CHAPTER FOUR [Unedited]

8 2 0
                                    

"Ma'am?"

I blink and blink and blink. Nakalimutan kong kausap ko pala ang parent ng isa sa mga estudiyante ko. She's asking me about the behavior of her child.

"Pasensiya na," pag-hingi ko ng tawad. "Ano na nga po iyun?"

"Sana maunawaan niyo po kung bakit pasaway si Tonton, kahit nga po kaming mag-asawa, hindi alam kung panong suwayin. Even on his previous school, hindi rin alam kung paanong sasawayin ang anak ko. Only his uncle knew." galing private school kasi si Tantan kaso pinalipat dito sa public school para magtanda pero ganun pa rin, mas lalong lumala yata.

"Okay lang po, Mrs. Bautista. I understand." I smiled at her. "Bata pa kasi kaya ganun pero alam kong mamimiss mo ang pagging makulit ng batang 'yun kapag lumaki." mabilis lumipas ang panahon ganun rin sa paglaki ng mga bata.

Parang nung kailan lang, nabubuhat pa pero nakakapaglakad na ngayon. How fast the day is. Parang kahapon lang.

Pagkatapos naming mag-usap, nagpaalam na ang Mommy ni Tantan dahil may naghihintay pa daw ditong trabaho. Hinatid lang ang anak niya and at the same time, dumaan para makipag-usap sa akin.

"The flying bird is on his way for his date." I roam my eyes to check if anyone's listen to me. And because our subject for today is English, wala silang naiintindihan sa kwine-kwento ko. "Lumilipad na ang lalakeng ibon para makipagdate. Lahat ng nakikita niya, kasama na duon ang mga puno, halaman, kapwa hayop at marami pang iba ay binabati niya isa-isa. Sa sobrang saya ng lalakeng ibon, hindi niya mapigilang kumanta......."

I got interrupted when Angel suddenly ask, "Ano po yung kinakanta ng birdie po, teacher?" napaisip ako ng kunti sa sinabi niya. Because the storytelling is about the bird, of course dapat related rin sa ibon ang kanta.

"Kinakanta niya ang kantang 'masaya'," sana naman, wag na siyang magtanong pa Lord.

“Masaya po?" this time, si Mae naman ang nagtanong. “Ano pong kantang 'yun, teacher?" nakatitig ang mga inosente nilang mata nila sa akin.

Napakamot na lang ako sa bilbil ko dahil sa kakulitan nila. Ginusto mo 'yan, Pearla. Panindigan mo.

"Ako'y masayang-masaya dahil buhay ko'y nagkaroon ng sigla." my forehead knitted because of the tone I have. Sintunadong-sintunado at masakit sa tenga.

"Marami mang balakid pero makakarating rin sa bukid." bahala na kung anong maisip na lyrics. "Basta siya'y ang patutunguhan, sulit lahat ng kahirapan. Ako'y masayang-masaya dahil buhay ko'y nagkaroon ng sigla." pagtatapos ko sa kanta na may kamasa pang papikit-pikit at pagbirit sa huling linya.

My eyes are still asclose kaya hindi ko malamang kung anong reaksiyon nila, kung tumatakip ba ng kaniya-kaniyang tenga o natutulog o hindi nakikinig sa akin.

As I slowly open my eyes, unang tumambad sa paningin ko ang bulto ng lalake. Ng pamilyar na bulto ng lalake. It's him again, the guy who  came here yesterday.

"It's nice to see you again...... Ma'am." nawalan ako ng imik nang mapatitig sa kaniya. Chinitong mata, mapupula ang labi, matangos ang ilong, katamtaman ang haba ng pilik-mata na bumagay sa mata niya at ang pantay-pantay at makapal na kilay. Typical to a man na napapanuod ko sa mga drama.

I'm still amazed by his looks kaya hindi ko namalayang tumaas pala ang sulok ng labi ng chinitong lalake at ang pagbasa nito ng sariling labi.

"Rate it 1-10 po, ma'am. I want to know." i-rate ang alin?

"10?" wala sa sariling saad ko habang nakatitig pa rin sa perpekto niyang mukha. Sobrang ganda naman siguro ng lahing meron sila.

May foreign blood ba si Kuya at ganito kagwapo?

Finding Love Series #5: Quest For Dear Where stories live. Discover now