CHAPTER 6

9 2 0
                                        

Manila, Philippines

Not anyone is able to express their feelings. Many of us are shy to admit what we really felt. Our emotions matters to every situation that happens. Some people says brain is always on top but I bet to disagree. Sometimes emotions and feelings can be valid, too.

"AJ, ibalik mo 'yan!"

Kanina pa kami nagtatatakbo dito sa sala. Si AJ parang gago, ang aga-aga palang ay nambwe-bwesit na. Kinuha niya ang phone ko kanina lang dahil nakita niya akong pangiti-ngiti.

Hindi niya pwedeng makita 'yong messages!

"Ayoko! Akin na 'tong phone mo!" sigaw niya pabalik sa akin habang nagtatatakbo. "Kanina ka pa nakangiti rito ah."

Mas lalo akong nainis sa sinabi niya. "Punyeta, akin na 'yan sabi!"

"Ayoko!"

Tumigil ako sa pagtakbo dahil hinihingal na talaga ako sa lalaking 'to. Ang kulit-kulit, bakit ko ba naging pinsan 'to?!

"Ibalik mo na 'yan, bro," napalingon kami sa nagsalita at nakita si Froy na pababa ng hagdan, hawak niya pa rin ang phone niya.

Tumigil din sa pagtakbo si AJ. "Anong meron ha?" hinarap niya ang phone ko at may binabasa na.

Anak ng tokwa!

"Akin na kasi!" inis na sigaw ko. "Namumuro ka na, bwesit ka!"

Imbis na matawa siya sa pagmumura ko ay gulat siyang napatingin sa akin. "Magka-text kayo?!" pabalik-balik pa ang tingin niya sa akin at kay Froy na nasa hagdan lang.

Tinaasan siya ng kilay ni Froy. "Balik mo na, matatamaan ka talaga sa 'kin."

He sighed. "Panira!" pagmamaktol niya. "Oo na, eto na," aniya at inabot sa akin ang phone ko.

"Ibibigay mo naman pala e," I smirked at him.

Inirapan lang ako ni AJ at umupo na kami ulit sa sofa. Si Froy naman ay patuloy na naglakad pababa at tumabi sa akin.

"You okay?" he asked.

My brows furrowed. Para namang gago, magka-text lang kami kanina e.

AJ groaned. "Ano ba! Wala akong balak maging third wheel!"

Natatawang inirapan ko siya. Umalis sina Sol at Kate kasama si Jake, may aasikasohin silang business ni Jake.

"Dapat pala sumama nalang ako kay Solaris," he pouted. "Ang boring niyong kasama, mga KJ!"

Ang hilig talaga mang-asar nitong gagong 'to. Iniwan lang siya rito ni Sol kasi may ginagawa siya kanina. Hindi ko naman kasalanan na pumayag siya.

"E, nasaan ba sila?" I asked him, not minding Froy's question.

He shrugged and chuckled. "Hindi ko alam e. Hehe."

Inis na inirapan ko ulit siya. Bwesit talaga, akala ko pa naman alam niya. Susundan sana namin, makikigulo lang gano'n.

Simula nang gabing nag-usap kami ni Froy ay wala nang usapan tungkol sa problemang kinakaharap namin. All of us came back to our usual life. Kahit na hindi na kami pumapasok, may mga lessons at activities naman na sine-send kaya okay lang.

"Hey, hindi ka namamansin," Froy said.

I smirked. Ang angas ng dating niya ngayon kasi nasa harapan namin si AJ, e kapag wala para nga siyang bata.

Haunted Chess | ✓Where stories live. Discover now