Manila, Philippines
Lee University
Nagtatatakbo ako papasok ng school. Nang makarating kami sa auditorium kung saan nangyayari ang competition ay hinarangan kami ng guard.
"Kuya, bakit po?" tanong ko.
"Ma'am, may iniimbestigahan pa po sa loob kaya bawal po pumasok," sagot niya. "Baka magalaw ang crime scene."
Kumunot ang noo ko sa narinig. "Ha? Meron ulit?"
Tumango ang guard. "Opo, Ma'am. Suicide na naman daw."
"Pwede bang pumasok, Kuya?" pagpupumilit ni Froy.
"Hindi talaga pwede, Sir," sagot ni manong guard.
Dismayado akong tumango. Nilingon ko ang mga kasama ko at sumenyas sa kanila.
"Guard, may sunog daw sa covered court!" sigaw ni AJ.
Dali-dali namang tumakbo ang guard at naiwan kami sa labas. Natatawang pumasok ako sa loob kasama silang lima.
"Angas mo talagang gago ka," natatawang saad ni Froy kay AJ.
Ngumisi naman ang pinsan ko. "Maliit na bagay."
Nang makapasok kami ay kakaunti nalang ang tao. May ginang na umiiyak habang inaalo ng asawa niya samantalang may bangkay naman malapit sa cr ng auditorium.
"Anong nangyari dito?" tanong ni AJ.
Agad na lumapit sa amin ang mga pulis nang makilala nila kami. "Sir, siya po yung nanalo sa competition kanina, sabi niya magba-banyo lang daw siya pero mga ilang oras na ang nakalipas ay hindi pa rin siya bumalik," saad ng isang police. "Pinuntahan daw ng mga kaibigan niya para i-check at ito yung nadatnan nila."
Binigay sa amin ng police ang tablet na hawak niya. Tinanggap naman agad 'yon ni Froy at plinay ang video. Nakita naming nagc-cr ang biktima, maya-maya pa ay bigla na lamang nag-iba ang timpla ng mukha niya matapos ay inuntog ang ulo niya sa semento na parang baliw.
"May lead na ba talaga kung anong totoong nangyari sa kaniya?" tanong ko sa imbestigador.
"Meron na po," agarang sagot niya. "Suicide, Ma'am."
Bullshit. Everything happened just because those victims want to suicide? Minsan talaga, walang kwenta ang mga police.
| …♡♡... |
"Tol, anniversary ni Kuya bukas, pupunta ka ba?" AJ asked.
I sighed, heavily. "Hindi ko alam, ayoko sanang pumunta."
Tumango siya. "Maiintindihan niya iyon."
"Sana nga, Jay. Sana nga."
Kinabukasan pumasok ako sa school habang si AJ naman ay absent, pupuntahan niya si Kuya Zacharias sa sementeryo.
"Hey," Froy called me. "Si AJ?"
"Hindi ba siya nagsabi?" tanong ko.
He shook his head. "Nah, he didn't text or call me. Absent kasi siya, may reporting kami today."
I nod multiple times. "Pinuntahan si Kuya Zach, death anniversary niya kasi ngayon."
Kumunot ang noo niya. "Si Zacharias?"
YOU ARE READING
Haunted Chess | ✓
Misterio / SuspensoIt kills anyone who won It didn't want to stop The game's just begun - Lee
