CHAPTER 13

10 3 0
                                    

Inocencio Lake

"Ang init, grabe!" sigaw ni Sol habang pinapaypayan ang sarili.

Nandito kami sa labas, naghahanap ng mapagtanungan kung may nakakakilala ba sa pamilya ko.

Tanghaling tapat na at wala pa kaming kain. Umalis sina Ate Andrea at Trip patungong city dahil may kailangan daw silang asikasohin doon. Kaya naman naiwan kaming anim dito.

Naisipan ko kasing huwag na magsayang ng oras sa paghahanap ng mga sagot sa tanong ko kaya sinabi ko na sa kanila ang plano ko. Hindi naman ako nahirapang kumbinsihan sila dahil maging sila'y gusto na ring wakasan ang problemang 'to.

"Wala pa rin kaming mapagtanungan," lumapit sa amin ang tatlo.

Naghiwa-hiwalay kasi kami, kaming tatlo nina Sol at Kate habang sina Froy, AJ at Jake naman ang magkasama. Mas mapapadali kasi kung maraming magtatanong.

"Talaga? Ano ba 'yan, kumain na kaya muna tayo?" napalingon sa akin si Kate.

Tumango ako. "Buti pa, gutom na rin ako."

Nagsimula na kaming maglakad patungo sa karinderya na nakita ng boys. Agad kaming pumasok doon at umupo, ang boys na ang bahalang nag-order.

"Dre," tawag sa akin ni Sol. "May sasabihin daw si Kate."

"Ano?" tinaasan ko sila ng kilay.

Nginuso ni Kate ang damit ko, napatingin naman ako doon. Nakasuot ako ng black sleeveless at checkered long sleeve na kulay pula, nakapantalon lang din ako at boots.

"Anong meron sa damit ko?" tanong ko sa kanila.

"Ang lusog ng dede mo," walang prenong saad ni Kate. "Pansin mo, Sol?"

Natatawang tumango si Sol. "Oo nga! Ang laki!"

My lips parted in shock while looking at them. Ang mga bruhang 'to! Ang hahalay!

"Tignan mo," tumayo si Kate at dumungaw sa akin matapos ay hinawakan ang dede ko at inalog.

"Ay, anak ng demonyo!" tinampal ko ang mga kamay niya. "Hoy!"

Ang babaeng 'to talaga!

Natatawang lumayo siya sa akin at nakipag-apir pa kay Sol. Hanggang sa bumalik sina Froy ay natatawa pa rin ang dalawa.

Letse talaga!

"Anong meron?" tumabi agad si Jake kay Kate.

Natatawang nilingon ako ni Kate. "Lusog kasi ni Zabzab e."

My brows furrowed. Zabzab?!

"What?" sumunod naman si AJ at tumabi kay Sol na kanina pa rin tawang-tawa, nakahawak na nga siya sa tiyan niya sa sobrang tawa.

"Ang lusog ni Zabzab, Joaquin!" tili ni Sol at hinampas si AJ.

Anak ng—

Sabay na napalingon sa akin sina Jake at AJ, pati na rin si Froy na nasa tabi ko.

"Ano bang nangyayari?" napakamot si AJ sa kilay niya.

Napangiwi ako. "Wala! Kumain na tayo!"

Naknang— Sa lahat ng pwede mapansin, dede ko pa.

Matapos ang tawanan ay nagsimula na kaming kumain na para bang walang nangyari. Ang dalawang bruha, nakuha pang magdasal pagkatapos ng ginawa nila sa 'kin.

Haunted Chess | ✓Where stories live. Discover now