Haunted Chess
It kills anyone who won
It didn't want to stop
The game's just begun
Prologue
Kai Chi, Taiwan
9:30 PM
Malakas ang ulan, kumukulog at kumikidlat. Napapalibutan ng mga guwardiya ang buong mansiyon habang nagkakagulo.
"Donya Leonora!" sigaw ng isa sa mga katulong sa labas ng kuwarto.
Napakapit ang Donya sa kaniyang laruan na parang may binubuking sa hangin. Naglaglagan ang mga gamit sa sahig, napakadumi at napuno ng kalat ang buong kuwarto.
Napahinga ng malalim ang Donya bago nagsalita. "Hindi ko pa rin maintindihan! Tonta! Bakit ako'y natalo?!"
Inihagis niya ang chess board bago tumawa na para bang nababaliw na siya. Kumidlat at kumulog na naman. Tumayo siya't lumapit sa laruang naitapon.
"Isinusumpa ko, ang lahat ng mananalo gamit ang chess board na ito ay mamamatay sa ngalan ng aking pagkamatay!"
Kasabay ng pagbitaw ng mga salitang iyon ay siyang kumitil sa buhay ni Donya Leonora kasabay ang kidlat na tumama sa chess board.
YOU ARE READING
Haunted Chess | ✓
Mystery / ThrillerIt kills anyone who won It didn't want to stop The game's just begun - Lee
