CHAPTER 4

6 3 0
                                    

Manila, Philippines
Vista Verde

Nakaupo kaming lima sa couch habang sina Ate Andrea at AJ ay nandoon sa dining table.

"Sumilip kaya tayo?" gagong tanong ni Froy.

"Siraulo talaga," I whispered.

"Anong nangyari sa 'yo? Bakit hindi ka nagpakita sa 'kin?"

This kind of bullshit is Froy's idea. Kung hindi niya lang naisip na makisilip kami at makinig sa usapan ng magkapatid.

Umiiyak ngayon si Ate Andrea habang nakayuko. Hindi ko alam kung anong pinag-usapan nila kanina, ngayon lang kami nakinig e.

"Anong ginawa mo kina Kuya Zach?"

Parang bombang sumabog ang tanong ni AJ kay Ate. Kaagad itong napaangat at may gulat sa mukha.

"S-sina Zach? Anong nangyari sa kanila? Si Angelica?" para siyang nataranta.

Kumunot ang noo ni AJ. "I'm the one who supposed to asked you that one."

Kumunot ang noo ni Ate at umiling. "No, hindi ko alam ang nangyari that's why I'm asking you."

"What the hell," napatayo si AJ at napahilamos ng mukha. "Bakit hindi mo alam?!" galit niyang sigaw at binagsak ang mga kamay niya sa mesa ng maharas.

Napaigtad ako sa ginawa niya. Maski si Ate ay nagulat at mas lalong lumakas ang iyak niya.

"Hindi ko alam, Joaquin," umiling-iling siya habang umiiyak. "Wala akong alam sa sinasabi mo."

Hindi ko na kinaya at agad na lumapit sa kanilang dalawa. Agad kong hinawakan ang balikat ni Ate upang patahanin siya habang si Froy naman ay pinapakalma si AJ.

"Anong nangyari sa Kuya ko?!" sigaw ni AJ.

"Jay, ano ba!" sigaw ko pabalik sa kaniya. "Kumalma ka nga!"

"Kuya mo?!" Ate burst out. "Ako ang kapatid mo!"

AJ chuckled. "The last time I checked you're adopted."

Napalingon ako kay AJ na may gulat sa mukha. "What?" I whispered.

Mas lalong lumakas ang iyak ni Ate. Napaupo ako sa tabi niya. Hindi ko maintindihan. Bakit niya sinasabi 'yon?

"Bro, what the fuck?" Froy hissed. "What do you mean?"

AJ sighed. "Kasama ng paghahanap niya ang paghahanap ko ng totoo. My mind keeps on asking kung bakit malaki na si Ate nang dalhin siya sa bahay nina Dad, I was just 6 years old back then and Andrea is 15 years old."

Kumunot ang noo ko. "What are you trying to say, Jay?"

"Na noong nakatapak siya sa mansyon ay ang araw na inampon siya nina Dad," aniya habang tinuturo si Andrea. "That's why I didn't saw you ever in my life because you're adopted. Hindi kita kapatid."

Lumakas ang iyak ni Ate habang ako'y naiwang nakatulala.

"Fuck, so hindi si Andrea ang panganay," Froy said. "Kung hindi, sino?"

"It's... It's me, right, Jay?" I whispered, tears falling down on my cheeks.

AJ nod, he's crying too. We're all crying. To the fact na ako pala ang hinahanap nila.

Those spells echoed in my mind.

"So, anong pwedeng gawin para mawala ang pisteng sumpa na 'yan?" inis na turan ni Sol.

Haunted Chess | ✓Where stories live. Discover now