CHAPTER 11

7 3 0
                                        

Manila, Philippines
Lee Residence

"Nailigpit ko na yung dalawa, ano pang gusto mong ipagawa?"

Nandito kami ngayon sa pool side. Si AJ, Froy, Ate Andrea, Trip at ako lang ang nandito. Ang sabi kasi nina Sol ay may pupuntahan daw ulit sila.

Napangiwi ako sa tanong ni Trip. Talaga bang pinatay niya sina Jackie at Brent?

"Wala na," Ate sighed before looking at me. "Wala pa."

Alam kong naghihintay lang siyang magsalita ako. Wala kasi akong nilabas na salita mula kanina dahil sa mga nalaman ko. Iniisip ko pa rin yung Lola ni Brent, yung matandang kumausap sa amin kanina.

Pamilyar talaga sa akin ang Inocencio Lake. Kaso hindi ko matandaan kung saan ko yun nabasa e. Nakakapanghinayang naman, ang bilis ko kasi makalimot sa mga detalye.

"Hey, what's bothering you?" napukaw ni Froy ang atensyon ko.

Umiling ako tsaka tinignan si AJ. "Pamilyar ba sa 'yo yung lugar?"

Kumunot ang noo niya. "Inocencio Lake ba?"

Tumango ako. "Oo, pamilyar kasi sa 'kin pero hindi ko matandaan e."

"Doon tayo pinanganak ng mga magulang natin," sagot niya. "Nakalimutan mo na pala ang lugar na 'yon?"

I nod once again. "Yeah, hindi ko matandaan ang kahit na anong impormasyon tungkol doon."

He nod multiple times. "Akala ko naaalala mo. Nagulat nga ako nang sabihin ni Andrea ang address e."

Ate Andrea joined the conversation. "Bakit? May alam ba kayo sa lugar na 'yon? Astig ah, doon kasi ako nakatira dati e. Doon din ako nakuha nina Daddy Andreus—"

"Wait," I cut her off. "Doon ka lumaki at nakatira dati?"

Kahit naguguluha'y tumango siya. "Uhm, yeah? Sa bahay-ampunan ng Inocencio Lake ako nakuha ng mga magulang ni AJ. Sa pagkakaalam ko, doon din kinuha si Zacharias. Tama ba?"

Mas lalo akong naguluhan. Bakit parang konekto kaming lahat sa Inocencio Lake? Ano bang meron sa lugar na iyon?

Tumingin ako kay Trip na nangungusap ang mga mata. "Pwede ba tayong bumalik doon?"

He immediately nod. "Pwede naman—"

I cut him off. "At mag-stay doon ng ilang araw?"

Agad siyang napatingin sa akin. "What?"

"Tol, ano bang gagawin natin doon?" pati si AJ ay napapatanong na rin.

"You know it's dangerous there," Froy uttered. "Nakita mo naman ang ginawa ng matandang nakasalamuha natin kanina."

I pouted. "Alam ko, pero may gusto lang kasi akong alamin. Pagkatapos ay sasabihin ko agad ang nalalaman ko, pangako!"

| …♡♡... |

Wala na silang nagawa kung hindi pumayag. Tinawagan na rin nila sina Sol at pinauwi dahil mag i-impake pa raw ng mga gamit.

Lahat kami'y kumikilos na, nasa kwarto na rin kaming dalawa ni Froy at naghahanda na ng mga gamit namin.

"Are we all set?" Froy asked while zipping our bags.

Umiling ako at kinagat ang pang-ibabang labi ko. "May kukunin lang ako." Kukunin ko ang libro ni Mommy.

Hindi ko na siya hinintay pang makasagot at lumabas na ng kuwarto. Ilang hakbang pa ang ginawa ko bago ako nakarating sa kwarto ni Kuya Zach. Agad ko iyong binuksan at pumasok na.

Haunted Chess | ✓Where stories live. Discover now