Chapter 12: Moving On

203 9 0
                                    

Bumalik ako sa kwarto nina Mico Binuksan ko ang pinto at direcho akong pumasok at pinindot ang lock.
 

"Hoy! Umayos ka na dyan!"

Nilapitan ko sya at hinawakan ang magkabilang gilid ng ulo nya at hinarap ang mukha nya patingala sa'kin.

"Tigilan na natin itong katarantaduhan na ito, Mico. Umayos ka na bago pa sila makahalata!" mariin pero maingat kong sabi sa kanya.

Pinunas ko ang dalawang hinlalaki ko sa magkabilang pisngi nya at pinahid ang basa sa ilalim ng mga mata nya.

"Kung nahihirapan ka, ano sa tingin mo ang nararamdaman ko? You're the only one I have at ikaw lang ang lalakeng minahal ko ng ganito. Pinabayaan na kita kasi inisip ko ang kapakanan mo. Ang future mo. Wag kang masyadong selfish at arrogant. You need grow up and be a man! Punyeta, I can't do that for you!"

Ilang saglit kaming nakatingin lang sa isa't-isa. Nakita ko sa mukha nya na maraming bagay ang naglalaban sa isip nya. Bahagyang natigilan ako.

"This is us. This is what we have now. Ito na tayo ngayon. Let's just deal with this shit and try our best to survive. Ako ang lugi dito so bigyan mo naman akong konsiderasyon." mahina at maingat na pagpapaliwanag ko.

Nilapit ko ang ulo nya sa tiyan at niyakap ko sya. Masuyo kong hinaplos ang ulo nya. Ang tenga.

Tumayo sya at niyakap ako ng mahigpit at saka nya idiniin ang labi nya sa labi ko. Matagal bago sya bumitaw.

"Pasensya ka na TL. I'm sorry. Maliligo lang ako tapos bababa na din ako," mahinang sabi ni Mico saka sya lumayo sakin at dumirecho ng banyo.

Ganon lang. Mabilis lang. Kanina'y andami kong prinaktis sa isip ko na isusumbat at ipapamukha ko sa kanya pero wala naman nangyari. Hindi ko parin magawang magalit sa kanya ng direcho. Nangibabaw parin ang malasakit ko sa kanya. Putangina naman.

Bumalik ako sa kwarto namin ng wala sa sarili. Hindi nagrerehistro sa'kin ang mga sigawan at tawanan sa labas. Sinarado ko ang pinto pagkapasok ko ng kwarto. Sasandal sana ako at hahagulgul pero naisip ko masyadong cliche kaya dumirecho nalang ako sa kama saka nahiga. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako at parang naglagare ako ng dalawang o tatlong shift sa office. Tinext ko si Chona at humingi ako ng tatlong araw na leave.
Kasulukuyang lumilipad ang utak ko ng isang mahinang katok ang nagbalik sa'kin sa katinuan. Nagpanik ako ng konti at mabilis akong nagpunas ng mukha at sumingkot ng ilang beses. Pumasok ako ng mabilis sa banyo at dun ako sumagot.

"TEKA LANG! NASA BANYO AKO!"

Mabilis akong naghilamos at nagpunas ng mukha saka ako lumabas ng banyo. Lumapit ako ng pinto at binuksan ng bahagya.

"Kuya Gab, hinahanap na kayo sa baba."

Si Kyle. Ilang segundo syang nakatingin sa'kin bago nya nahalata na galing ako sa iyak. Nakakahiya.

"Kuya, may problema ba?" alalang sabi ni Kyle. Alala syang tumingin sa labas bago sya pumasok sa kwarto. Bakas ang pagkabahala sa kanyang mukha.

"Anong nangyari kuya?" maingat nyang tanong.Hindi ako sumagot. Lumapit ako sa higaan at sumandal sa ulunan ng kama.
"Wala 'to, Kyle. Naalala ko lang ang kapatid ko. Ang saya nyo kasing magpipinsan. Parang close na close kayo. Ganyan din kami ng kapatid bago kami magkahiwalay. Iniisip ko lang kung kumusta na sya at kung naaalala din nyako.Ikinuwento ko kay Kyle ang tungkol sa kapatid at kung anong buhay ang meron kami sa probinsya. Taimtim syang nakikining at naniwala naman na yun ang dahilan kaya namumugto ang mata ko. Lusot.

"Alam mo kuya kung totoong namimiss mo na sya edi balikan mo na. Wag ka nang maghintay pa ng matagal. Obligasyon mo yon sa kapatid mo. And you owe it to yourself."

Roommate RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon