Chapter 2: Moving In

456 8 0
                                    


This was how it all started.

Unang araw ni Mico sa 5 day training. Dahil hindi particular ang company namin sa accent, ayus na samin ang nakakapagsalita ng fluent na English. Pagkatapos ng orientation from HR, may meet and greet muna sa kanya-kanyang assigned na Team Leader. Isa si Mico sa mga napunta sa team ko na ikinatuwa ko naman not because of anything pero nakikita ko na magiging magaling syang agent at hindi magiging sakit ng ulo. Iba ang aura ni Mico ngayon dahil naka-casual na damit lang sya. Naka-Gap na polo shirt, Jeans na hindi kita ang brand at K-Swiss na sapatos. Pero hindi pa rin matatanggi ang pagiging anak-mayaman dahil sa kakinisan ng balat. Kung kahapon ay mukha syang artista sa pormal nyang damit, ngayon naman ay mukhang syang teenager pero nakapakaliwalas ng mukha. Palangiti kasi sya at para bang anghel na walang masamang buto sa katawan.

Magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman ng mga bagong agents. Ipinaliwanag ko sa kanila ang expectations ng company from them gayun din ang expectations ko. Very light lang ang discussion. As much as possible gusto kong maging komportable ang mga agents ko sakin at sa company para mas madaling mag build sa kanila ng rapport. Sinabi ko sa kanila na mas preferred kong maging open sila sakin at sabihin kaagad nila sakin kung may kahit anong problema.
Pagkatapos ng shift ay nagsiuwian na lahat ng ka-shift ko. I stayed in the office for about 15 minutes dahil may mga tinutulungan ko ang Call Center Manager ng cluster ko para sa mga proposals namin na ide-deliver within that week. Kahit hindi ko trabaho, tumutulong na din ako sa kanya dahil madami din naman akong natututunan.
Pagpunta ko sa locker ko nung natapos nako, nagulat ako nung makita ko si Mico sa na andun pa din at kausap ang guard.
"O Mico, bakit andyan ka pa. Di ka pa ba uuwi?"
"Wala po kasi akong dalang sasakyan ngayon TL. Inaantay ko yung text ng kuya ko. Sasabay ako sa kanya pauwi kasi may ka-meeting po daw sya sa bandang Shaw".
"Sa Bulacan ka pa ba umuuwi?", naalala ko na sinabing nyang sa Malolos, Bulacan ang bahay ng kuya nya kung saan sya nakatira.
"Wala pa kasi akong mahanap ng boarding house or room for rent, TL. Baka may alam ka. Patulong naman ako" Nakita ko mukha nya na problemadong problemado sya sa titirhan nya.
"Nagrerent ako ng studio type na apartment 10-minute drive away dito sa office. Magkatabi kami ng unit ni Jael, yung matangkad na TL naka naka stripes na red kanina. Pero magkaiba kami ng unit na inuupahan. Kaso may ka-roommate na kasi sya. Pero yung dalawang kwarto sa baba namin pinabe-bed space nung may-ari. Try mo."
"Talaga?? Ayus! Sana may bakante. Uuwi ka na ba, TM? Pwede bang tingnan ko na ngayon? Tetext ko si kuya na dun nalang nyako sunduin". Nakita ko na na-excite sya.
"Pwede din... Kuya Jov, pakisabi sa shuttle pahatid nako. Wala naman yata na syang ihahatid", sabi ko sa guard.
Pagdating namin sa boarding house ay tinuro ko sa kanya yung mga kwarto na pinapa-bed space sa baba. Sinabi ng katiwala na may binili lang daw sa labas yung may-ari na nakitara lang sa kabilang bahay kaya inaya ko muna syang umakyat para ipakita ang kwarto ko at yung kwarto nina Jepoy at Jael.
Bukas ang pinto nina Jael at nakita namin syang naggigitara at walang damit. Maganda ang katawan ni Jael. Maputi din sya at mahilig mag-ayus ng katawan. Kung titingnan mo sya ay wala sa hitsura nya ng ang naglalagay ng kung ano ano sa mukha at lotion sa katawan pero banidosong tao din sya. Tipikal na alpha male kasi ang dating nya at walng bahid ng kalamyaan sa katawan. 26 years old na sya. Mas matanda ako sa kanya apat na taon. Binati ko sya at lumabas sya nung nakita nya kami.
"Pare mukhang nag-OTY ka nanaman ah", bungad ni Jael sabay tawa.
"Oo tinapos ko lang yung report ni Cho. Darating si Thomas Keller sa lunes diba"
"Ayus yan. Pasok na pasok ka na sa promotion nyan pag kailangan na ng additional CCM", sabay tawa ni Jael.
"Wala yata sa Jepoy? Pumasok?", tanong ko.
"Wala, nagsine nanaman siguro yon. Hindi sya naka uniform eh"
"Ay, ngapala Ja, si Mico isa sa mga bagong agents natin. Alam mo ba kung may bakante pa sa bed space sa baba?'
Nakipagkamay si Mico kay Jael. Natawa ako. "Hayup sa handshake ha parang politiko. Pormal na pormal". Ngumiti si Mico na halong pagkahiya. Tumawa si Jael.
"Oo kilala ko sya. Puta kinikilig yung mga babae sa team ko sa kanya. Basang basa siguro ang mga panty nila pag nakikita ka nila." Nagtawanan kami ng malakas ni Jael habang namumula naman nakangiti lang si Mico.
"Bihis lang ako Mico. Maupo ka muna dyan habang hinihintay yung may ari. Pabalik na siguro yon. O kung gusto mo pasok ka dito para makita mo ang kwarto ko. May iced tea ako sa ref. Medyo magulo nga lang kwarto ko ng konti".
Pumasok ako sa apartment ko at sumunod naman sya. Maluwang at convenient naman ang mga unit namin ni Jael. Dalawa yung higaan sa unit ko. Isang double bed na gamit ko saka isang single na extra na pinaglalagyan ko lang ng mga bag at kung ano-ano. Naupo sya sa isang kama habang iniinom ang iced tea na binigay ko. Ako naman ay pumasok na sa banyo para magpalit ng damit. Lumabas ako ng banyo ng walang damit at naka shorts na pambahay. Mukhang nagulat si Mico ng makita nya ang katawan ko. Halos anim na buwan din kasi kaming regular na na nagwo-work out ni Jael bago magsara yung Gym na malapit lang sa apartment namin. Hindi naman sa pagmamayabang, maganda ang katawan ni Jael pero mas maganda ang hubog ng katawan ko sa kanya. Nagulat siguro si Mico dahil wala sa hitsura ko ang may ganong hubog ng katawan. Pormal kasi akong magdamit sa office at bumo-border sa pormang teacher. Pero hindi naman ako baduy magdamit.
"TL, para puro kayo mga model ng Bench dito ah. Ganun ba lahat ng TL sa company natin? Nagtatransform pagdating sa bahay?" Tawanan kami.
"Bakla kasi yung may-ari nito. Requirement nya yung ganito ang katawan bago nya tanggapin". Tawanan pa din kami.
"Dapat pala TL sama nyoko kung san man kayo bumibili ng abs na ganyan".
Tumigil kami sa pagtawa nung may kumatok sa pinto. Si ate Karla, yung may ari ng bahay. Sinabi namin sa kanya na naghahanap ng matitirhan si Mico pero unfortunately eh wala na daw available sa baba. Meron daw isa na 2 months pa daw baga matapos ang contract nya sa trabaho nya kaya doon palang magkakabakante. Pagkapaalam ni ate Karla, nakita na lumungkot ang mukha ni Mico.
"Dibale, madami namang boarding house sa street na 'to. Samahan kita bukas pag walang overtime." sabi ko.
Napaisip si Mico. "TL, ikaw nga pala nasan ang roommate mo? Sino ang natutulog dito?", sabay turo nya sa kama kinauupuan nya.
"Ako lang mag-isa dito. Pero minsan pag gabi may nakikita akong nakahiga dyan na matandang babae. Pero hindit natutulog at nakatingin lang sya sakin magdamag. Tahimik sya at namamaga ang kanyang mukha".
"PUTANGINA!" napatayo sya ng mabilis. Ako naman ay hagalpak lang ng tawa. Naupo sya sa kabilang kama. Matatakutin pala sya sa mga multo.
"Sama nalang ako sayo dito TL. Mabait naman ako. Wala din akong bisyo. Malinis naman ako sa katawan at sa bahay. Hati tayo sa renta. Para tipid"
"Naku, mas gusto ko kasi yung mag-isa. Yung wala masyadong inaalala."
Hindi na sya nagpilit. Nahiya din siguro. Pero nakita kong hinayang na hinayang sya. Tumunog ang cellphone nya at binasa nya ang text Tumayo sya at nagpaalam na dahil nasa baba na daw ang kuya nya. Malungkot pa rin ang mukha.
Si Mico yung tipo ng bata na dahil napakaamo ng mukha ay nakapahirap nyang tanggihan. Medyo nag-alala din ako para sa kanya. Sya yung tipo ng tao na dahil napaka-inosente ng mukha ay parang lapitin ng mga taong manloloko. Lalo na sa Makati.
"Kung gusto mo pwede ka dito for a few days habang naghahanap ka pa ng magandang room na mauupahan. Tapos tulungan nalang kitang maghanap after work."
"Yessss!!!" Lumiwanag ang mukha nya at parang mapapatalun pa sa tuwa. Parang akmang yayakapin pa nya ko pero bigla syang nahiya at napapalakpak nalang sya ng isang beses ng malakas.
"TL, kung okay lang sayo pwede ba start nako ngayon araw na dito matulog? Nakaready na kasi mga gamit ko kung sakaling makahanap ako ng malilipatan. Kukunin ko nalang dun sa kotse".
"Hahaha! Tangina ang lupit mo ah. Seryoso ka ba?"
"Oo, TL. Ang hirap kasi magbyahe pa-Bulacan kaya ni-ready ko na lahat. Kahit yung pambayad ko ready na TL. Sige na please. Wala pa nga ako masyadong tulog."
"Ayus ah!" napapailing nalang ako at natatawa sa mga pangyayari. Napatango nalang ako at hindi alam ang sasabihin. "Aaah... hmm... okay".
Pagkatapos nun ay inaya ako ni Mico na sumama sa kanila na kumain muna para na rin daw makilala ko ang kuya nya. Hindi na din ako tumanggi. Magaan naman ang loob ko sa kanya at masaya naman syang kasama dahil mabiro din.
Bigla akong nagdalawang isip nung pababa na kami at papunta sa kotse nila. Magkapareho din kaya sila ng ugali ng kuya nya? Makakasundo ko din kaya sya?

Roommate RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon