Chapter 8: Camille

217 8 0
                                    

Ito ang paborito naming coffee house ni Camille. Tahimik. Hiindi matao. Medyo may kamahalan nga lang pero kung gusto mong mag-usap ng masinsinan, ito ang pinaka-convenient na lugar.

"Ako pa rin talaga ang kailangan mag-serve sa'yo kahit wala tayo sa restaurant ko ano?", panunumbat ni Camille habang binababa nya ang tray na may dalawang baso ng kape at dalawang slice ng magkaibang cake.

"Maka-restaurant ka... turo-turo lang yon eh.", biro ko.

"Aircon yon, tanga!", depensa nya. Umupo sya at sumandal sa couch at pasosyal na nag-cross ng binti. Napagigitnaan kami ng isang maliit na bilog na mesa.

"So, kumusta ka naman?", usisa nya. Nanunuri.

"Magaling na'ko. Nakatulong ang lomi mo, salamat."

"Hindi 'yon, tanga! Kumusta na ang buhay? Kumusta na kayo ni Mikoy pagkatapos ng ganap nyo?"

Hindi ako nakasagot. Hindi din ako tumingin sa kanya.

"Mukha namang back to normal na kayo sa pagka-abnormal nyo. Napatawad mo na ba sya sa kung ano man ang ginawa nya?". Pinilit maging casual ni Camille pero bahagyang sumeryoso ang tono nya.

"Tingin mo ba mali ang magalit ako sa kanya? Ano bang kinuwento nya sa'yong ginawa nya?"

Nakatingin si Camille sa kape nya. Iniisip mabuti ang sasabihin at saka sya tumingin sa'kin.

"Alam mo wala naman kaming masyadong napag-usapan. Iniiwasan ko din naman na puro sa kanya galing ang kwento na hindi kita nakakausap. Alam ko din naman na hindi ka magagalit ng basta-basta. Lalo na sa kanya. Alam kong mahal mo si Mico..."

Tumingin ako sa kanya. Hindi na sya nakatingin sa'kin. Nakatingin sa malayo.

"Halos oras-oras mo syang kasama. Nakakapag-usap kayo sa tinginan lang at nagagawa nyo'kong pagtulangan. Isa sya sa pinakamalapit na tao sa'yo at mataas ang expectations mo sa kanya. Alam kong nabigla ka sa ginawa nya at nadissapoint ka nya."

Naaninag ko na tumingin si Camille sa'kin kaya tumingin din ako sa kanya. Wala akong nasagot.

"Mataas ang respeto sa'yo ni Mico, Gab. Parang kapatid na nga ang turing sa'yo. Sobra lang kasi ang pakikisama ng gagong yon kaya nakikisakay lang sa mga kagaguhan ng mga barkada nya."

"Alam mo, yan din ang sabi sa'kin ni kuya Jov e. Andami talagang abogado ni Mico."

"Mahal ka ni Mico, Gab. At alam kong ganun ka din naman sa kanya. Pamilya nyo ang isa't isa. Lahat kaming nakapaligid sa inyo nakikita yon."

"Cams..." usal ko. "May sasabihin ako sa'yo..."

Tumingin sa'kin si Camille. Marami akong dapat sabihin sa kanya pero hindi ko alam kung san mag-uumpisa. At kung hanggang saan ang aaminin ko sa kanya.

"O...?"

"Bakla ako, Cams". Tumingin ako kay Camille para tingnan ang reaction nya. Tahimik lang sya.

"So, in a way may rason naman sya kung bakit sya nakisali kina Ja nung pinagtatawanan nila ako. Pero sana hindi ganon. Kung totoo ang sinasabi nyo mataas ang respeto nya sa'kin, sana nirespeto nya'ko nun at tumahimik nalang sya."

"Na-pressure na lang yon. Alam mo naman masiyahing tao si Mikoy..."

"Kahit at my expense?" nabuwisit ako sa katwiran ni Camille pero naniniwala naman ako sa kanya. Inosente pa si Mico in that sense. Gusto nya ma-please lahat ng tao. Masyado syang nape-pressure makisama to a fault.

"Teka nga, akala ko ba hindi nyo napapag-usapan ang tungkol sa'men?!", usisa ko.

"Hindi nga! Pero nung huli, sinabi na nya din sakin yung nangyari pero yung instance lang na yon ang sinabi nya. At hindi ko na din inalam ang detalye. Ayaw ko din naman kasing pag-usapan. But he was really messed up. Syempre nag-alala din ako. Hindi sya magkakaganun kung hindi ka importanteng tao sa kanya. Ay ewan ko sa inyo! Problema nyo yan. It's a good start na okay na kayo. 'Wag kang ma-pressure na ibalik sa dati ang lahat ng kaagad-agad. Take your time. Masaya nako sa ganyan. It's a good start".

Roommate RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon