Chapter 7: Long Overdue

297 9 2
                                    

Nagdilim ang paligid ko nang isang mabigat na sampal ang dumapo sa pisngi ko. Sumunod kong nadinig na patakbong bumaba si Camille sa hagdanan. Umaalingawngaw ang paghikbi.Napasandal ako sa pader at natulala. Gusto ko syang habulan pero ano naman ang sasabihin ko sa kanya? Na mahal ko sya at hindi ko intensyon na saktan sya kaya sinikreto ko na nagsesex kami ng boyfriend nya? Na mahal na mahal sya ni Mico pero mas mahal ako kesa sa kanya kaya hihiwalayan na sya? Baka ibigay din nya ang asawa ng sampal na kakabigay lang sakin.Bago itong pagsampal sa'kin ni Camille, dalawang tao lang ang naaalala kong pisikal na nanakit sa'kin sa buong buhay ko: Ang isa, yung mabagsik na teacher ko sa Math nung elementary. Patay na sya; Ang isa pa ay ang tatay ko. Maraming beses. Sinturon. Tsinelas. Nung lumaon ay naging kutos, batok, hila ng buhok. Ang pinakahuli at pinakamatindi ay sipa at tadyak.

Sabado yun ng umaga. Kakauwi ko lang dahil magdamag akong nagpapalevel ng mga MMORPG characters ng mga Koreano na binabayaran kami ng lingguhan. Tigdalawang oras mula lunes hanggang huwebes. Magdamag naman pag biyernes. Papatay ka lang ng mga halimaw ng paulit-ulit. Nakakaburat! Nakakainip. Pero easy money. Ang akala nina Jael ay wala akong hilig sa computer games pero ang totoo nyan ay naging sugapa ako sa laro nung kabataan ko to the point na pinagkakitaan ko ito kaya nagsawa nalang ako.

Dahil hindi ko pa nakukuha ang sweldo ko noon ay umutang muna ako kay mang Carlos ng sardinas para sa amin ni Grey. Si nanay kasi hindi na kumakain sa bahay usually at dumidirecho na sa salon at dun na nag-aalmusal. Nagtatalo sila ni tatay nun pero hindi na yon iba sa'kin kaya hindi ko na pinansin. Nakahanda na ang sinangag kong kanin at ginisang sardinas kaya umupo nako sa harap ng mesa at tinawag si Grey na kakagising lang at pumunta ng banyo para umihi at magmumog. Palabas na ng banyo si Grey nang lumabas din mula sa sala ang tatay ko na umuusok sa galit sa di ko na nalaman na dahilan at bigla nalang sinipa ang de-tuping mesa at tumilapon. Parang cartoons na naiwan akong nakaupo kahit wala nang mesa sa harapan ko. Gulat at hindi makagalaw. Nakatayo sa harapan ko si Grey na umiiyak at nanginginig sa takot. Nagdilim lalo ang paningin ko nang makita kong kinakain ng aso nakasambulat na sardinas sa sahig na inutang ko lang. Pinakawalan ko ng pinakamalakas na sigaw na ginawa ko sa buong buhay ko. Nararamdaman ko ang mga ugat sa noo ko.

"PUTANGINA MONG GAGO KAAAAAA!!! BAKIT HINDI KA NALANG MAMATAY!!!"

Isang malakas na sipa ang mabilis na tumusok sa aking tagiliran at tumilapon ako sa aso na napatalon sa gulat at nagtatakbo palabas. Umungol ako ng malakas sa sakit na parang kinakatay na hayop. Hindi ko na mabilang ang sipa na dumapo sa katawan ko habang nadidinig ko ang malakas na iyak ng noon ay apat na taong gulang pa lamang na si Grey bago ako tuluyang mawalan ng malay.

Yun yung bago ako umalis ng bahay at tuluyan nang kinalimutan na tatay ko sya. Pinutol ko ang kahit ano mang ugnayan ko sa kanya pero ang mas masakit, nadamay ding naputol ang ugnayan ko sa walang kamuwang muwang na kapatid ko na mas mahal ko pa kesa sa sarili ko. Sumumpa ako na babalikan ko sya pero hanggang ngayon ay hindi ko pa nagagawa.

Buhay pa ang tatay ko ngayon pero malay natin, baka bukas mamatay na sya, diba? Pero iba itong sampal ni Camille. Mahapdi. Mabigat. Nanunuot sa utak at kaluluwa. Parang hindi na yata ako makaka-recover.

***

Pasensya na at nagsingit nanaman ako ng time travel na eksena. Nagpapaka-dramatic lang. Gusto ko lang ipaintindi sa inyo na alam kong mali ang nangyari at alam kong may tao akong nasaktan kahit hindi ko intensyon na saktan sya.Pero balikan muna natin ang mga nangyari bago nagkaroon ng ganyang komprontasyon sa'min nina Mico at Camille.

ITULOY NATIN ANG NAPUTOL NA ROMANSA:

Inangat ni Mico ang mukha nya at tumingin sakin. Pumikit sya at dahan dahan nyang nilapit ang bibig nya sa bibig ko at saka nya'ko hinalikan. Maingat pero walang pag-aalinlangan. Bahagya nyang idiniin ang bibig nya habang nakaipit ang labi ko. Binuksan ko ng bahagya ang bibig ko at tumugon ako ng halik. Ilang sandali kaming natigil at hindi gumalaw. Nagpalitan ng hininga. Gumalaw ulit ang bibig nya at marahang sinipsip ang labi ko. Gumanti ako at ginawa ko din sa nguso nya. Maraming bagay na tumatakbo sa isip ko pero mas nangibabaw ang sarap na naramdaman ko sa halik ni Mico. Nilabas nya ang dila nya na sinalubong naman ng dila ko. Sinipsip nya ng marahan ang dila ko at nagsimulang naging madiin ang halik nya. Madiin pero masuyo. Tuluyan na syang pumatong sa akin at kaagad kong naramdam ang matigas na bukol sa kanyan harapan. Tumagal ng isa o dalawang minuto kaming naghahalikan. Marahang tinanggal ni Mico ang bibig nya sa bibig ko at inangat ang mukha at saka sya nagtanggal ng damit. Tinanggal ko din ang damit ko. Umikot kami at ako naman ang pumatong sa kanya. Tinanggal ang kanyang suot na shorts. Nakalabas na ang ulo ng tigas na tigas na alaga ni Mico at gusto nang kumawala sa kanyang brief. Binaba ko ang brief nya at rumolyo ito at humagod sa kanyang maputi at makinis na hita na lalong nagpatindi sa nararamdaman kong libog. Tumambad nanaman sa'kin ang malaki at naninigas na ari nya. Inusog nya ang katawan nya at umupo sya sa bandang ulunan ng kama at saka na binuka ang binti nya na parang buong pusong inaalay sa'kin ang pagkalalaki nya.

Roommate RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon