Chapter One

14 3 0
                                        

Manila, Philippines
Lee University



"Zabriel!" tawag sa akin ni Sol at Kate.


Huminto ako sa paglalakad at hinarap sila. "Anong section kayo?" tanong ko habang nginunguya ang bubble gum na nasa bibig ko.


"Section Lucifer kaming dalawa. Ikaw?" balik na tanong sa akin ni Sol.


I shrugged. "Same," tipid kong sagot at nginuya ulit ang gum.


Sabay na kaming naglakad papunta sa classroom. Maraming bumabati sa akin na binabati ko rin naman pabalik.


"Hey!"


I turned to see Andrew Joaquin "AJ" Lee, my cousin. "Ginagawa mo rito?"


Umarte siyang nasasaktan. "Ang sakit mo naman, oy!"


I chuckled. "Tara na sa room."


Hinila ako ni AJ patabi sa kaniya at inakbayan habang nasa likod naman ang mga kaibigan ko.


"Have you heard about grandma's chess?" he whispered.


Umiling ako. "Ang balita ko lang may chess board na dumating dito sa school."


He nod. "We have to find that one before it can kill."


"Pero paano tayo nakakasiguro na chess board nga ni Lola 'yon?" kunot-noo kong tanong.


"Let's see about that," he licked his lower lip.


| ...♡♡... |

"Let's proceed with the classroom's officers later, for now you can take a break," Ma'am Zen announced.


"Thank God," I whispered and stood up.


Lumabas na kami ng room at binaybay ang daan papuntang cafeteria. Sina Sol at Kate na ang pina-order ko dahil sa dami ng tao rito, hindi ko kayang makipagsabayan.


"Ano? Magsa-samyang ka pa?" tanong sa 'kin ni Kate as I'm done eating.


"Huwag na," tipid kong sagot habang umiinom ng soft drink.


"Psst!" kumunot ang noo ko nang tinawag ako ni Sol. "Dre, anong pinag-usapan niyo ni AJ?"


I shook my head. "Tungkol lang sa chess board."


They both nod with "ah".


"Wala pa rin bang nahahanap kahit isa?" Kate asked.


Umiling ako ulit. "Wala pa, hahanapin pa nga namin ngayon e."


"Sabagay," Sol sighed. "Hindi ko keri ang problema niyong mag-pinsan, masyadong mahirap at komplikado."


I smirked. "Sinabi mo pa."


After we ate, bumalik na kami sa room for the election. Si Jackie Sandoval ang nangunguna sa election since busy si Ma'am Zen.


"Let's make this quick so we can go home na," Jackie said.


The election started with the nomination of the President.


"Okay, the nomination for President is now open," dagdag niya.


"Huwag niyo akong pagtri-tripan," babala ko sa dalawa at dinuro pa sila.


"Not us, si Jackie oh," nginuso ni Sol ang blackboard.


Anak ng tokwa, hindi pa ako nano-nominate, nakalagay na pangalan ko sa nominees.


Haunted Chess | ✓Where stories live. Discover now