Chapter 1: Mico

1.1K 16 0
                                    


Isang mahinang katok ang gumising sakin kasunod ng mahinang ungol. Medyo kinabahan ako. Naiimagine ko ang isang lalakeng nabaril na naghahanap ng tutulong sa kanya. Kinapa ko ang cellphone ko sa kama at tiningnan ang oras. Alas dos ng madaling araw. Kumatok ulit ang tao sa labas ng pinto at tumawag ng "TL". Mahina at medyo utal. Nabosesan ko si Mico pero ayoko parin pagbuksan dahil kabado padin ako. Tumawag sya ulit. Nung masiguro ko na sya yon, tumayo ako at binuksan ng bahagya ang pinto para silipin sya. Sya nga. Nakasandal sa pinto at parang hinang hina. O pagod? Kinabahan ulit ako nung may nakita akong basa at medyo mapula sa kanyang damit pero nawala agad ang kaba ko nung maamoy ko ang isang pamilyar pero ayaw na ayaw kong amoy. Nagsuka sya. Binuksan ko nang tuluyan ang pinto at inakay ko sya patayo. Nung nakatayo na sya tumingin sya sakin at nakiusap kung pwedeng dun muna sya matulog sa kwarto namin. Dating kwarto naming dalawa bago ko sya pinaalis at sinabihan na maghanap ng ibang mauupahan. "Ngayong gabi lang, TL, sige na.". Tiningnan ko ang kwarto nila. Sarado. Nakita kong may suka sa pinto kaya malamang at kumatok na din sya dun pero hindi sya pinagbuksan. Tinablan ako ng awa kaya pinapasok ko na din sya at inakay sa dati nyang kama.

Naupo sya at at tuluyan ng tumumba patalikod, napahiga at naglabas ng isang pamilyar ding ungol. Ungol ng nagsisising lasing. Nakatingin lang ako sa kanya. Ilang minuto din syang hindi nagsalita kaya naisip ko na nakatulog na sya pero bigla syang nagsalita.

"Maliligo muna ako TL".

Alam ni Mico na ayaw na ayaw ko ng amoy ng suka ng lasing. Nahiya siguro sya kaya kahit alam kong gusto na lang matulog at magpahinga, nagsabi sya na maliligo muna. Isa pa, maarte si Mico at malinis din sa katawan na isa din sa mga bagay kung bakit kami magkasundo. Pinilit nyang bumangon kahit hinang-hina at hilong-hilo sya sa lasing. Tumingin sya sakin at iniisip ang sasabihin.

"TL... pwede bang..."

Tumingin ako sa kanya ng may halong pagkainis. Naisip ko na balak nyang magpatulong sakin sa pagligo nya pero nahiya na rin siguro.

"TL, pwede bang humiram ako ng damit".

Tumango ako at sabay sabing "Sige".

Pinilit ni Mico na tumayo at nagpasuray suray papunta sa banyo. Nung makita kong tutumba na sya at tumayo ako ng mabilis at sinalo ko sya bago pa man nya tamaan ang drawer malapit sa pinto ng banyo. Natamaan pa din nya ito ng konti kaya naglaglagan ang ibang gamit nakapatong dito. Tiningnan ko ang mga nalaglag at wala naman nabasag.

"Pasensya ka na TL. Pasensa ka na talaga. Babawi ako sayo". Nakahawak sya sa doorknob ng banyo at matagal na hindi gumalaw.

"TL....".

Hindi ako sumagot. Inantay ko lang ang sasabihin nya.

"TL... hindi ko yata kayang maligo pero ayokong matulog ako ng malagkit ang katawan ko. Alam ko din ayaw mo ng mabaho sa kwarto". Pautal at halos hindi nya matapos ang sinasabi nya.

"TL... baka pwedeng patulong akong maligo" Inaantay ko lang na sa kanya mismo manggaling yon dahil sa totoo lang ay malapit na din akong masuka sa baho nya. Mabuti na lamang ay nasa loob na kami ng banyo nung masuka sya ulit. Alam kong hiyang-hiya na sya sakin pero alam nya din na mahaba ang pasensya ko. At hindi din ako makakatulog na ganyan ang amoy ng kwarto.

Humawak sya sa shower handle dahil hirap syang nakatayo. Pahirapan ang pagtanggal ng damit nya dahil pinipigilan ko din syang matumba. Mas lalo akong nahirapan sa pagtanggal ng kanyang shorts. Pati ang kanyang brief ay may suka. Makinis ang kutis ni Mico at halatang lumaki sya sa luho. Maganda din ang hubog ng kanyang katawan dahil nag-ji-gym kami dati kasama ang dati naming kaibigan na si Jael.

Roommate RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon