Nagising ako sa tunog ng cellphone ko. Si Mico ay nakasubsob pa sa unan sa tabi ko, medyo humihilik. Inabot ko ang cellphone ko at nakita ko ang pangalan ni Chona na nag-flash sa screen. Tumayo ako nang dahan-dahan para hindi magising si Mico, pero bago pa man ako makaalis sa kama, dumilat siya at tumingin sa akin, inaantok pang niyakap ang isa nyang kamay sa katawan ko.
"Si Chona," sabi ko nang pabulong, sabay bangon at pumunta sa gilid ng kwarto. Napapikit ulit si Miko, pagod pa siguro mula sa mga nangyari kagabi.
"Hello, Gab?" boses ni Chona, malumanay pero may halong urgency. "Ano na? Kumusta ka naman?"
"Uy, Chona... sorry, medyo may mga inaayos lang ako," sagot ko. Naisip ko na ito na siguro ang tamang oras para pag-usapan namin ulit yung tungkol sa pagreresign na matagal ko nang iniisip. "Actually, tungkol nga dun sa resignation na nasabi dati..."
Tahimik si Chona sa kabilang linya, parang hinihintay niyang ituloy ko.
"Parang kailangan ko talagang mag-resign, Cho. Marami kasi akong ganap sa buhay na kailangang asikasuhin... gusto kong mag break for a couple of months... may konting ipon naman ako," sabi ko na medyo may hisitation ng konti. Alam ko kasing hindi ganun kadaling mag-decide ng ganito, pero dumating na ako sa puntong hindi ko na kayang balewalain ang mga issue sa buhay ko.
"Gab... jusko ka naman! Teka lang ha," mabilis na sagot ni Chona, pero ramdam ko yung magkahalong taranta at panic sa boses nya. May ilang minuto syang hindi nagsalita. Hinitay ko lang. "Jusko ka! Pag-isipan mo muna yan, no! Baka mas dumami ang ganap mo sa buhay na sinasabi mo pag wala ka nang makain!" Nabawasan ang pagka-pormal nya. Pumunta siguro sa smoking area para makapag salita ng maayos. " Saka alam mo naman, hindi kita pwedeng basta-basta pakawalan. Not that it's up to me. Syempre desisyon mo yan. Pero we both know na hindi ka lang basta empleyado rito. May leverage ka. Gamitin mo. You're vital to the team. Naiintindihan ko naman na kailangan mo ng oras para sa sarili mo."
Tumahimik ako. Iniisip kung ano ang pinupunto nya.
"Ganito na lang, Gab," dagdag niya. "Alam kong kailangan mo ng time, so I'll buy you more time. Magpahinga ka muna. Tutal, marami ka namang naipon na leave. Gamitin mo na lahat, pero sana makabalik ka kahit ilang araw lang next week. We need you even for a few days para hindi tayo maapektuhan ng husto. Nastress ako sayo, kaloka ka!"
Nakaramdam ako ng bahagyang ginhawa. Alam kong hindi madali kay Chona ang mag-adjust para sa mga team niya, pero ginagawa niya ito para sa akin. "Salamat, Cho. Sige, I'll think about it. I really appreciate this."
Bago pa man ako makasagot ng maayos, narinig ko ang mahina pero malinaw na katok mula sa pinto. Pareho kaming napalingon ni Mico. Nakita ko ang bahagyang takot sa mga mata niya, tulad ng sa akin. Sino 'to?
"Cho, may kumakatok. Chat nalang ako ha, salamat."
Mabilis akong lumapit kay Mico at tinayo sya.
"Uy, lumipat ka muna sa kabilang kama," bulong ko sa kanya, na may kasamang matatalim na mga mata. "May tao, gago!"
Agad naman siyang sumunod, nagtulog-tulugan pa habang lumipat sa kabilang kama. Inayos ko ang sarili ko, mabilis na nagsuot ng shorts at t-shirt. Huminga ako nang malalim bago ko binuksan ang pinto.
Si Josh.
Napansin ko ang awkward na ngiti sa mukha niya, parang hindi niya alam kung paano babati. "Bad timing ba?" tanong niya. Pinanlisikan ko sya ng mata indicating na mag-patay malisya sya na alam nya ang tungkol sa amin ni Mico. Which is useless kasi alam na din ni Mico na may nangyari samin ni Joshua pero, ewan ko, instinct ko nalang na maganda na yung ganun na nga lang para less confrontation. Mababa na masyado ang energy ko ngayon at wala nakong lakas sa kung ano mang tensyon. Ang awkward nito.
BINABASA MO ANG
Roommate Romance
RomanceTahimik ang mundo ni Gab bilang isang tagong bakla na may maayos na trabaho at mangilan-ngilan pero totoong mga kaibigan. Yun ay bago nya nakilala ang isang inosenteng binata na nakasama nya sa bahay at nang lumaon ay gumising sa kanyang matagal nan...