CHAPTER 9

6 2 0
                                        

Manila, Philippines
Vista Verde

"Teka, ano ba talagang nangyayari?"

Gulong-gulo na ako lalo na sa ginawa ni Ate. Kaya niyang pumatay? Oh my gosh.

"Talagang hindi mo ako niloloko?" tinaasan ni Kate ng kilay si Jake.

Tumingin si Jake sa kaniya na para bang takot na takot. "Oy, mahal, grabe ka naman sa 'kin! Hindi kita niloloko at saka inaamin kong pumunta ako rito pero ayun 'yong time na kasama ko kayo ni Sol! Pagkatapos no'n wala na! Promise! Peksman!"

Napangiwi ako. Parang tanga naman talaga, Ake. Hindi naman halatang under ka sa kaibigan ko.

"E, anong sinasabi ng babaeng 'to?!" sigaw na tanong ni Kate habang dinuduro si Jackie.

"Aba, malay ko!" Jake hissed and looked at Jackie. "Hoy, Jackie. Huwag mo nga akong pag-tripan ngayon, wala akong plano manuyo sa mahal ko ah."

Ate Andrea groaned. "Ano ba, parang mga tanga e."

Kahit ako'y naguguluhan na rin sa kanilang dalawa. Dito pa talaga nagawang mag-LQ!

"So, ano nga?" AJ interrupted the conversation.

Ate sighed once again. "Let's make this quick, kailangan nating maabutan ang pang-apat na chess board."

Lahat kami'y tumango. Kumalma na rin si Kate habang si Jake naman ay hindi pa rin makabawi sa gulat. Sino ba namang hindi magugulat, pinagbintangan ka ba namang nagloko.

Tumingin sa akin si Ate Andrea."Trisha Krishnan, kilala mo?"

Tumango ako. "Oo, Ate. Bakit?"

Nagpatuloy pa siya. "Warren Sanchez, Rose Cabrera, Trix Solomon at Gerald Viconde. Kilala mo?"

Kahit naguguluha'y tumango ako. "B-bakit?"

"Patay na silang lahat, tama ba ako?" nagulantang ako sa tanong niya.

Ha? Patay na si Trix at Gerald? Nagbibiro pa nga lang sila tungkol sa nangyari kay Rose noon.

"Teka nga," Froy interrupted and held my hand. "Ano bang ibig mong sabihin?"

Ate Andrea sighed. "Pinatay sila ni Jackie. Nagsalita si Brent kanina, umamin siya sa akin. Ang sabi niya'y isang Jackie Sandoval ang nag-utos sa kaniyang ibigay ang mga chess board sa mga taong binanggit ko."

Kumunot ang noo ko't nilingon si Jackie. "Pinatay? Pinatay mo si Trisha?"

Umiling-iling ito na parang baliw. Umiiyak siya na may halong tawa. May binubulong siya pero hindi namin marinig.

Sol suddenly pushed Jackie. "Bakit mo pinatay si Trisha?! Kaibigan mo rin siya, Kie! Bakit?!"

"Dahil naiinggit ako sa kaniya! Naiinggit ako sa 'yo! Naiinggit ako kay Kate!"

Wait, what?

"Gustong-gusto kong maging kaibigan si Zabriel noon pero umepal kayong dalawa ni Kate, gusto ko lang naman siyang makausap ng matagal at makilala niya ako pero palaging kayo ang kasama niya. Oo, naging magka-klase nga kami pero hindi naman niya ako tinuring na best friend, hindi kagaya ninyo."

Napako ako sa kinatatayuan ko. Ako na naman... Ako na naman ang dahilan.

"Tigilan mo na 'yan," Froy gritted his teeth. "Huwag ka nang magsalita."

Umiling si Jackie at tumingin kay Kate. "Bakit ko sinundan si Jake papunta rito? Dahil gusto ko siyang makausap, gusto kong magtapat sa kaniya. Pero nakita ko kayong dalawa na magkasama, nagselos ako," tumawa siya na parang baliw. "Sayang, bakit ba ako hinuli ni Andrea? Ikaw na sana ang isusunod ko e."

Haunted Chess | ✓Where stories live. Discover now