CHAPTER 10

5 3 0
                                    

Inocencio Lake

Kamukha ko si Lola?

"Ano pa pong nalalaman niyo tungkol sa Lola ko?" umaasang tanong ko.

Napailing siya. "Kaunting panahon lang kaming nagkakilala kaya kaunting memorya lang din ang nasa isipan ko. Pero kung gusto mo, dadalhin kita sa bahay ko. May litrato si Leonora doon."

Papayag na sana ako nang may sumabat.

"Masamang magsinungaling, tanda," the great Trip Montenegro appeared in front of us.

Napatingin ang matanda sa kaniya. "Ikaw... Ikaw ang kumuha sa apo kong si Brent."

Umiling si Trip sa kaniya. "Naku, hindi po. May respeto pa naman ako sa matatanda, pero sa 'yo wala."

Bago pa makasagot ang matanda ay dinampot na siya ng mga kasama ni Trip na pulis. Hindi ko pala napansin iyon kanina, masyado kasi akong natuliro.

Natatawang napatingin sa direksyon ko si Trip bago ngumiti. "Hindi mo naman siya kamukha, nag-iisa lang ang ganda mo. Huwag ka mag-alala."

Napangiti ako sa sinabi niya. Kamuntikan na akong maniwala sa matanda kanina, mabuti nalang at dumating siya.

"Kailangan na natin pumunta sa Inocencio University," ani Ate Andrea.

"Hindi na kailangan," sabat ni Trip. "Nandoon na sina AJ, sila na ang bahala doon."

Froy nod at him. "Thanks, bro."

"Walang anuman, basta ako best man."

| …♡♡... |

"Nakakainis talaga, hindi namin naabutan."

Kakarating lang namin sa paaralan at napapalibutan na kaagad ito ng mga pulis. Namatay daw kasi ang estudyanteng si Natalia Valderama, hindi ko alam kung anong nangyari dahil hindi naman namin kilala iyon.

"Pero nakuha niyo ba ang pang-apat na chess?" pukaw ko sa atensyon nila.

Hindi dapat ngayon maging mahina. Hindi dapat pinapairal ang emosyon ngayon.

"Oo," si Sol ang sumagot. "Ang weird lang, dre. Bakit nakaukit ang pangalan ni Jake rito?"

Kumunot ang noo ko tsaka kinuha ang chess board sa kaniya. Sinuri ko ito at may nakitang pangalan na nakaukit.

IV - Jake Galvez

"Hindi ko maintindihan, anong ibig sabihin nito?" naguguluhang tanong ko.

Bakit may simbolo? Sa mga nakaraang chess wala namang— Shit. Baka namamalikmata lang ako.

"Kailangan nating bumalik sa mansion, may titignan ako," tinignan ko silang lahat.

"Hindi na kami kasya sa sasakyan niyo, convoy nalang tayo," ani Trip tsaka hinila si Ate Andrea papunta sa sasakyan niya.

Kaagad kaming nagtungo sa sasakyan at naglakbay na pabalik sa mansion. Kailangan ko talagang tignan ang tatlong chess na nandoon, kailangan kong siguraduhin ang hinala ko.

Napatalon ako sa gulat nang tumunog ang phone ni Froy, nasa bulsa ko kasi ito. Kinuha ko iyon at tinignan ang tumatawag.

Trip lang kita calling...

Napangiwi ako sa pangalan ni Trip na naka-save. May topak talaga ang isang 'to.

Sinagot ko ito. "Hello, Trip?"

Haunted Chess | ✓Where stories live. Discover now