CHAPTER 18

5 2 0
                                    

Manila, Philippines
Ibañez Mansion

"Ibig ba nitong sabihin, ikaw ang mangangalaga n'yan?" kunot-noong tanong ni Sol.

"Pero delikado 'yan, tol!" angal kaagad ni AJ.

I sighed. Totoo nga. Pero delikado 'tong chess board na 'to, anong gagawin ko?

"Hindi ko alam," I whispered and wrapped the chess board with the cloth.

"Anong plano mong gawin diyan?" Froy asked beside me.

Umiling ako. "Bakit... Bakit hindi ko subukang maglaro?"

Sa tanong ko'y samot-saring komento ang narinig ko.

"What the hell, love?" - Froy

"Delikado nga, tol." - AJ

"Are you freaking kidding me, Khalel?" - Ate Andrea

"Hindi pwede, dre." - Sol

"Well..." - Trip

I gulped. "Susubukan ko lang naman."

Umiling si Froy. "I always supported you in anything. But not this, not this one, love."

Napabuntong-hininga ako. Seems like I can't convince anyone of them.

"Nga pala," kunot-noong saad ni AJ. "What happened to your hands?"

Napatingin naman ako doon. May benda pa rin 'yon. "Nagkasugat noong sinubukan kong iligtas si Lolo."

Happiness flashed in his eyes. "Really? Nandito si Lolo? Where he is?"

Nilingon ko si Froy para humingi ng permiso sa kaniya. Agad naman siyang tumango kaya tumayo kaming dalawa ni AJ at pinuntahan si Lolo.

"Here," binuksan ko ang pinto ng kwarto kung nasaan si Lolo Waquin, nagpapahinga.

"God, Lolo," he ran towards him and hugged him.

Kahit ako'y napangiti. Lolo Waquin is the biggest part of our life. Kaya hindi ko masisisi si AJ kung ganito siya kasaya. Kahit ako rin naman, nang mailigtas ko si Lolo kahapon ay sobrang saya ko.

Nakahilata si Lolo habang nagpapahinga. May nakakabit na oxygen sa kaniya, mahina raw kasi ang hangin na nilalabas niya kaya kailangan iyon. Nagamot na rin ang mga sugat at pasa niya, kailangan niya lang talaga ng lakas ngayon.

"Khal," napalingon ako kay AJ. "What did they do to Lolo?"

Umiiyak na siya ngayon. Kahit ako ay naiiyak na rin dahil sa tanong niya.

"Ang totoo n'yan, hindi ko alam," pagtatapat ko. "Noong dumating ako, nakatali ang mga kamay at paa niya, pati rin ang bibig. Marami siyang pasa at lupaypay ang katawan niya. Mabuti nalang at hindi sumuko si Lolo."

"Fuck!" impit na sigaw niya at napahilamos sa mukha. "Sinong gumawa nito?"

Napailing ako. "Maski ako, hindi ko alam kung sino. At kung bakit nila ginawa kay Lolo 'yan."

He sighed. "We need to find out who are they, tol."

I nod and smiled a little. "I know, we will find out, Jay. Huwag ka mag-alala."

| …♡♡... |

"Kailangan nating kumilos, ngayon na talaga. Hindi tayo dapat magpaligoy-ligoy."

Haunted Chess | ✓Where stories live. Discover now