Chapter 13: Freefalling

228 8 0
                                    


"Tsk. Oo na. Maganda naman ang katawan mo. Makinis. Syempre kahit papano may attraction din. Malakas ang sex appeal mo. So okay na? I'm sure naman yun lang ang gusto mong madinig diba."

Naisip ko, kapatid nga ito ni Mico. Parehong saksakang ng kulit. Mas malakas pang mang-asar 'to kesa kay Mico.

Ngumiti si Joshua sa'kin at saka nya tinaas ng dalawang beses ang kanyang mga kilay.

"Siguro nung naliligo tayo sa pool hinihubaran mo'ko sa isip mo, ano?" nakangising sabi nya.

"Wow! Sana hindi tayo masyadong overconfident. Iniisip mo yata na manyak ako eh", protesta ko.

"Manyak agad? Pwede namang uma-admire lang. Bakit ba ayaw mo pang aminin tayo lang naman ang nandito. Hindi naman makakabawas sa pagkatao mo kung malaman kong may gusto ka sa'kin."

"Hindi ka masyadong nagkakape ano? Grabe ang confidence mo eh. Bumoborder na sa yabang," nakangiti at naiiling kong sabi sa kanya.

"Aminin mo na. Hindi naman ako magagalit. Flattering nga eh." pagpipilit ni Joshua.

Huminga ako ng malalim at tumalikod sa kanya. Pumukit at pinilit matulog.Hinila ako ni Joshua paharap sa kanya. Halos lumipat na ang ulo ko sa unan nya at tumapat na ang mukha ko sa mukha nya.

"Uy, ano na?"

"Tsk! Josh, bakit ba ang kulit mo? Are you flirting with me?" medyo inis kong sabi sa kanya. Ang totoo nyan ay nafa-flatter din ako sa ginagawa nya. Pero ayoko namang umasa masyado at baka mapahiya ako.

"Pag sinabi kong 'Oo', anong mararamdaman mo?"

"Oo, sige na. I think you're very attractive. Pero hindi naman lahat libog pinapatulan, Josh. Hindi naman ako manyakis na tao. Syempre iniisip ko din kung may masasagasaan ako."

"Bakit commited ka ba?"

Hindi ako nakasagot. Nag-isip ako. I realized na wala naman talaga akong commitment sa kahit na sinong tao. Nakaramdam ako ng konting sakit. Bakit nga naman pipigilan ko ang sarili kong maging masaya. Lugi yon.

"Hindi 'to makakatulong sa inyong mag-asawa. Papano kayo aayos kung ganito ang ginagawa mo? Lalo mong pinapagulo ang situation nyo eh".

Sumiryoso ang mukha ni Joshua.

"Wala na'kong balak makipag-ayos sa asawa ko, Gab. I don't think it will work. Sya na ang nagdesisyon na mag move on at tingin ko wala naman ako sa posisyon para magalit sa kanya. O para pigilan sya," pausal na sabi ni Joshua.

Yumuku sya at dumikit ang noo nya sa noo ko. Nararamdaman at naamoy ko ang mabango nyang hininga. Inilapit nya ang bibig nya sa bibig ko at marahan nyakong hinalikan. Masarap humalik si Joshua. Masuyo. Maingat. Pakiramdam ko ay kinikilala nya nag bibig ko. Marahan kong sinipsip ang labi nya. Malambot. Inabot nya ang aking braso pababa sa kamay ko at hinili nya palapit sa matigas nang aalaga nya. Binalot ko ang kamay ko sa alaga nya at marahang pinisil. Mainit. Nanginginig ang kamay ko at ang buo kong katawan.

Ang akala ko dati wala nang pakiramdam na mas malakas pa sa libog. Wala na yatang mas titindi pa sa libog. Pag mag-isa ako sa bahay minsan at sinusumpong ako ng takot, mag-isip lang ako ng mga nakakalibog na bagay nawawala na ang takot ko. Minsan nga nawawalan ka pa ng moral dahil sa libog.

Natigil ako.

"Josh".

Hindi ko alam kung bakit pero hindi ako komportable. Pumasok sa isip ko si Mico. Alam kong masasaktan sya pag nalaman nya ang ginagawa namin ngayon ng kuya nya kahit alam ko naman na immaterial na kung masaktan man sya. Hindi ko pwedeng ikulong ang sarili ko sa kanya. Hindi pwedeng umikot ang buhay ko sa kanya.

Roommate RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon