Chapter 17: Compromise

96 4 2
                                    

Pinuntahan ko sa Camille sa coffee shop kung saan ko inamin na bakla ako pero wala sya dun. Nag-aalala ako para sa kanya. Alam kong lutang siya ngayon at hindi alam ang gagawin. Hindi biro ang subukan n'yang lumapit sa'kin kahit ako ang dahilan ng paghihinagpis nya.

Isa nalang ang lugar na naiisip kong posibleng pinuntahan nya. Sa rooftop ng building nila.
Inabutan ko siya na nakatingin sa malayo. Walang luha sa kanyang mga mata at walang maipintang emosyon sa kanyang mukha. Tumabi ako sa kanya at tumingin kung saan siya nakatingin. Binaling nya ang ulo nya sakin pero hindi nyako tiningnan pero alam kong naaaninagan nyako sa gilid ng kanyang mga mata.
"Cams..."
Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Sa sorry? Kumusta?
"I don't even know how to start... how to... ask for your forgivne..."
"'Wag mo munang hingin sa'kin yan, Gab", mabilis pero mahinang putol ni Camille. "Masakit ang ginawa nyo sakin. Tangina!
Hindi ako nakasagot.
"It's crazy na kayo parin ang hinahanap ko kahit na kayo itong tumarantado sa'kin. Pero ano naman ang magagawa ko? Kayo lang naman ang makakaintindi sa'kin. Putangina diba?"

Harsh masyado yung tinarantado pero naintindihan ko si Camille. Ano pa nga ba ang salita na pwede nyang gamitin eh totoong naman talagang tinarantado namin sya. We deserve kung ano man ang sabihin nya sa'min.

"Andito na'to at sobrang takot na takot ako."

Gusto kong sabihin kay Camille na nandito lang kaming dalawa para sa kanya at hindi namin sya pababayaan but I know how stupid that would sound.

"Ano bang gusto mong mangyari, Cams?"

Hindi sya sumagot. Nagpapakiramdaman kami. Gusto kong sya ang maunang magsalita dahil hindi ko alam ang gagawan. Nakakapanibago. Sa aming tatlo, usually ako ang parang nagsu-suggest ng solusyon pag may problema pero iba ang sitwasyon ngayon. Wala akong karapatang maglatag ng kundisyon bilang ako ang nanarantado.

"Sabihin mo sakin ang gusto mo, Cams. Gusto kitang tulungan. Gusto kitang yakapin pero alam kong wala ako sa posisyon para magsabi ng kahit ano."

Hindi pa rin sya nagsasalita.

"Hindi mo naman kailangan sumagot ngayon. Kung kailangan mong mag-isip, maghihintay ako."

"Ano pa ang tawag mo dito," sagot ni Camille. "Tingin mo ba magtitiis ako dito na humahampas-hampas sa mukha ko ang buhok ko sa lakas ng hangin?"

Tangina napunta nanaman sakin ang bola. Hindi ko nanaman alam ang isasagot ko.

"Anooo???" Malakas ang sigaw ni Camille. Nagulat ako.

"Anong ano? Ano ba ang gusto mong gawin ko?"

"Hindi ko alam! Hindi ko nga alam ang gagawin diba? Kaya nga nagpunta ako sa'yo kasi hindi ko alam ang gagawin ko at ikaw lang naman ang nilalapitan ko pag hindi ko alam ang gagawin ko."

"Hindi ko din alam eh."

"Tangina mo, Gab! The one time na kailangan na kailangan ko ang tulong mo, dun mo pa hindi alam ang gagawin! Ano ba ang ginagawa mo pag hindi mo alam ang gagawin mo???"

"Ewan ko. Nag-gu-Google."

"Tangina mo ka, Gab, wag mokong ma-Google Google. Hindi ito biro. I'm fuckin' scared!"

"Wala ka bang ibang friends?"

"Tangina mo! Tingin mo ba lalapit pa ako sayo kung may iba akong kaibigan? Bobo ka ba?"

"Edi mag-isip muna tayo. Kumain ka na ba?"

Alam kong awkward ang tanong ko na yon. Food is probably the least of her worries. It's weird pero, somehow, gumaan ang loob ko dahil minumura-mura na nyako. Parang love language namin ang magmura.

"Tingin mo ba sumasagi pa sa isip ko ang kumain?"

"Malay ko ba. When I was a mess like this parati akong nagugutom."

"Nabuntis ka na ba at natorotot ng kaibigan?"

"So, ano nga gagawi..."

"Sige, kumain tayo!"

"O sige. Hmmm... aayain ko ba si..."

"For fuck's sake, Gab, bakit mo aayain yon? Tingin mo ba gusto ko syang makita? I don't even want to see you. Wala nalang akong magawa diba?"

Wala nakong naisagot. Tangina, mahirap 'to but I deserve this and I'm willing to do everything I can to somehow make this less complicated. The least I can do is be a patient friend to her.

***

Writer's note: I know sobrang igsi nito but I just thought of revisiting this and see if I can find the tome to wrap up the story . Sobrang quickie ng pagkakasulat nito. Pasensya na :D 

Roommate RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon