CHAPTER 12

7 3 0
                                        

Inocencio Lake

Welcome to Inocencio Lake

Napabuntong-hininga ako nang makapasok kami sa lungsod. Hindi katulad ng kahapon, marami nang tao ngayon dito. Masyado kasing gabi nang pumunta kami dito kaya walang katao-tao.

Madaling araw na kasi. At himala, hindi pa kami tinatawag ng kaantukan.

Magmula noong sinabi ko sa kanila na binasa ko ang libro ay naging tahimik sila. Ang iba'y nakatulog habang sa front seat naman ay gising na gising pa rin.

I pouted and looked at Froy. "Nagtatampo ba sila sa 'kin?"

He licked his lower lip before answering me. "I don't think so, siguro konti. Naglihim ka kasi e, hindi mo sinabi."

Sumimangot ako. "Hindi naman kasi delikado yung libro ni Mommy, Froy. Sinubukan ko lang namang basahin, baka may malaman ako."

He brushed his fingers towards my hair. "I know, huwag ka na mag-isip ng kung ano. Sila pa, e hindi nga n'yan magagawang sigawan ka. Magtampo pa kaya," he then chuckled.

"Sigurado ka ba?" nilingon ko silang nasa harapan, tulog mantika.

"Sigurado ako, don't worry," he assured me.

I nod before tilting my head on his shoulder. Gusto ko sanang pumikit at matulog kaso baka malapit na kami sa condo na binili ni Trip.

"Dito na tayo, gumising na kayo," anunsyo ni Ate Andrea.

Pero tila ba walang narinig ang dalawang love birds.

"Aba, talagang—" bumaba siya sa front seat at binuksan ang sliding door ng van. "Hoy, punyeta!"

Wala pa rin.

"Baba na tayo, si Andrea na bahala sa mga 'yan," natatawang saad ni Froy bago ako hilahin palabas.

Napangiwi agad ako. Ano na naman kayang gagawin nun? Pwede naman kasing sampalin nalang para magising agad e.

"Ganito ba matulog ang mga 'to?" nilingon kami ni Ate habang dinuduro silang apat. "Ilang araw ba 'tong gising?"

Tumikhim ako bago tinaas ang mga daliri ko. "Uhm, three days?"

"Ano?!" yung sigaw niya abot hanggang Maynila, nasa probinsya pa naman kami.

Trip chuckled before pulling Ate Andrea away. "Ako na, init ng ulo e. Ang aga-aga pa."

Ate Andrea tsked before walking towards us. Tumabi siya sa akin habang masama pa rin ang tingin sa apat.

Kunwaring bumwelo si Trip bago sumigaw. "Mga gago, nabangga tayo!"

Ay, naku.

| …♡♡... |

Pumasok na kami sa condominium bulding. Angas ng pangalan nito, Inocencio Residence. Mayayaman pala ang nakatira rito, hindi halatang probinsya. Parang kapantay kasi ng Lee Residence ito.

"Apat na condo ang binili ko kaya tig-dalawa tayo sa iisang room," ani Trip.

"Sige, distribute mo na," Jake said.

"Zabriel and Froy, AJ and Sol, Jake and Kate—"

Ate cut him off. "E, ako?!"

Trip smirked. "Tayo."

"Ew!" impit na sigaw ni Ate na umakto pang nandidiri. "Huwag na! Ako at si Zabriel, kayong dalawa ni Froy magsama!"

Hinawakan ni Ate ang kamay ko at akmang hihilain nang may humawak sa bewang ko.

Haunted Chess | ✓Where stories live. Discover now