'tres
***
" Aray! dahan-dahan love." Hiyaw ko ng mas lalong idiin nito ang icepack sa bukol ko. Galit na galit na naman ito.
" I told you to stay here. Pero sadyang matigas talaga iyang ulo mo. And look! ang laki pa ng bukol mo."
" What happened Akilah?"
Tiningnan nito si ate bago muling sumimangot." Ask your sister." Marahas na tumayo ito at pumunta sa closet. "Nawiwili akong hambalusin iyang kapatid mo Alexandra."
Nanlalaki ang mga mata ng tingnan ako ni ate Alexandra. Napasinghap at tutop ang kanyang bibig. " Holy crap! bakit ang laki ng bukol mo?"
" Aksidenteng natamaan ng bola ate. And who knows na magagaling pala ang mga naglalaro kanina."
" What do you mean? professionals?"
" Exactly, sila iyong nag champion nitong kakatapos lang na league."
" Is Janna Garcia's there?"
" Yeah the team captain. Wait, do you know her?"
" Will she's a friend of mine bunso."
Nakita ko ang nakalahad na damit na hawak-hawak ngayon ni Akilah. " Go change your clothes." Kaagad na tinanggap ko ito at pumasok sa banyo.
Napangiti ako. Ang sweet naman ng asawa ko!
Pagkatapos kung magbihis ay kaagad na lumabas ako. Nakita ko si Akilah na nakaupo ngayon sa kama namin. Nakakuno't ang noo at malalim ang kanyang iniisip.
Wala na rito ang kapatid ko ng lumabas ako. Siguro'y tinatapos na nito ang kanilang pagluluto.
" Love." Nilapitan ko ito at iniangat ang kanyang mukha. " Is there something wrong? May masakit ba sa'yo?"
Umiling ito bago ako pinanliitan ng kanyang mga mata. Napalunok pa ako ng ilang beses bago alanganin na ngumiti sa kanya.
All i can see now is trouble!
" Nawala lang ako ng ilang saglit ay lumandi kana naman!" Nakikita kung kulang nalang ay sapukin nito ako ngayon dahil sa inis nito." Gusto mo bang isako kita Alexandria!"
Mabilis ang naging pag-iling ko. " Love walang nangyaring ganun. " Hinawakan ko ang kamay nito at kinintilan ng isang halik bago ako yumuko at binigyan rin ito ng isang halik sa labi. " You are more than enough Akilah. I want you to keep that on your mind. " Matamang tiningnan ko ito, gusto kung bigyan siya ng assurance na sa kanya lamang ako.
" Mahal kita and no one can change that."" Siguraduhin mo lang at ng hindi mo makikita ang hinahanap mo!"
" Wait. Nagseselos kana ba niyan prof?"
" ASA!" Pinaikutan ako nito ng mata bago humalukipkip sa gilid ng kama. " Ang lakas ng loob mong mambintang Alexandria!"
" Taliwas ba ito sa nakikita ko?" Pigil ang ngiting turan ko rito. Muling nilapitan ko ito at ngayon ay ikinulong ko na ito sa mahigpit kung yakap. Mahirap na baka umabot pa kami sa banyo sa pagmamaldita nito.
" Exactly! Why would I?"
" Okay if you say so." Binitawan ko ito at tumalikod sa kanya.
" And where are you going Alexandria!" Mas lalong dumilim ang mukha niya.
" Mambababae. Hindi ka naman nagseselos diba? At tsaka naalala ko palang inaanyayahan akong pumunta para sa pagsasalo nila Maurice mamaya."
Nakangiting hinawakan ko ang doorknob. Gustong-gusto ko ng bumunghalit ng tawa ng masilayang muli ang mukha ni Akilah. Ngunit hindi ko paman ito tuluyang nabubuksan ay may isang matigas na bagay ang biglaang tumama sa likod ng ulo ko.
YOU ARE READING
'tres'
RandomPrologue ' In this relationship we love, we bond, we fight, we cry but we make it through all, together. But how come that I need to let you go, just to protect you.' ---- Akilah Demeter Collins ' If you have to choose between me and her, choose he...