CHAPTER 21

7 2 0
                                        

Manila, Philippines
Salvacion Medical Hospital

Andrew Joaquin Lee
5 months later...

"How is she?" I asked Froy as I entered my sister's room.

He looked at me seriously before smiling. "Still fighting, Jay."

I sighed before pulling my necktie to get some air. This always happens. Kapag dadalawin ko siya ay palaging ganito. Kung hindi siya okay, minsan naman gumaganti ang katawan niya.

She's like this for almost 6 months. Natapos na ang lahat pero hindi ko pa rin maintindihan kung bakit hindi pa bumabalik ang kapatid ko.

I did her part. All of it. She was supposed to be the new heiress of our company but since she's still recovering, I acted like a CEO for a while to help the company.

After Kuya Zacharias hit me with that bomb, he also hit me some responsibility. Ako naman muna raw dahil nagpapagaling pa ang kapatid ko. And I understand it.

"Why, Froy?" I asked, almost whispering. "Why did she do that?"

Froy looked at me again. "Because she loves you, dude. Alam kong alam mo na si Khalel palang ang nakakaalam na magkapatid kayo at hindi pa 'to alam ni Zabriel, pero sana maintindihan mo kapag gumising na siya."

My forehead creased because of what he said. "What do you mean?"

He smiled before looking at Zabriel who's lying in her hospital bed. "She's fighting with herself. Si Khalel, gusto niyang mawala sa katawan ni Zabriel."

Mas lalo akong naguluhan. All I know is Khalel is part of Zabriel's personality, magkaiba nga lang. Pero, bakit?

"Why?"

He sighed. "Noong nalaman kong dalawa sila, mahirap sa akin tanggapin pero wala e, mahal ko. Kahit sino pa siya, kahit ano pang pangalan o ugali niya."

"She's the most bravest woman I ever known, Jay," he added. "Ginawa niya si Khalel para may makapagtanggol sa 'yo kapag sinasaktan ka."

And, then... I remember something.

"Aray! Daddy, tama na po!" iyak ako nang iyak habang sinasalag ang bawat palo ng Daddy ko.

Pinagalitan niya ako dahil nasira ko ang isang piyesa niya sa chess. Hindi ko naman alam na ganoon pala kaimportante 'yon para saktan niya ako ng ganito.

"Wala ka talagang kwenta! Ang sinabi ko, huwag kang makikialam sa mga gamit ko! Tignan mo 'tong ginawa mo!"

Patuloy pa rin siya sa pananakit sa akin habang ako'y iyak nang iyak. Pilit kong sinisigaw ang pangalan ni Mommy pero hindi siya nagpakita.

"Tito!" a cute, girl voice echoed inside Daddy's office.

Natigil sa paghampas sa akin si Daddy upang lingunin kung sino ito. Ganoon nalang nawala lahat ng sakit na naramdaman ko nang makitang si Zabriel iyon, ang pinsan ko.

"Zabriel!" tila nagulat pa si Daddy.

Kita ko ang inis sa cute niyang mukha bago lumapit sa amin at hinatak ako palayo kay Daddy, tinago niya ako sa likuran ko.

"I told you to not hurt my cousin! How could you!" my lips parted because she shouted.

Hindi ito ang Zabriel na kilala ko. Sa maamo niyang mukha, ganoon din kaamo ang ugali niya. Ni hindi siya naninigaw, palaging mahinahon ang paraan ng pananalita niya.

Haunted Chess | ✓Where stories live. Discover now