Manila, Philippines
Ibañez MansionI've never been this scared before. All my life, I am confident that I am protected by my family's protection. They always assured me that no one will happen to me.
All my confidence suddenly disappeared like a bubble as I watch my Lolo right now. Nakatali siya at maraming sugat at pasa. Naghihingalo na siya at mukhang hindi pinapakain dito.
"Lolo..." I whispered.
Tila nabuhayan ito nang marinig ang boses ko matapos ay umangat ang tingin sa akin. He immediately smiled upon seeing me. I run towards him and hugged him tight.
"L-lolo," garalgal ang boses ko. "What did they do? Ano pong ginawa nila sa 'yo, Lolo?"
Nanghihina kong hinawakan ang dalawang pisnge niya. Kahit nanghihina ay nagawa niya pa ring ngumiti sa akin na para bang sinasabi sa akin na maaayos ang lahat.
"Zab, you need to get out," narinig ko ang boses ni Ian sa earpiece na suot ko.
He's the one watching me right now, ordering me where and what to do. He knows the place and the ways. Ian's the hacker.
Natatarantang pinunasan ko ang mga pisnge ko at sinubukan kalasin ang nakatali kay Lolo.
"Lo..." umaasang tawag ko sa kaniya. "You need to cooperate with me, aalis tayo rito. Okay?"
Parang bata ang kinakausap ko. Puro bulong lang din ang nagagawa ko sa takot na baka may makarinig sa akin.
Mistulang natuyong ilog ang lalamunan ko nang makita kong umiling si Lolo Waquin.
"A..." he tried saying a word. "A-alis... K-khal... A-alis."
Napaiyak muli ako't umiling. "No, I won't leave you here. Come with me, Lolo, please..."
"A-alis... O-out..." sinubukan niyang gumalaw para itulak ako.
"No, please," lumapit ulit ako sa kaniya. "Let's go, Lo."
Patuloy lang siya sa pag-iling. Pilit tinatanggihan ang alok ko. Naiiyak na ako habang sinusubukang kalasin ang nakatali kay Lolo.
"Zabriel, damn it!" I heard Ian cursed. "Rafael, puntahan mo si Zabriel sa basement. Someone is coming. Hurry up, you idiot!"
"What? Why me? I'm a sniper!" rinig kong bulalas ni Rafael.
"Oh God, Josiah! Hurry up, damn it!" impit na sigaw ni Ian. Halatang natataranta na.
Hindi ko sila pinansin at pilit na kinakalas ang tali. Dumudugo na ang mga kamay ko dahil sa pagpilit kong alisin ito, gusto kong sumuko pero buhay ng Lolo ko ang nakataya rito.
"B-bakit ayaw? L-lo, bakit a-ayaw?" nanlulumong saad ko.
Umiling siya't nginitian ako. "L-leave... K-khalel... A-alis n-na..."
Ngunit nagmatigas ako. Pinilit ko pa rin. Kahit na mahapdi at masakit na ang mga kamay ko dahil sa sugat, hindi pa rin ako tumigil.
Napatili ako nang bumukas ang pintuan ng basement. Handa na sana akong magtago nang makita kong si Josiah ito. Hinihingal pa.
"Puta, ang dami nila sa labas!" parang batang asta nito.
Hindi mo maisip na magaling sa taekwondo at martial arts ang isang ito dahil sa ugali niya. Loko-loko lang siya pero maabilidad at magaling. Josiah's the martial arts master.
YOU ARE READING
Haunted Chess | ✓
غموض / إثارةIt kills anyone who won It didn't want to stop The game's just begun - Lee