CHAPTER 15

10 2 0
                                        

Manila, Philippines
Ibañez Mansion

Ever since when I was a kid, I always thought that Mommy is not happy because I came into her life. Palagi kong iniisip na baka may kulang o mali sa akin dahil parati niya akong sinisigawan at pinapagalitan.

Sinasabi ko palagi sa sarili ko na kasalanan ko at hindi dapat ako masaktan kasi dapat lang 'yon sa 'kin. I deserve all the hatred she has to me.

Pero mali ako. My mom did that dahil ayaw niyang mapansin ng kung sino na mahalaga ako sa kaniya. I don't why but she said it's more safe than sorry.

My mom didn't actually hate me. She really loves me. Talagang may sarili lang siyang paraan para mahalin ako ng patago. And I'm thankful for that. Nagpapasalamat din ako dahil hindi ko hinayaan ang sarili ko na magtanim ng galit sa kaniya.

Dahil hindi naman dapat because she's my mother and she loves me. She truly loves me.

"We're here."

Napalingon ako kay Froy na nag-aayos na. Nang matanggal ang seatbelt ay agad siyang umikot at pumunta sa pwesto ko para pagbuksan ng pinto.

"Ayos lang ba talaga rito?" kagat-labi kong saad.

Nahihiya kasi ako sa kaniya. Masyado na siyang maraming naitulong sa amin, sa akin, tapos ito pa yung sitwasyon ngayon.

He smiled at me while caressing my hand. "It's really okay for me. Now, cut that conscience and lets go inside. It's already midnight."

Tumango ako't sinabayan siyang maglakad papasok sa bahay. Ibañez's mansion is similar to ours. Ang kaibahan lang yata ay may fountain kami sa harap ng mansion, sa kanila ay wala.

Nang makapasok kami ay binigay niya ang kotse sa isang lalaking sumalubong sa amin. Inutusan niya itong ipasok ang mga gamit namin sa kwarto niya.

Wala pa man kami sa sala ay rinig na rinig na namin ang sigawan.

"What the fuck, Rafael!"

"Ano ba! Sinabing akin 'tong strawberry cake e!"

"May pangalan mo ba?"

"You three, sit down. You're making my head hurt."

"E, kasi ito!"

"Oh, come on, Ian."

"Come on, Josiah."

"Ano ba, gaya-gaya!"

"Strawberry cake ko!"

Nang makarating kami sa kusina ay nakita ko ang apat na lalaking nakapalibot sa malaking kahon ng cake.

"Kids," tawag ni Froy at bumuntong-hininga.

Sabay na napalingon sa amin ang apat na parehong nakabusangot ang mukha. Napakagat-labi ako habang tinitignan ang cake na nasa gitna nila, wasak na ito.

"Froy, bud," lumapit sa amin ang isang lalaking nakasuot ng salamin.

Tumango sa kaniya si Froy bago kami naglakad papasok sa kusina.

"This is Zabriel, the one that I'm talking about," pakilala niya at inakbayan ako.

Agad na lumapit sa akin ang isang lalaki na gulong-gulo ang buhok. "I'm Rafael Ibañez!"

Tumaas ang kilay ng isa, nakabusangot ang mukha nitong humarap sa akin. "Ako pala si Chase Ibañez."

Lumapit sa akin ang isa na parang bata. "Josiah," napanguso siya nang mapagtanto niyang hindi siya makakapag-kamay sa akin dahil sa cake na nasa kamay niya.

Haunted Chess | ✓Where stories live. Discover now