tinahak ang daan sa hallway. May kalayuan ang gate kaya't medyo malayo-layo ang lalakarin ko.
" Where are you going?" At sa lahat ng taong mabungaran ko ay ang propesora ko pa talaga. May mga bitbit itong libro at alam kung patungo ito sa building namin dahil ito ang huling klase namin ngayong hapon. " Magsisimula na ang klase mo hindi ba?"
Tumango ako. Gusto ko sanang tulungan siya sa kanyang dala ngunit kailangan ko ring puntahan ang mga naghahanap sa akin.
" Akilah." Pareho naming nilingon ang taong tumawag sa kanya. " What are you two doing here?" Nakangiting tanong ni Monique. May dala rin itong mga libro at nasisiguro kung may huling klase rin ito katulad ni Akilah.
" Pupunta ako sa panghuling klase ko. At nakita ko si Miss Dela Cuesta rito kaya't tatanungin ko sana kung saan siya pupunta."
Pagkabanggit non ay pareho silang napatingin sa akin. Hinihintay ang sagot ko sa katanungan niya kanina." May naghahanap po sa akin, nasa labas ng gate daw po naghihintay."
YOU ARE READING
'tres'
SonstigesPrologue ' In this relationship we love, we bond, we fight, we cry but we make it through all, together. But how come that I need to let you go, just to protect you.' ---- Akilah Demeter Collins ' If you have to choose between me and her, choose he...