CHAPTER 17

6 2 0
                                        

Manila, Philippines
Ibañez Mansion

"Aray, puta!" impit kong sigaw.

Kanina pa ginagamot ni Froy ang sugat ko sa kamay gamit ang bulak na may alcohol.

He sighed, heavily, looking problematic. "Love, stay still. Will you?"

Inis na inirapan ko siya. "Ang sakit naman kasi!"

"Kasi nga po alcohol po!" agarang sagot niya sa akin.

Nakarinig ako ng halakhak sa gilid ko. Kanina pa kami nakauwi sa bahay at nagpapahinga na rin si Lolo.

Froy contacted some doctor to help Lolo. Mabilis na dumating ang doktor at inasikaso kaagad si Lolo. May kasama itong nurse kaya ito ang nagbabantay sa kaniya.

"Tiisin mo nalang, Zab," halakhak ni Rafael.

Napanguso ako habang pinapanood si Froy sa panggagamot sa akin. Sobra-sobrang pag-iingat ang ginagawa niya sa bawat dampi ng bulak sa balat ko.

"Ah! Ano ba!" hindi ko napigilang tampalin ang pisnge niya na ikinasinghap ng apat.

"Gago, burn," tawa ni Chase.

"Oops," napangiwi si Josiah.

Pumikit si Froy nang mariin bago pinalobo ang mga pisnge niya't bumuntong hininga. Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil sa pagsampal sa kaniya.

"Love..." he softly called and looked at me. "Okay, I'm sorry. Hindi ko na didiinan."

Tumango ako at binigay ulit sa kaniya ang kamay ko. Nagsimula na siyang gamutin ulit 'yon. Pero iba ngayon, hinihipan niya habang dinadampi ang bulak sa sulat ko.

Napangiti ako nang kaunti nalang ang naramdaman kong sakit. Meron naman pala siyang paraan e!

Narinig kong tumawa si Ian. "Sampal lang pala katapat mo para gawin 'yan e."

Inakbayan siya ni Chase na nang-aasar na nakatingin sa akin. "One slap, one kiss, and everything will be alright," kanta niya pa.

Napangiwi agad ako. Anong kanta ba 'yon? Tsaka meron ba nun?

"May pasa rin ako, Froy," nakangusong saad ni Josh.

"Gago, tumahimik ka na," sita sa kaniya ni Rafael.

Napatigil sa pag-ihip si Froy sa sugat ko at nilingon si Josiah bago tinaasan ng kilay. "Pasa sa mukha meron ka, 'di ba? May kamay ka pa. Gamitin mo."

Hindi ko maiwasang mapahagalpak ng tawa dahil sa sinabi niya. Ang suplado talaga! Samantalang mukhang baby kapag ako kausap.

Umalis na silang apat matapos iyon sabihin ni Froy. Inaasar pa nila si Josh dahil pinagsabihan ni Froy, ang mga 'yon talaga.

Napatigil ako sa pag-iisip nang binabalutan na ni Froy ng benda ang dalawang kamay ko. Ingat na ingat pa rin siya at parang dinadahan-dahan niya talaga ang paglalagay sa benda.

Matamis siyang napangiti bago ako tignan. "Ayos na."

Kinurot ko ang dalawang pisnge niya at hinalikan siya sa tuktok ng ilong niya. "Salamat!"

Umawang ang mga labi niya at agad na nag-iwas ng tingin. Natawa ulit ako nang magsimulang mamula ang mukha't tenga niya.

Kinikilig siya. I giggled. Ang cute!

| …♡♡... |

"I called Andrew," bungad sa amin ni Ian.

Haunted Chess | ✓Where stories live. Discover now