Chapter 4: Jael

313 6 0
                                    


[FLASHBACK]


Ginising ako ng alarm ko ng alas otso ng gabi. Kinapa ko ang switch at binuksan ang lamp shade at umupo muna at tumanganga. Si Mico ay himbing na himbing pa sa pagtulog. Nakatihaya. Bukol na bukol ang malaking biyaya. Tangina 'tong batang 'to. Pinagpala talaga. Pati titi mayabang.

Maya-maya'y gumalaw si Mico, nagkusot-kusot ng mata at tumingin sakin. "TL anong oras na?"."Gabi na. Bumangon ka na dyan at papasok na tayo."

Nag-unat sya at lumiyad. Lalo tuloy bumukol ang mayabang nyang tite. Tumayo ako at binuksan ang ilaw. Pagbukas ko ng ilaw ay kinuha ni Mico ang extra nyang unan at tinakip sa harapan nya. Tingnan mo 'tong mokong na 'to. Akala yata nya pag-iinteresan ko pa ang titi nya.

Tamayo ako at pumunta na ng banyo para maligo. Napansin ko ang drawer ko malapit sa salamin. Ibang klase talaga ang anak mayaman. Kung dati ay suklay at wax lang nakapatong sa drawer ko, ngayon ay halos mapuno na. May shaving cream, after shave, lotion, paper towel at kung ano-ano pang abubut. Yan ang mayaman. Andaming kalakal.

Paglabas ko ng banyo ay natutulog pa din sya. Dahil nakatapis sa baywang ko ang twalyang ginamit ko, kumuha ako ng isa pang twalya para magtuyo ng buhok. Umupo ako sa kama nya at tinapik tapik ang pisngi nya. "Hoy! Gising na!". Dumilat sya at ngumiti lang sakin. Tapos pumikit ulit. Inalog-alog ko ang dibdib nya. Wala.

"Mico, hindi ko pangarap maging yaya mo ha. Pag hindi ka tumayo ngayon dyan mawawalan ka ng tirahan. Pag na-late ka mawawalan ka pa ng trabaho!"

"Heto na nga!", biglang tayo nya ay nag-unat, nagkambyo ng naninigas na titi at nagkamot ng ulo gamit ang dalawang kamay. Pasuray-suray syang pumunta sa banyo.

Habang nagpapatuyo ako ng buhok ay iniisip ko kung ano itong napasukan ko. Sanay akong mag-isa lang sa bahay. Walang iniintindi at malayang gawin ang lahat ng gusto. Kahit lumabas ako ng banyo na isa lang ang gamit na twalya dahil hindi ko na kailangan magtapis paglabas. Pwede akong maglakad lakad ng nakabuyangyang ang tite.

Pinatay ko ang aircon. Tahimik. Bigla akong napalundag at nagulat ng may malakas na nagsalita sa likod ko. "TL, PAABOT NAMAN NG TWALYA!!!!!".

"PUTANGINA NAMAN MICO!!! BAKIT KA BA NANGGUGULAT!!!"

"Hahahahahaha. Sorry, TL! Paabot naman nung twalya sa bag. Wala pala akong twalya dito", hagalpak ni Mico. Nakalabas ang ulo sa pinto at medyo nanginginig pa dahil pumapasok ang lamig sa banyo.

Kinuha ko ang twalya at inabot sa kanya. Sinarado nya ang pinto. Tapos bumukas ulit. "TL, yung isa pa pala. Yung kulay blue. Sa bag din".

"Tsk tsk tsk!"

Naupo ako sa kama pagkabihis ko at inaantay syang lumabas. Lumabas sya ng nakatapis din ang isang twalya at isa naman ay naka balabal sa balikat nya. Inaayos nyang mabuti nakabalabal na twalya at ingat na ingat na hindi makitaan ng nipples. Kutis mayaman talaga 'tong isang 'to. "Baby fats" and all.

"TL, wag mo nga akong tinitingnan ng ganyan. Hinuhusgaan mo ang baby fats ko. Pag ako nagka-abs pati ikaw mapapayakap sakin". Mabilis syang nangalkal ng damit, pumasok sa banyo at nagbihis. Pagkalabas ay mabilis na nag-ayus ng buhok, pumili sa apat na pares ng sapatos at sinuot ang napiling sneakers.

"O, TL. Ano pang tinatanga mo dyan? Pag na-late tayo baka mawalan pako ng trabaho ng dahil sayo", sabay labas nya ng pinto na tumatawa. Napangiti nalang ako at tumayo.

Sigh!

Sana'y akong mag-isa sa tinitirhan ko. Ngayon ay may kasama akong batang anak-mayaman na ngayon lang yata nahiwalay sa kanyang yaya. Nung naglalakad kami papunta sa lugar kung saan kami pi-pick-up-in ng shuttle ay nadaan ulit kami sa kainan nina Camille. Napansin kong sumisilip-silip si Mico sa loob ng kainan. Umakbay sya sakin.

Roommate RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon