CHAPTER 3

8 3 0
                                    

Manila, Philippines
Lee Residence

"Zabriel," tawag sa akin ni Jake pero wala pa rin akong kibo.

Si Mommy 'yon, sigurado akong nakita ko si Mommy sa likuran ni Rose. Hindi ako pwedeng magkamali, siya 'yon.

"Zabriel!" - Froy

"Tol, ano ba!" sigaw ni AJ sabay pisil niya sa pulsuhan ko.

Doon lang ako kumibo at tinignan silang lima na kanina pa nakatingin sa akin. Halatang-halata sa mukha nila ang pag-aalala.

"Okay ka lang ba?" - Sol

"Wala bang masakit sa 'yo?" - Kate

"Kumusta ang pakiramdam mo?" - Froy

Napakamot sa batok si AJ. "Teka nga, ako muna," saway niya sa kanila. "Tol, nakita mo ba si Tita kanina? Tama ba ako?"

"Oo," tumango ako. "Jay, si Mommy ang nakita ko. Sigurado ako, siya 'yon—"

"Hey, hey," he calmed me down.

"Paano 'yon? Patay na si Tita 5 years ago," sabat ni Jake.

Umiling ako. "Hindi ako pwedeng magkamali, Ake. Si Mommy ang nakita ko."

Kumunot ang noo ni Sol. "So ibig sabihin, ang Mommy mo ang kumu-kolekta ng mga kaluluwa?"

"Posible," I whispered at my conclusion.

"Teka, hindi ko masyadong maintindihan," kunot-noong sabat ni Froy.

"5 years ago, naglalaro kami noon ni Jay sa garden ng mansion. Habang naglalaro kami, biglang may kumalabog. Pinuntahan namin kung saan nangyari ang tunog na 'yon, pagkatapos nakita namin si Mommy na parang gumagawa ng ritwal," mahabang litanya ko. "Hindi ko alam, hindi ko maipaliwanag."

"Ngayon naiintindihan na namin," tangong sabi ni Kate.

"So, anong pwedeng gawin para mawala ang pisteng sumpa na 'yan?" inis na turan ni Sol.

Si AJ na ang sumagot. "Sa pagkakaalam ko, kailangan mamatay ng panganay na anak."

"'Di ba, namatay na si Zacharias? Bakit hindi pa tapos ang sumpa?" tanong ni Kiel.

"Hindi," I shook my head. "May ate si AJ pero hindi namin alam kung sino siya."

"Ibig sabihin, buhay pa ang ate mo AJ!" tili ni Kate.

"Maaari, pero bakit hindi siya namatay? Bakit nauna si Kuya sa kaniya?" pagtataka ni AJ.

"Sa tingin ko alam ko kung bakit," sabat ni Froy kaya napatingin kami sa kaniya. "Naalala ko noon, may tumawag kay Ate Angelica para maglaro silang dalawa ni Zach. Sa tingin ko sinadya 'to o sinet-up sila Ate."

Napaisip ako. May tumawag nga rin kay Kuya noon bago siya umalis, ayun ang paalam niya sa amin.

"Tama!" Froy snapped his fingers. "Yung kaibigan ni Ate ang nagsabing maglaro sila ng chess at nanalo sila, kaya sila ang nawala," salaysay niya.

"Posibleng ate mo 'yon, Jay," I whispered.

| …♡♡... |

"Ikinalukungkot kong sabihin pero wala na tayong treasurer, wala na si Rose," anunsyo ni Ma'am Zen habang umiiyak.

Nang makaalis si Ma'am Zen ay agad na umingay sina Trix at Gerald.

Haunted Chess | ✓Where stories live. Discover now