'tres***
Mariing naipikit ko ang aking mga mata. Sapo ang aking ulo, namimintig na naman sa sakit ito. Nasa classroom kami, naghihintay sa pagdating ni Akilah. Siya ang una naming klase ngunit dalawampung minuto na ang nakalipas pero hindi parin ito dumarating.
Walang abeso mula sa kanya kung liliban ba siya. Kaya't heto at kanina ko pa tinitiis ang napakaingay kung mga kaklase!
Ang kanina'y pagbabatohan ng mga pick up lines ay nauwi sa pag dedebate. Mainit ang naging topic nila. Ang pinanggalingan ng tao ang kasalukuyang nireresolba ng mga ito, may entablado at dalawang mesa ang kasalukuyang nasa gitna. Sabog ang mga upuan, animo'y dinaanan ito ng isang dilubyo.
Dalawang magkatunggaling grupo ang nasa harapan ngayon, pinangungunahan nina Mariano at Oscar isang pusong babae rin tulad ni Mariano. Kaharap nila iyong ginawa nilang papel na mikropono. Bawat isa sa kanila'y may ipinaglalaban, walang may gustong matalo.
Sa kalagitnaan ng kanilang pagdedebate isang malakas na pagbalandra ng pintuan ang gumimbal at nakapagpatigil sa kanilang lahat. Natuod! ni walang may gustong gumalaw o huminga manlang.
" Hindi na kayo mga bata!" Panimula nito, maaaninag sa mga mata nito ang labis na galit.
" We had a meeting for god sake! ngunit kailangan kung iwan iyon dahil lamang sa may nag reklamo! Your loudness are heard, not only in hallways but also in other buildings. They had exams and seems they can't concentrate because of you people!" Umiiling ito bago umupo sa kanyang mesa. " I am very much disappointed." Inilibot nito ang kanyang paningin at partikular na tumigil ito sa akin. " Your all failed in my class." Sabay na napasinghap ang lahat." Now all of you get out!" Sigaw na turan nito.Napangiwi ako, pakiramdam ko'y sa akin niya mismo sinabi ang mga katagang iyon.
Kababakasan ng takot ang mukha ng bawat isa. Ngunit paano kaming mga nadamay lang? I had to fullfill my promise, iyon ay ang makakuha ng malalaking grado. Ngunit sa mga sandaling ito'y, alam kung malabo ng mangyayari pa iyon.
" Bring your parents so you can come in my class again, if you failed to do that! then dropped school's then."
Parehong bagsak ang balikat naming lahat!
Isang pumpon ng bulaklak ang ngayo'y nakasilip sa aming pintuan. Parehong nagulat ang mga kaklase ko, ngunit ngayon ko lamang sila nakitang walang pakialam. Kanya-kanyang labas ng pintuan, bilang ang mga hakbang animo'y nakikilibing.
Nakangiti at kumakawa'y na babae ang pumasok sa loob. Hindi ko alam kung aware ba siyang narito ang professor namin, at mas lalong hindi ko alam kung narinig niya ba itong pinagalitan kami kani-kanina lang.
Ngunit ang babaeng ito'y tuloy-tuloy lamang sa kanyang pagpasok. Halatang walang pakialam sa kanyang paligid.
" For you Alexandria." Abot niya sa bulaklak na hawak niya kanina.
Tinitigan ko ito, tinatantya. Iniisip ang bawat salitang bibitawan ko. Ayokong makasakit, ngunit kung kinakailangan'g gawin iyon para tumigil siya ay gagawin ko.
Walang humpay parin ang pamimintig ng sakit sa aking ulo!
" Not now Celestine! Sa susunod na araw mo nalang ako kulitin!"
" I want to treat you a cup of coffee, please." Pagsusumamo nito. Mas lalong lumakas ang kanyang loob ng tulungan ito nina Mariano upang kumbinsihin ako.
" It seems you don't understand what i've said!" Gusto kung bulyawan siya, gusto kung malaman niya kung gaano ako nagtitimpi sa kanya. Mas lalong sumama ang pakiramdam ko. Masyadong persistent ang babaeng ito mapasagot lamang ako.
YOU ARE READING
'tres'
AcakPrologue ' In this relationship we love, we bond, we fight, we cry but we make it through all, together. But how come that I need to let you go, just to protect you.' ---- Akilah Demeter Collins ' If you have to choose between me and her, choose he...